Kinabukasan ay nakalabas na si Zil sa hospital at ako naman ay bumalik na sa pagiging sekretarya kila Mommy Wena. Medyo naiilang parin akong tawagin siyang Mommy dahil hindi ako sanay na tawagin 'ko siya ng ganoon.
Lunch ngayon at inaaya ako nila Mommy na sumabay sa kanila kumain. Hindi naman ako maka tanggi. Dapat sanayin 'ko na ang aking sarili.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong sa akin habang nag d-drive.
"Sa McDonald's nalang po, Mommy" sagot 'ko.
"Ay, ayoko, gusto 'ko sa masarap tayo kakain. This is our lunchdate as-" may binulong pa ito sa dulo ngunit hindi 'ko na ito naintindihan.
"S-sige po, Mommy" pag sang ayon 'ko.
"Ang sarap naman sa ears kapag tinatawag mo akong Mommy" sabi nito, natawa naman ako sa sinabi niya.
"By the way, kamusta ang mga nanay mo?" Tanong nito sa akin. Matagal 'ko na rin palang hindi nadadalaw sila Nanay simula nung nangyari na 'yon.
"Hindi 'ko pa po sila nadadalaw eh. Baka po sa susunod linggo dadalawin po namin sila ni Kleo" sagot 'ko. Miss 'ko na sila Nanay, wala rin akong balita kung ano na ang kalagayan nila. Maybe pwede akong mag paalam kay Mommy na uuwi ako bukas?
Nakarating na kami sa isang magarbong restaurant. Labas palang alam mo ng mahal ang mga presyo ng pagkain dito.
"Let's go, anak"
Pagkatapos naming kumain ay hindi mawawala sa amin ang tumambay sa isang Coffee shop.
"Hija, napag isip-isip 'ko lang nasa tamang edad na kayo ni Kleo at mahal niyo ang isa't isa. Hindi niyo pa 'ba napag p-planuhang mag pakasal?" Tanong ni Mommy. Napa hinto ako kumain ng cake dahil sa tanong niya.
Ni minsan ay hindi 'ko pa naisip ang mag pakasal. Lalo na at may nangyari sa nakaraan kahit na hindi naman kasalanan iyon ni Kleo.
Handa na 'ba akong mag pakasal sa kaniya? Paano kung handa na akong mag pakasal habang siya ay hindi pa handa. Ang hirap naman.
"Ah, wala pa po sa isip namin ni Kleo ang mag pakasal" yun na lamang ang sinagot 'ko. Tumango tango ito at pasimpleng ngumisi habang umiinom ng kape.
"Alam mo, kung ikakasal kayo ng anak 'ko ang gusto 'ko ay magarbo!" Sabi nito pagkatapos ng sandaling katahimikan. Bakit napunta sa usapang kasal? Gustong gusto niya na 'ba mag ka apo? O ikasal ang anak niya?
"Mommy, simpleng kasal lang po okay na" sabi 'ko naman dahil yun talaga ang gusto 'ko. Simple lang yung pamilya at mga kaibigan lang ang iinbitahin. Kami kami lang kumbaga. Tumango naman si Mommy at nginitian ako, nginitian 'ko rin siya pabalik.
Hapon na ng makabalik kami sa opisina dahil sinamahan 'ko pa siyang mag shopping. Puro sa akin ang mga pinamili niya, tumatangi naman ako kaso si Mommy na yan eh wala akong magagawa do'n kaya hinayaan 'ko na lang siyang mamili ng damit at iilang alahas para sa akin. Miss lang ako ni Mommy.
Pag pasok namin sa opisina ay nag aayos si Daddy. Wow saan ang punta ni Father-in-law?
Nang makita kami ay nginitian niya ako, nilapitan niya naman si Mommy at hinalikan ito sa labi.
"You're so gwapo naman" sabi ni Mommy kay Daddy. Ganto 'ba kami ni Kleo kapag kinasal na? Mas sweet paba sa sweets?
Nag bulungan pa sila kaya naman umalis na ako sa lugar na 'yon at pumunta na ako sa table 'ko at nag simula ng mag trabaho. Hindi naman masyadong marami ang trabaho ngayong pag balik 'ko kaya hindi ako masyadong mapapagod nito.
Habang nag t-type ako sa computer ay tumunog ang telepono 'ko. Tinignan 'ko ito.
𝙃𝙤𝙣
Hi Hon! Kamusta ang first day?
BINABASA MO ANG
Señorito's maid (COMPLETED)
RomancePansamantalang nag sara ang kumpanyang pinag t-trabuhan ni Yuni Asari Fatton. Kaya ang naging pansamantala niyang trabaho ay alagaan ang isang Kleo Zil Buenavista na anak nina Wena Cardi at Facio Buenavista. Kakayanin kaya ni yuni ang isang kleo? O...