1

925 13 2
                                    

"IKAW?!" Sigaw naming dalawa.

"What are you doing here? To steal?"

Grabe naman toh, hindi niya ba napapansin na may dala akong tatlong bagahe.

"Heller, ako mag nanakaw? Hindi ako pinalaki ng magulang ko na maging mag nanakaw!" Sabi ko dito.

"I don't care just answer my question ang daming sinasabi" sabi nito.

"Ako pa ang madaming sinasabi e ikaw nga tong-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumigaw Ito.

"SHUT UP! GET OUT!" Sigaw nito. Aba bwisit pala ang isang toh.

'Wag niyong sabihin na ito ang aalagaan ko?!

"Anong get out! Pinapunta ako dito ni ma'am wena para mag alaga ng bata!" Paliwanag ko. Tumawa naman ito.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Aba'y sira din pala ang isang toh

"Do you think may bata dito?" Tanong nito. Mukha ba akong manghuhula?

"Malay ko ba, mukha ba akong mang huhula?"

"Yes" sagot nito kaya akmang babatukan ko sya ng lumayo ito.

"Ops stop right there don't come near me. Susumbong kita kay mom" banta nito kaya tumaas ang isang kilay ko.

So siya nga ang aalagaan ko?

"Ade sumbong mo ko sa 'mom' mo ng malaman mo kung sino ako tsk" sabi 'ko dito at inirapan ito. Nakita ko namang kinuha niya ang cellphone at maya-maya ay pinicturan ako.

"Hoy! Akin na yan! Bakit mo ko pinicturan!" Sigaw ko dito at pilit na inaabot ang cellphone nito dahil tinaas niya.

"I said stop right there and don't come near me!" Sigaw din nito at itinulak ako kaya napa upo ako sa sahig.

"Aray" daing ko.

Hindi niya pinansin ang pag kaupo sa sahig dahil sa tulak niya at narinig ko na may dinadial ito sa cellphone.

Tatawagan niya talaga si ma'am wena?

"Hello mom"

"Yes" sabi nito sabay tingin sa akin.

"Ow"

"I don't need her mom" sabi nito.

"But mom"

"Okay fine, bye" sabi nito sabay baba ng tawag.

"Oh ano sabi ng 'mom' mo?" Tanong ko dito pagka tayo ko.

"Ang sabi ni mom mag linis kana daw ng bahay" sabi nito at sinipa pa ang bagahe ko.

Napaka sama ng ugali.

ISANG linggo ko nang inaalagan 'kuno sng bruhildong ito. Nag titimpi na lamang ako minsan sa kaniya.

At ito pa, ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan niya NI HINDI KO NGA ALAM KUNG ANONG PANGALAN NIYA E. Ang gusto niyang itawag sa kanya ay Señorito diba ang arte.

"Yaya! Where's my food? I'm hungry!" Sigaw nito mula sa kwarto. Ito na naman po kami pag dating sa pagkain. Umakyat ako at pumunta sa kwarto niya.

"Señorito ano pong gusto niyong kainin?" Kalmadong tanong 'ko dito.

"Sinabi ko na kanina! Bingi kaba?!" Sigaw nito.

Kalmahan mo lang yuni, kalmahan mo lang. Anak niyan ng mabubuting amo mo pero kahit katiting ng kabutihan galing sa amo mo ay wala sa bruhildong anak nito.

"Pwede niyo po bang ulitin ulit? Wala kasi akong narinig kanina dahil may ginagawa ako e" sabi ko dito at pilit pinapakalma ang sarili. 

"Ang sabihin mo bingi ka! Ang gusto ko kako ay PANCAKE!" Sigaw nito. Ngayon yata ako mabibingi.

"Okay po!" Sigaw ko pabalik at padabog na umalis.

Pumunta na ako sa kusina at nag simula ng gumawa ng pancake para sa aking ubod ng bait na señorito.

Minsan iniisip ko kung lalagyan ko ba ng lason lahat ng binibigay kong pagkain sa kanya. Kaso baka mawalan naman ako ng trabaho.

Inakala ko talaga na bata ang aalagaan ko. Isip bata pala.

"Yaya!" Sigaw nito

"Saglit lang! Mag hintay ka nga" sigaw ko pabalik pero bulong na lamang sa huli.

Isa na lang at tapos na ng may nag doorbell. Pinuntahan ko naman ito at binuksan ang pinto.

"Hello ma'am! Nandyan po ba si Sir Buenavista?" Tanong nito. May hawak siyang parcel mukhang delivery boy.

"Ah opo tatawagin ko lang po" sabi ko at may pinindot sa tabi ng pinto. Pinindot ko ang button kung saan pipindutin mo lang ito at mag sasalita ka lang ay maririnig na sa kwarto. Bawat kwarto ay meron nito, pati nga sa kwarto ko ay meron.

"Señorito nandito na po yung order niyo"

Hinintay ko ang response nito.

Hindi ito sumagot kaya mag sasalita na sana ako ulit ng may kumalabog na pinto sa taas. At nakita kong bumababa ang bruhildo.

"Here" sabi nito sabay abot ng pera sabay sara ng pinto.

"Hoy!" Sigaw ko dito kaya iritang tinignan niya ako.

"What's the problem yaya?" Walang ganang tanong nito.

"Wala kabang manners?!" Sigaw ko dito.

Yuni nasan na yung mag titimpi mo!

"Wala kang pakialam." Sabi nito aalis na sana ito ng mag salita ulit.

"Parang may nasusunog" sabi nito. At naamoy ko rin na parang may nasusunog.

"Oo nga no... YUNG PANCAKE!" sigaw ko at dali-daling tumakbo papunta sa kusina.

Nakita ko naman medyo nag liliyab na ito kaya tinanggal ko ito sa kalan at nilagay sa lababo para lagyan ng tubig.

Binuksan naman ni bruhildo yung exhaust fan.

"Fvck" bulong nito.

"Okay lang ba na tatlo lang yung pancake mo?" Tanong ko dito kaya tinignan niya ako.

"Ang tanga mo kasi" yun lang ang sinabi niya bago siya umakyat.

"Sana sinunog ko na lahat ng pancake mo, bwisit!" Mahinang sigaw ko.

Inayos ko na ang nagulo at pagkatapos no'n ay inayos ko na ang pagkain ng señorito at pumunta na ako sa kwarto nito.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto dahil alam kong hindi niya ako pag bubuksan ng pinto.

"Ito na yung pagkain mo" sabi ko dito at inilagay ito sa table.

May ginagawa ito sa ipad niya kaya hindi niya ako napansin, naka headphone din kasi ito. Palihim akong umirap at lumabas na ng kwarto...sana

"Yaya" tawag nito.

"Ano?" Iritang tanong ko dito kaya tinignan niya ako.

"Are you hurt?" Tanong nito na ikinagulat ko. Wow marami yata tong nasinghot na usok.

"Hindi, bakit concern ka?" Tanong ko dito.

"Hindi, ba't naman ako magiging concern sa kagaya mo?" Sabi nito.

"Eh ba't ka kasi nag tatanong kung hindi ka pala concern?!" Iritang tanong ko dito.

"Bakit masama bang mag tanong?!" Sigaw nito.

"Hindi!" Sigaw ko pabalik.

"Eh hindi pala eh! Hindi ako concern kasi kapag may nangyari sayo ayokong mag linis ng bahay!" Sigaw nito.

"Umalis kana nga! Nad-distract ako!" Sigaw pa nito. Ngumisi naman ako.

"Eatwell sir" sabi ko dito sabay kindat.

Mabulunan ka sana

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon