46

320 3 0
                                    

"Y-yuni..."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong 'ko dito.

"Don't worry Yuni wala siyang masamang gagawin satin. Pumunta siya dito para mag paliwanag at humingi ng tawad, so sakto lang ang dating mo. By the way, where's Kuya?" Tanong nito.

"Pumunta saglit sa CR" sagot 'ko. Umupo ako sa gilid ng kama ni Zil. Actually dapat nung isang araw pa siya lalabas kaso tinatamad daw siyang mag trabaho ulit.

Iba talaga ang mindset ng mag kambal. Yung isa seryosong seryoso sa trabaho habang ang isa naman ginagawang bakasyon ang nangyari sa kaniya.

"Sana mag tagal siya do'n dahil kilala mo naman siguro si Kuya, Sister-in-law?" Saad ni Zil, tumango naman ako. Baka kung hindi siya na jingle ay baka mag karoon Pacquiao vs. Mayweather sa loob ng hospital.

"Hindi narin ako mag tatagal. Yuni, Zil, patawad sa mga kasalanan na ginawa 'ko sainyo" sabi ni Dawn.

"Kay Kuya ka rin dapat humingi ng patawad. Dahil siya ang mas naapektuhan dito Dawn" matigas na saad ni Zil habang seryosong naka tingin kay Dawn.

"Dawn p-paano mo nagawa iyon sa matalik mong kaibigan?" Hindi 'ko na napigilan ang mga luha 'ko.

"Y-yuni, unang kita 'ko palang sayo nakuha mo na ang atensyon 'ko. Akala 'ko ay hindi mag kakaroon ng pag tingin sayo si Kleo pero nag kamali ako. Nag kamali ako.."

"Umamin ako kay Kleo na gusto kita, kahit hindi niya sabihin nararadaman 'kong hindi niya nagustuhan ang sinabi 'ko. At doon 'ko napatunayan na may kaagaw ako sa puso mo" pag kwento nito. Si Zil naman ay nag c-cellphone lang.

"Nagawa 'ko lang sayo 'yun dahil akala 'ko yun ang paraan para mapasakin ka. Obsessed na obsessed ako sayo Yuni..."

"Na tipong sisirain mo na ang pag kakaibigan niyo at tiwala sayo ni Kleo" walang buhay na saad 'ko.

Hindi naka imik si Dawn sa sinabi 'ko. Yumuko lang ito at maya maya ay lumuhod.  Napatayo naman ako dahil sa biglaang kilos nito.

"Patawarin niyo ako..." saad nito habang umiiyak. Nag ka tinginan kami ni Zil dahil sa ginawa nito. Seryoso lang ang tingin niya sa akin bago ibaling kay Dawn.

"Kilala mo ako Dawn. Hindi ako basta basta nag papatawad lalo na't may atraso sa akin ng malaki ang tao na iyon. Sa kaso mo, pasensya na ngunit hindi pa kita mapapatawad. Muntikan na akong bawian ng buhay dahil sa ginawa mo. Dawn, you are selfish" saad ni Zil at diniina ang huling sinabi.

"Yes Dawn, you are SELFISH" pag sang ayon 'ko. Hikbi lang ni Dawn ang bumalot sa loob ng kwarto. Ilang minuto siyang ganoon bago dahan dahang tumayo at tignan ako.

"Nasaan si Kleo?" Paos nitong tanong.

"Nasa CR" maikli 'kong sagot.

"Pupuntahan 'ko siya... gusto 'kong humingi rin ng tawad at mag paliwanag. I'm really sorry" sabi nito at yumuko sa amin.

"And by the way, Congratulations Yuni" sabi nito sa akin at ngumiti ng pilit. Kumunot naman ang noo 'ko sa sinabi niya.

Congrats? Saan? Nanalo 'ba ako sa loto?

Yumuko ulit si Dawn bago tuluyang umalis.

