33

283 3 0
                                    

"𝗦𝗜𝗡𝗢 'yon?" Tanong ni Kleo pagka pasok namin sa kwarto.

"Si Jasper, kaibigan 'ko. Galing kasi kami ni Nanay sa palengke tapos habang nag hihintay kami ng masasakyan dumaan s'ya tapos ayun sinakay na kami" paliwanag 'ko

"Akala 'ko pinag palit mo na 'ko" bulong nito.

"Ha?" Tanong 'ko dahil kahit narinig 'ko hindi parin ako sure kung tama ba ang pag kaka rinig 'ko.

"Tsk, wala" sagot naman nito at lumabas ng kwarto.

Nag-seselos talaga s'ya!

𝘿𝙖𝙬𝙣'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Hindi 'ko alam kung nasaan sila Yuni at Kleo. Nung isang araw pumunta ako sa bahay nila, kung ako ang dinatnan 'ko sa Paris ganoon rin ang dinatnan 'ko sa bahay nila. Walang katao-tao.

Pumunta ako sa opisina ni Kleo, wala s'ya, pati na rin sa condo n'ya wala rin.

Pati si Els hindi rin alam kung nasaan ang dalawa. Pero hindi ako susukong mag-hanap.

Ngayong gabi ay nandito ako sa GV BAR. Umakyat ako sa pangalawang palapag dahil masyadong maraming tao sa ibaba. Umupo ako at kinuha ang cellphone 'ko.

Dinial 'ko ang phone number ni Els. Naka apat pang ring ito bago sumagot.

[𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘮𝘰? 𝘈𝘵 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘪 '𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢] bungad nito.

"Tama na 'yan puro ka na lang trabaho. Mag bigay ka rin ng time may liwaliw"

[𝘗𝘢𝘭𝘪𝘣𝘩𝘢𝘴𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘥'𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰 𝘮𝘰. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 '𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢 𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨?]

"Tara dito sa GV Bar, samahan mo 'ko"

[𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘥'𝘺𝘢𝘯. 𝘒𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 '𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 '𝘥𝘪 '𝘣𝘢?  𝘕𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘪 '𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢]

"Sabihin mo lang kung ayaw mo akong samahan" sabi 'ko at pinatay na ang tawag.

Tignan natin ngayon kung matitiis mo 'ko.

𝙀𝙡𝙨'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Ano na naman kayang nangyari sa buhay ni Madaling Araw. Marami pa nga akong ginagawa pero dahil hindi 'ko s'ya matiis iniligpit 'ko na ang mga papeles at iba pang gamit na naka kalat sa table 'ko at nag-ayos ng sarili.

Nandito na ako sa tapat ng bar na sinasabi n'ya. Pahirapan nga mag park dito dahil napakaraming sasakyan. Ngayon 'ko pa lang 'to mapupuntahan dahil simula nung mag karoon problema ang negosyo 'ko nawalan na 'ko ng time pumunta sa mga bar at mag research ng iba't ibang bar sa mundo.

Pero dahil mukhang problemado ang Lolo Dawn mo, ipag sasang tabi 'ko muna iyon. Tinext 'ko na si Dawn na nandito ako sa ibaba. Umorder lang ako ng Beer dahil ayokong mag pa ka lasing ngayon. May trauma na 'ko.

"Sabi 'ko na nga ba at hindi mo 'ko matitiis eh" bungad ni Dawn ng makababa.

"Ulol, gusto 'ko munang mag libang." Saad 'ko.

"Tara sa itaas. Beer lang?" Tanong nito

"Oo, ayoko ng malasing" sagot 'ko. Tumawa naman ang mokong.

"Hindi 'ko parin mahanap si Yuni" panimula nito.

"Alam mo Dawn, sa dinami-dami ng babae sa mundo, do'n ka pa talaga sa may kaagaw nag ka gusto" sabi 'ko dito at ininom ang beer.

"Cinocomfort mo ba ako or what?" Reklamo nito.

"Bob* ka kasi" sabi 'ko dito.

Nag bangayan pa kaming dalawa hanggang sa nanahimik kami at bumuntong hininga.

"Kamusta ka?" Tanong nito sa akin.

"Okay lang, kung inaakala mong nag sisisi ako sa desisyon 'ko? Nag kakamali ka. Okay ng hindi kami mag-kita. Isang pag kaka mali lang 'yon. Hindi na dapat kami mag tagpo pang dalawa" sagot 'ko at uminom.

Nag f-flash back na naman sakin yung nangyari nung isang gabi.

"Hinahanap ka 'ba?" Tanong ni Dawn.

"Ako? Hahanapin no'n? What the f*ck baki naman n'ya ako hahanapin?" Sigaw 'ko.

"Base sa tono mo, parang nadidismaya kapang hindi ka hinahanap" sabi nito.

"Naaalala mo pa 'ba yung itsura?" Tanong na naman nito.

"Pwede 'ba? Bakit n'yan 'yung tina topic mo. I topic natin 'yang kabobohan mo" saad 'ko.

"Nasabi ba sayo ni Yuni kung saan s'ya naka tira?" Tanong nito.

"Mukha bang alam 'ko?" Tanong 'ko pabalik. Ginulo n'ya naman yung buhok n'ya. Uminom naman ako ng beer.

"Pwede bang umayos ka ng pag-sagot? Naiirita ako eh" reklamo nito.

"Sana hindi mo binanggit yung nangyari sakin ade sana maayos ako sumasagot ngayon 'di 'ba?"

Ginulo n'ya na naman ang buhok n'ya at tinungga ang baso na may laman na alak.

"Panigurado, umuwi si Yuni sa kanila kasama si Kleo" saad 'ko.

"Alam mo naman siguro yung sitwasyon n'ya ngayon 'di 'ba?" Tanong nito sa akin. Tinignan 'ko naman ito, naka tingin naman ito sa malayo.

"Oo, pero malay mo tumino si Kleo dahil kay Yuni" sagot 'ko, umigting naman ang panga nito.

"Look, wala akong kinakampihan sainyong dalawa okay?" Depensa 'ko

"Sasaktan lang ni Kleo si Yuni" sabi ni Dawn at uminom ng alak.

𝙔𝙪𝙣𝙞'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Tapos na kaming kumain at ngayon nag prisinta si Kleo na s'ya ang mag aayos ng higaan.

Kakatapos 'ko lang mag-linis ng katawan. Naka tapis lang ako ng tuwalya dahil hindi pa ako nakakakuha ng damit. Kumatok muna ako bago pumasok.

Naabutan 'ko namang naka higa si Kleo at nag c-cellphone. Hindi 'ko na lamang s'ya pinansin at dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit.

"Umalis pala sila Nanay at Tatay. Ngangamoy mag d-date" sabi ni Kleo.

"Saan daw sila pupunta?" Tanong 'ko at umupo sa gilid ng kama.

"H-hindi sinabi sakin. W-walang sinabi" sagot nito. Tumango na lamang ako.

Tatayo na sana ako ng bigla akong yakapin ni Kleo mula sa likod.

"Yuni" bulong nito. Ramdam na ramdam 'ko ang hininga n'ya sa leeg 'ko na nag patayo ng balahibo 'ko.

"K-kleo, anong ginagawa mo?" Tanong 'ko dito. Halos hindi na ako makapag salita ng maayos sa ginagawa n'ya.

Inaamoy-amoy n'ya ang leeg at balikat 'ko habang hinihimas ang balakang 'ko.

"Nag-seselos ako" bulong nito sa tenga 'ko at mahinang kinagat.

"H-huh?" Hindi 'ko na ma process ang sinasabi n'ya!

Tinigil n'ya na ang pang hihimas sa balakang 'ko at iniharap ang ulo 'ko sa kanya.

"Sabi 'ko, nag seselos ako" sabi nito at inilapit ang mukha sa mukha 'ko.

I-ito na 'ba 'yon? Agad-agad? Hindi 'ko pa nga s'ya sinasagot e!

Pinikit 'ko ang aking mga mata at hinihintay ang susunod na mangyayari.

Maya-maya pa ay naramdaman 'ko na ang pag dikit ng mga labi namin. Ang malambot n'yang labi na nakadikit sa akin. Unti-Unti-unting n'ya itong ginalaw. Marahan ang mga bawat galaw nito.

Hanggang sa lumalim ang halikan naming dalawa. Hinawakan n'ya ang batok 'ko at mas lalo pang nilaliman.

"U-ughm!"

Agad din s'ya humiwalay at hinihingal na sumandal sa akin.

"I love you" sabi ni Kleo.

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon