13

433 7 0
                                    

"AKALA ko hindi ka palalabasin ng isip bata mong amo" bungad sakin ni marl pagkapasok ko ng kotse.

"Aalis nga dapat kami e, e sabi ko may pupuntahan tayo" sabi ko at nag seatbelt. Binuksan niya naman ang makina.

"Really? Sinabi mo yon sa kanya? Na aalis TAYONG dalawa?" hindi makapaniwalang tanong nito at diniinan pa ang salitang tayo at nag simula na siyang mag maneho.

"Oo, napilitan nga e. Hindi ko nga alam kung saan naman kami pupunta." Sagot ko.

"Eh malamang pag t-trabahuin ka lang non. Buti na lang at sinundo kita" sabi nito.

"Eh sa'n naman ba kasi tayo pupunta? At may pa secret-secret kapang nalalaman"

"Pupunta muna tayo kila mama sabi ko kasi dun tayo mag l-lunch. Tsaka ko na sasabihin kung saan tayo pupunta mamaya. Para suprise" sabi nito. Daming alam.

"Si zeyla pala nag aaya may party na naman" sabi ko. Baka kasi hindi pa alam.

"Ow, nag sabi din siya sakin" sabi nito at ngumisi.

"Kamusta kagabi?" Tanong ko.

"Ayon lasing si jake hahaha kagago yah tapos si claire naman nakipag halikan na sa kabilang table" pag kwento nito. Natawa naman ako sa kinuwento nito.

"Eh ikaw? Hindi kaba nalasing?" Tanong ko sa kanya.

"Paano ako malalasing kung nag aalala ako sayo" sagot nito. Natahimik naman ako sa sinabi nito.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya inilabas ko ito at tinignan kung sino ang nag text.

Bruhildo

Text me where you are and I'll pick you up later after you accompany that fool.

Señorito hindi ko masusunod yung curfew mo may pupuntahan kaming party ni marl mamaya.

Agad naman itong nag reply.

Where will it be held?

Hindi ko alam eh. Basta señorito wag mo na akong sunduin hahatid naman ako ni marl.

Naiistorbo pa kita sa trabaho mo.

Narinig ko kasi minsan sa sekretarya niya na minsan ng nag punta sa bahay na ngayong araw ay may meeting siya. Bakit niya pa ako susunduin mamaya? Mas mahalaga pa ba ang yaya niya kesa sa trabaho niya?

Hindi ka istorbo sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo ako ang susundo sayo wag na wag kang mag papahatid diyan sa kasamahan mo.

Hindi na ako nakapag reply dahil nagulat ako sa nireply nito. Nag titilang anghel ba siya o ano?

"Nandito na tayo" hindi ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila marl.

"Busy ka kasi sa kausap mo kaya hindi kita iniistorbo" sabi ni marl sa akin habang tinatanggal ang seatbelt ko.

"Ah si kleo lang yun, siya daw susundo sa akin mamaya. Wag mo na akong ihatid marl" sabi ko dito. Lumabas na kami ng sasakyan at nag lakad na kami papunta sa bahay.

 Lumabas na kami ng sasakyan at nag lakad na kami papunta sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon