Sa loob ng walong buwan hindi 'ko inisip na baka isang araw mag landas ulit ang tadhana namin. Hindi 'ko inisip na makikita 'ko siya ulit dahil nasa malayong lugar na ako. Hindi 'ko rin inisip na kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. Bakit 'ko sinasabi ito? Dahil lahat ng nangyari sa akin ay hindi totoo. Hindi totoo ang dalawang lalaking nang hahabol sa akin hanggang sa makarating ako dito sa bahay nito. At sana hindi rin totoo na siya ang may ari ng bahay na 'to na kung saan pinag tutuluyan 'ko.
HINDI 'KO NAISIP NA BAKA ISA ITONG PATIBONG!
Tama, isa itong patibong ni KLEO. Ang demonyong alaga 'ko.
Akala 'ko ay mamamatay na ako ngunit hindi. Kakatok sana ulit ako sa pinto nang bigla itong bumukas at si Kleo ang bumungad sa akin. Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat. Hindi 'ko rin naman aakalain at mas lalong hindi 'ko aakalain ang sunod niyang ginawa. Tinurukan niya ako ng pampatulog at doon na nag simula ang lahat.
Isang linggo na ako dito sa lecheng bahay na ito. Hindi ako lumalabas ng kwarto dahil ayoko siyang makita. Nakikita 'ko lang siya tuwing hinahatiran niya ako ng pagkain. Hindi 'ko alam bakit ginagawa niya ito sa akin.
Madaling araw ngayon, gising parin ako dahil umiiyak ako habang naka tingin sa buwan. Lumalabas lang ako sa kwarto pag madaling araw dahil alam 'kong natutulog na siya pag ganong oras.
Minsan na 'kong tumakas dito ngunit nahabol niya parin ako. Hindi niya rin ako kinikibo kung bakit niya ginagawa ito. Hindi 'ko malaman ang takbo ng utak niya.
At isa pa, kinuha niya rin ang cellphone 'ko. Alam 'kong hindi 'ko iyon nahulog habang tumatakbo ako nung gabi na 'yon. Hindi 'ko ma-contact si Dawn.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may nag abot ng panyo kaya nagulat ako. Nang tignan 'ko ay si Kleo. Babalik na sana ako sa loob ng bigla niya akong niyakap mula sa likod. Naramdaman 'kong parang nababasa ang balikat 'ko at hanggang sa narinig 'ko ang mga hikbi ni Kleo.
Umiiyak siya? Bakit siya umiiyak? Anong iniiyak niya?!
"Bakit mo ginagawa sakin 'to" iyak 'kong sambit. Hinawakan 'ko ang brasong nakayakap sa akin at pilit tinatanggal ito.
"Let me explain please"
Tanging mga hikbi lang ang naririnig dahil wala sa amin ang nag sasalita. Hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko.
Maya-maya ay iniharap niya ako sa kanya at ngayon kitang kita 'ko na ang gwapo niyang mukha. Namumula ang kanyang ilong pati ang kanyang mata habang umaagos ang luha.
"Hon, you know that I love you so much." Sambit nito, umiwas ako ng tingin at pinipigilan ang sariling huwag sampalin ito.
"Hindi 'ko kayang lokohi-" hindi nito natapos ang sasabihin dahil hindi 'ko na napigilan ang sarili 'kong huwag sampalin siya.
Sinampal 'ko ito ng dalawang beses. "Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan! Kleo hindi ako tanga! Huwag mo 'kong gawing tanga dahil narinig at nakita 'ko mismo ang kahayupang ginagawa mo sa akin!" Sigaw 'ko dito. Napayuko ito.
"Y-yuni-"
"Palayain mo na 'ko please! Napaka isip-bata ng plano mo! Wala kang mapapala sa pa-ganto mo sakin Kleo!"
"Pakinggan mo lang ako papalayain na kita" sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Promise" dagdag nito at dahan-dahang tinaas ang kanang kamay niya. Hindi na ako kumibo. Siguro kailangan 'ko ring marinig ang paliwanag na nag mula sa mismo sa kaniya.
"Nakilala 'ko si Claire sa isang meeting nila mommy. Nag karoon kami ng konting pag-uusap hanggang sa napunta sa texts, tawagan at kung minsan nag kikita rin kami kahit walang meeting. Hindi 'ko naman intensyon na makipag relasyon sa kaniya pero nung isang gabi hindi 'ko alam bakit-"
"So, may nangyari sainyo?" Tanong 'ko at lalong tumulo ang mga luha 'ko. Agad naman itong umiling
"No! No! Walang nangyari samin okay? Patapusin mo muna ako Hon" sabi nito. Hindi ulit ako kumibo at nag patuloy na siya sa pag k-kwento.
"Hindi 'ko alam bakit 'ko sinabi na gusto 'ko siyang maging girlfriend hindi 'ko talaga alam. Hanggang sa naging kami na nga. Saming dalawa siya yung nag e-effort siya yung nag bibigay ng mga regalo sa akin. Ni minsan hindi 'ko siya binigyan ng regalo" kwento nito.
"Y-yung package dati, siya yung nag padala no'n pero kaagad 'ko ring tinapon dahil nag sasawa na ako. Bago tayo pumunta sa Paris nakipag break na ako sa kaniya dahil nalaman'ko . Sinabi 'ko lahat pero hindi siya naniwala kaya iniwan 'ko siyang magulong nag iisip. I know na mali ang ginawa 'ko kaya nag kakadanlecheleche na"
"Sa apat na taon? Nag kikita parin 'ba kayo?" Tanong 'ko.
"Hindi masiyado, minsan nag kikita kami kapag may meeting at invited doon ang kompanya niya. Pero Hon, hindi 'ko siya pinapansin kahit anong gawin niya." Sagot nito.
"Yung sa bar" bulong 'ko at umiwas ng tingin. Mukhang narinig niya iyon. Nakita 'ko kung paano niya hawakan ng mariin ang panyo.
"Set up lahat 'yon."
Agad akong tumingin sa kaniya. Nag sisinungaling na naman 'ba siya?
"Ha? Kleo parang awa mo na umamin-"
"Si Dawn ang may kasalanan ng lahat ng 'to Yuni!" Sigaw nito. Lalo akong naguluhan. Pa'nong si Dawn ang may kasalanan? Siya pa nga ang nag sabi ng totoo.
Jusko, hindi 'ko na alam kung sino ang paniniwalaan 'ko.
"Alam 'kong galit ka kay Dawn, Kleo. Pero huwag mo naman siyang sisihin sa kagaguhan mo!" Sigaw 'ko at muling tumulo ang mga luha.
"Hon, hindi ako yung nakita mo sa bar" nahihirapan nitong saad.
"Anong hindi ikaw Kleo?! Ano ako BULAG?!"
"Huwag mo naman akong gawin tanga ulit Kleo. Pagod na pagod nako"
"Hindi 'ko na alam kung sino ang paniniwalaan 'ko!"
Hindi nakapag salita si Kleo at tinitigan lang ako. Maya-maya'y may tumawag sa telepono niya.
Tinignan niya ito bago ako tignan.
"Hello, mom?" Paos nitong bungad sa kaniyang ina.
"W-what?!"
Nagulat naman ako sa bigla niyang pag sigaw. Ginulo nito ang buhok at nag si tuluan lalo ang mga luha.
"Pupunta ako ngayon mom. Wait for us" huli nitong saad bago ibaba ang tawag at tinignan ako.
"Yuni, kahit ngayon lang sumama ka sakin."
-khyznara
BINABASA MO ANG
Señorito's maid (COMPLETED)
RomancePansamantalang nag sara ang kumpanyang pinag t-trabuhan ni Yuni Asari Fatton. Kaya ang naging pansamantala niyang trabaho ay alagaan ang isang Kleo Zil Buenavista na anak nina Wena Cardi at Facio Buenavista. Kakayanin kaya ni yuni ang isang kleo? O...