"Kaninag pag pasok niyan nagulat ako. Akala 'ko makikita 'ko na si Satanas. Sabi 'ko kanina tatawag ako ng pulis ngunit siya na daw ang nag kusa, siya na daw ang tatawag. Pumunta lang daw siya dito para mag paliwanag at humingi ng tawad wala ng iba. Humingi siya ng isang oras sa mga pulis para makausap tayo" imik ni Zil pagkatapos ng isang minutong katahimikan. Nagulat ako sa sinabi niya.

Oo galit ako kay Dawn pero may part sa akin na naawa. Dahil nagawa niya lamang 'yon dahil sakin. Naging kaibigan 'ko rin naman si Dawn may pinag samahan din kaming dalawa kaya may part na naawa ako sa kaniya.

"Haysss, sana hindi mag karoon ng boxing sa loob ng CR"

Hindi 'ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Zil dahil iniisip 'ko parin bakit ako sinabihan ni Dawn ng 'congrats'. Congrats dahil kay Kleo parin ang uwi 'ko o dahil nalaman 'ko na ang totoo? O may iba pang meaning 'yon?

Walang katapusang sikreto Dawn!

"Bakit ako cinongrats ni Dawn?" Tanong 'ko kay Zil, tumingin ito sa akin at kinagat ng bahagya ang ibabang labi.

"Congrats dahil nalaman mo na, na isa siyang gago?" Patanong na sagot nito. Umiling nalang ako dahil mukhang wala akong makukuhang matinong sagot dito.

"Akala 'ko ba ay na comatose ka?" Tanong 'ko dito dahil naalala 'ko nung isang gabi na papunta kami sa hospital ay nasabi sa akin ni Kleo na na-coma ang kapatid niya.

"Muntikan lang, kinontsaba 'ko kasi ang doctor 'ko para i prank kayong lahat" sagot nito at tumawa.

Mag sasalita pa sana ako ng biglang kumalabog ang pintuan at dire-diretsong pinuntuhan ni Kleo si Zil.

"Anong sabi mo!" Sigaw nito at agad na pumaibabaw kay Zil. Nagulat naman ako sa biglaang kilos nito.

"K-kuyaa!!" Sigaw ni Zil. Aawatin 'ko na sana sila ng pumasok si Tita Wena.

"Hay nako hija bahala sila diyan. Halika lumabas muna tayo" aya nito sa akin. Tinignan 'ko ang dalawang nag babayangan. Iniwan namin ang mag kambal at pumunta kami sa isang coffee shop.

"Kamusta ka Hija? Ang tagal na nating hindi nag kausap ng tayon dalawa lang, bilang mag manugang" saad nito at tumawa ng bahagya.

Mag munagang.

"Ayos naman po ako Tita, medyo nabigla lang po ako sa mga nalaman 'ko. Hindi 'ko po aakalain na magagawa 'yon ni Dawn"

"Ako rin, hindi 'ko inaasahan. Para 'ko naring anak ang bata na 'yon kaya ang hirap tanggapin na nagawa niya iyon. Kasi hindi naman natin aakalain hindi 'ba?" Tumango ako sa sinabi ni Tita. Dumating na ang order naming kape at humigop muna kami.

"Alam 'kong sa loob ng walong buwan, mahal mo parin ang anak 'ko" sabi nito. Natigilan naman ako pag inom ng kape. Dahan-dahan 'kong binaba ang kape.

"Tita..."

"Call me mommy ok?" Sabi nito. Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa napag pasiyahan na naming bumalik sa hospital.

Pag dating namin ay naabutan naming nag tatawanan na ang mag aama.

"Dapat sayo hindi na dinadalaw sa hospital. Look, maayos na maayos na kalagayan mo" sabi ni Kleo nang makita ako ay agad ako nitong nilapitan at hinalikan sa gilid ng aking ulo.

"Bro, ready kana 'ba?" Tanong ni Zil at ngumisi ng nakakaloko.

"Shut up, Kaleo Zil!"

-khyznara

Abangan ang susunod na kabanata...

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon