9

475 9 0
                                    

ISANG buwan na ang nakalipas. At simula din nun ay nag bago ang lahat. Lalong lumala ang lahat.

Hindi ko alam kung para saan ba ang yakap na iyon. Kung nag alala ba talaga siya o ano. Kasi pagkatapos non, naging mahirap ang pag t-trabaho ko dito.

Minsan umuuwi siyang lasing. Minsan sa sobrang kalasingan niya ay nasasaktan niya ako. Hindi naman ganito dati.

Nandito ako ngayon sa condo ni marl dahil may pupuntahan kaming birthday. Birthday ng kaklase namin at inimbatahan kami kaya sabay na kaming pupunta doon.

Humingi naman siya ng tawad ng malaman niya ang nangyari sa akin at sinabi niyang hindi na mauulit ulit. Actually malaki ang pag babago ni marl pagkatapos mangyari iyon. Hindi na siya katulad ng dating ubod ng yabang at gago.

"Marl bilisan mo! Mal-late na tayo!" Sigaw ko mula sa sala. Ang tagal kasi mag bihis daig pa babae.

Hindi ito sumagot kaya nag ikot-ikot muna ako sa sala. Habang tumitingin-tingin ako ng mga picture nila ay nakita ko ang picture naming dalawa noong 2nd year kami.

"Tss pina frame pa e ang dugyot ko dito" bulong ko at kinuha ang frame. Mga panahong ito ay nanliligaw na sa akin si marl ang nag picture sa amin ay kaibigan ko, hindi ko na siya nakita simula nung grumaduate kami. Sana nga pumunta siya mamaya.

"Poging-pogi ka talaga sa akin" bulong ng nasa likuran ko. Bukod sa malaki ang pag babago niya hindi pa rin mawala-wala ang pag ka hangin nito.

"Tss ewan ko sayo, tara na nga mag a-ala-sais na bagal mo kasi mag damit" sabi ko dito at kinuha ko sa couch ang bag ko.

Umalis na kaming dalawa doon at nauna na akong sumakay sa elevator dahil il-lock niya pa ang condo niya.

Muntikan ng sumara ang elevator buti nalang at naka sakay siya.

TAHIMIK kaming nag b-byahe dito ng basagin niya ang katahimikan.

"Ang tahimik mo naman, binibini" sabi nito.

"May iniisip lang, ginoo" saad ko.

"Sino naman ako? Kasamahan mo lang ako" sabi nito, umirap naman ako at hindi na nag salita.

"Napapansin ko yuni, nangangayat ka" sabi nito. Natahimik naman ako. Pansin ko rin yun sa sarili ko. Siguro dahil sa hindi ko pagkain ng tama sa oras dahil dumami na ang gawain. Bukod sa nag kakalat si señorito sa bahay tuwing lasing siya. Apura naman inom nito tuwing day off niya sa trabaho kaya makalat lalo. Araw-araw halos umiinom si kleo.

Minsan ay pinigilan ko ito sa pag-inom ngunit tinulak niya lang ako non kaya nag ka pasa ako sa hita.

Lalong lumala yung ugali niya.

At ang kinaiinis ko lang ay umasa ako sa yakap na iyon na para bang dito na ba mag sisimula ang lahat, magiging maganda yung pakikitungo niya sa akin. Ngunit kabaliktaran ang lahat. Pero siguro, sasanayin ko na lang.

"Yuni are you okay? Kanina pa kita kinakausap" nawala ang mga iniisip ko ng mag salita si marl.

"Inaantok ako" yun na lamang ang nasabi ko.

"Ah ganon ba sige matulog ka muna diyan gigisingin na lang kita pag nandun na tayo" sabi nito tumango naman ako at pumikit na.

Marl's Pov

Alam kong may problema si yuni ngunit ayaw niya lang itong sabihin. Ganiyan talaga siya isinasarili niya yung problema niya.

At sa nangangayat niyang katawan ay naiisip ko na pinapahirapan siya ng Buenavista na iyon.

Isang buwan na ang nakalipas at hindi na kami nag kikita muli. Ayoko rin naman siyang makita.

Iniliko ko sa kanan at sakto namang may tumawag sa cellphone ko.

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon