Hindi na ako naka-angal kay Kleo ng hawakan niya ang kamay 'ko at lumabas ng bahay. Hindi 'ko maibuka ang bibig 'ko para tanungin kung saan kami pupunta at ganon na lang ang takot ng mga mata niya kanina ng may sinabi si Tita Wena.
Masyadong oplikado ang utak 'ko sa mga nalaman 'ko. Anong kinalaman ni Dawn? May tinatago 'ba sa akin si Dawn?
"N-nasaan nga pala si Dawn? Alam mo ba kung nasan siya?" Tanong 'ko umaasang nakita niya si Dawn. Dahil sa isang linggo 'kong pag ka-wala ay imposibleng hindi niya ako hanapin.
"Nasa impyerno" mahina nitong saad. Kumunot ang noo 'ko at tumungin sa kaniya. Seryoso itong naka tingin sa daan na mugto ang mga mata.
"Seryoso, nasaan si Dawn, Kleo? Anong ginawa mo sa kaniya?" Tanong 'ko ulit dito. Tumingin ito sa akin at tumingin ulit sa daan.
"Namamahinga na siya ngayon Hon, huwag ka ng mag-alala" sagot nito. Hindi parin ako satisfied sa sagot nito. Anong ginawa niya kay Dawn?
"Anong ginawa mo kay Dawn?"
"Pinag pamahinga 'ko nga Hon. Ikaw rin mamahinga ka na rin" sagot nito. Mag tatanong sana ako ng tumunog ulit ang telepono niya. Sinagot niya ito at nakita 'ko ulit sa mga mata niya ang takot.
Anong nangyayari?
"Shhh, where's dad?" Tanong ni Kleo.
"Okay okay, calm down Mom. Papunta na kami. I love you"
"A-anong nangyari?" Tanong 'ko. Tinignan lang ako nito at binalik ulit ang paningin sa daan.
"Hon" tawag nito. Tinignan 'ko ito at hindi 'ko na napigilan ang mga luha 'ko.
Hindi 'ko na maintindihan ang nangyayari.
"Natatandaan mo 'ba yung kuting galing sa bintana ng kwarto 'ko?" Tanong nito. Nag isip ako ng ilang segundo.
Yung kuting na tinangay ng malakas na hangin? Klea 'ba ang pangalan non? Hays nakalimutan 'ko na sa sobrang tagal. Tsaka simula nung umalis kami papuntang Paris ay hindi 'ko na nakita ang pusang iyon. Iniwan 'ko naman siya ng sandamakmak na pagkain pero bakit biglang nag laho? Ano siya 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘤𝘢𝘵?
"Oo, nasaan na 'ba 'yon? Simula nung umalis tayo papuntang ibang bansa ay hindi 'ko na nakita ang kuting na yon. Nakakatampo, hindi man lang nag paalam" sagot 'ko at ngumuso, bahagya itong tumawa at pinisil ang pisngi 'ko.
"Gusto mo 'ba makita? Si Klea?" Tanong nito. Agad akong tumango.
"Nasa kapatid 'ko siya at mamaya makikita mo na si Klea. Sana dinala ni mom" saad nito. Agad akong napatingin sa kaniya ng marinig 'ko ang "kapatid"
May kapatid siya? Sa tagal 'ko ng kasama sa trabaho at sa bahay ang Pamilyang ito ngayon 'ko lang nalaman na may kapatid si Kleo!
"May kapatid ka?! Bakit parang hindi nak-kwento sakin ni Tita"
"Long story hon. Ngayon pupunta tayo sa kaniya" sabi nito. Nakalimutan 'ko na, na galit nga pala ako dito. Kung makipag usap ako ay akala mo'y wala lang ang nangyari kanina, sa nakaraan.
"Nasaan 'ba ang kapatid mo?" Tanong 'ko dito. Matagal itong nakatahimik bago ito sumagot.
"Nasa h-hospital. C-coma" nahihirapan nitong sagot.
30 minutes din ang byahe namin bago namin narating ang Wilton Hospital. Pinag buksan ako ni Kleo ng pintuan at inalayayang bumaba. Pinalupot niya ang braso sa aking bewang.
"Alam 'kong naguguluhan ka parin pero sana, sana piliin mo munang sumama sa akin. Dahil mamaya maya ay masasagot 'ko na ang mga katanungan sa isip mo hon." Bulong nito at hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo. Wala akong naisagot kundi ang sumama nalang sa kaniya. Gusto 'ko rin makita ang kapatid niya.
Sumakay kami ng elevator at pinindot ang 8th floor. Nakalagay parin ang braso niya sa bewang 'ko, mas lalo niyang hinigpitan ang pag kakahawak niya sa akin na tipong ayaw na niya akong pakawalan.
Pag labas namin sa elevator ay may dalawang armadong lalaki ang bumungad sa amin.
Ha teka bakit may ganito?
Napakapit ako kay Kleo at nahalata niya iyon kaya hinalikan niya ang tuktok ng ulo 'ko. "Don't worry baby, hindi ka nila sasaktan" bulong ni Kleo.
"Good evening sir. Kanina pa po kayo hinihintay ni ma'am" bungad ng isang armadong lalaki. Tinignan ako nito kaya lalo akong natakot kahit pa sabihin ni Kleo na hindi ako sasaktan nito. Tingin palang nakakamatay na.
Sino ba sila at baking merong ganito? Akala 'ko ba ay pupuntahan namin ang kapatid ni Kleo?
Tumango lang si Kleo at sinabing "by the way, this is my lovely girlfriend" he introduced. Nag bow naman sakin ang dalawa hindi 'ko alam kung mag b-bow 'ba ako o hindi. Mag b-bow na sana ako ng hinatak na ako ni Kleo.
Sa huling kwarto ang tungo namin at kumatok ng tatlong beses si Kleo sa pintuan bago niya ito tuluyang buksan.
Agad na tumingin si Tita pag ka bukas ng pinto at nag liwanag ang mukha nito ng makita ako.
"Yuni!" Niyakap agad ako nito ng mahigpit. Niyakap 'ko rin siya pabalik. God, I missed her so much! Yung anak niya kasi- tss.
"I told you mom, kaya 'ko" sabi ni Kleo sa gilid 'ko. Nag tanggal ng ilang minuto ang yakap namin ni Tita bago niya ako bitawan.
"Hija, bakit bigla bigla kang nawala? Alam mo 'ba kung gaano kamiserable ang buhay ni Kleo sa loob ng walong buwan. Walang araw, walang oras siyang pinalampas kakahanap sayo" saad ni Tita.
Hinanap ako ni Kleo? May parte sa akin na natutuwa at the same time nalulungkot. Natutuwa dahil hinanap niya ako sa loob ng walong buwan, nalulungkot dahil naging miserable naman ang buhay niya dahil sa akin. Sinisisi 'ko ang sarili 'ko dahil imbis na mag usap kami ay umalis ako ng walang paalam sa personal.
Hindi niya 'ba na receive ang text 'ko?
Nabalik ako sa reyalidad ng may biglang pumasok sa pinto. Isasara na niya sana ang pintuan ngunit nang mag tama ang aming mga mata-
"Yuni"
Anong ginagawa niya dito? Close na pala siya sa pamilya ni Kleo pero kung makayakap sa akin si Tita ay parang walang gf itong anak niya.
"Claire"
Nginitian ako nito ng alanganin bago ito dumaan sa gitna namin papunta sa hospital bed na kung saan nakahiga ang kapat- KLEO? NO! Nasa gilid 'ko si Kleo.
"Kapatid, kakambal 'ko, Yuni" pag papakilala ni Kleo. Tinignan 'ko si Claire at ang KAKAMBAL ni Kleo kung paano mag lambingan sa harapan namin. Tumingin ito sa gawi namin, nakita niya ako at nginitian.
"Ow hi, sister-in-law!"
-khyznara
BINABASA MO ANG
Señorito's maid (COMPLETED)
RomansPansamantalang nag sara ang kumpanyang pinag t-trabuhan ni Yuni Asari Fatton. Kaya ang naging pansamantala niyang trabaho ay alagaan ang isang Kleo Zil Buenavista na anak nina Wena Cardi at Facio Buenavista. Kakayanin kaya ni yuni ang isang kleo? O...