𝗔𝗡𝗚 bilis ng panahon hindi 'ko akalaing aabot kami sa apat na taon ni Kleo. Yes, 4 years na kami!
Ngayong araw ang anniversary namin at napag desisyonan namin na mag o-out of town kami. Sa sobrang excited 'ko ay nalaglag pa 'ko sa hagdan kanina sa opisina, agad naman akong tinulungan ng kasamahan 'ko. Yan tuloy pilay ang ateng
mo!Nakaka ilang tawag na'ko kay Kleo ngunit hindi n'ya pa ito sinasagot. Baka busy... nag text na lang ako sa kanya about sa nangyari sa akin at itinabi ang cellphone.
"Kabobohan kasi" bulong nitong kasamahan 'ko.
"Aba, 'wag mo kong sinasabihan ng ganyan. Hindi parin tayo bati" sabi 'ko dito. Nandito kasi ako ngayon sa hospital dahil hindi mapakali si Tita Wena sa opisina. Umalis s'ya kani-kanina lang dahil may meeting pa s'ya.
"Sorry na kasi" saad ni Marl.
May malaking ginawang kalokohan kasi ito. Ilang buwan narin ang nakakalipas pero hindi parin talaga ako makapaniwala na nagawa n'ya iyon.
"Pupunta daw ba si Buenavista?" Tanong nito. Hindi naman ako sumagot.
"Mukhang hindi" sagot nito sa sariling tanong n'ya.
"Ngayon ba yung anniversary n'yo?" Tanong nito, tumango naman ako.
"Dapat s'ya yung nag babantay dito. Baka kung ano naman yung isipin no'n" saad nito. Hindi parin kasi sila okay ni Kleo. Ewan 'ko sa kanila. Ang lalakas ng tama.
"Kung may importante kang gagawin, pwede ka nang umalis. Kaya 'ko sarili 'ko" sabi 'ko dito at inirapan ito.
"Ito naman, hindi mabiro"
Tumahimik din naman ito kalaunan at maya-maya'y tumunog ang cellphone 'ko. Akala 'ko si Kleo na si Dawn lang pala.
𝘋𝘢𝘸𝘯
Hi, pwede 'ba tayong mag kita?Text nito. Nireplayan 'ko ito agad at sinabing may nangyari sa akin at nasa hospital ako. Nag reply naman 'to agad.
𝘋𝘢𝘸𝘯
Saang Hospital?! Pupuntahan kita: Wilton Hospital
"Yuni, mauna na ako ha hinahanap na kasi ako" paalam ni Marl.
"Sige, mag-ingat ka"
"Tawagan mo ako kapag id-discharge kana. Susunduin kita" sabi nito bago tuluyang umalis. Ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok sa pinto.
"Pasok!" Sigaw 'ko. Bumukas ang pinto at si Dawn ang pumasok.
"What happened?" Tanong nito sa akin at nilapitan ako.
"Umiral katangahan" sagot 'ko at tumawa. Sumeryoso naman ito kaya tinuro 'ko ang binti 'kong may benda.
"Alam 'ba ni Kleo?" Tanong nito at naupo sa gilid, sa kaninang inuupuan ni Marl.
"Hmm, hindi 'ko alam kung nabasa n'ya na yung text 'ko." Sagot 'ko. Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.
Ba't parang ang awkward bigla?
Tumikhim ito at nag salita "kumain kana 'ba?" Tanong nito sa akin. Umiling naman ako. Tumayo ito at sakto namang bumukas ang pinto...
Si Doc, pumasok.
Hindi pa kaya n'ya nababasa yung text 'ko sa kanya? Ganon 'ba s'ya ka busy?
Sinabi lang ni Doc na pwede na akong umuwi ngunit huwag daw akong masyadong mag lalakad-lakad. Inalalayan naman ako ni Dawn sa pag lakad. Sinabi n'yang ihahatid n'ya na daw ako sa bahay. Saktong pag pasok 'ko sa sasakyan sabay vibrate ng cellphone 'ko.
BINABASA MO ANG
Señorito's maid (COMPLETED)
RomantikPansamantalang nag sara ang kumpanyang pinag t-trabuhan ni Yuni Asari Fatton. Kaya ang naging pansamantala niyang trabaho ay alagaan ang isang Kleo Zil Buenavista na anak nina Wena Cardi at Facio Buenavista. Kakayanin kaya ni yuni ang isang kleo? O...