(9)Reminiscence

18 2 0
                                    

REMINISCENCE

By chikz_20

 "She has the sweetest smile, I love the way her mouth move as she speak, I like the way her hair sways together with the gentle breeze. I love all the things about her and that I will never forget."

 

Simula pa nang unang makita ni James si Louise ay hindi niya na ito binitawan pa ng tingin. Tandang tanda niya pa noong unang taon niya sa Mataas na Paaralan ng San Jose, ang unang araw na masilayan niya ang napakagandang mukha ng dalaga sa kanilang paaralan. Makinis at mamula-mula ang mukha, balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok, malaporselana ang kutis at napakapula ng labi salungat sa kanya na may makakapal na salamin na nagtatago sa kanyang  may kakapalan na kilay at matangos niyang ilong, kayumangi ang kanyang balat at matatanaw sa kanyang mukha ang simbolo ng namumulaklak na pagiging binata.   Sa halos araw-araw niyang pag-aabang at paghihintay sa dalaga ay nakabisado niya na ang mga gawain nito, ang pagiging tahimik at mayumi at paminsan minsang pagngiti ng mga mata nito sa tuwing nasisiyahan.

Labis ang kanyang galak nang malaman niyang magiging kamag-aral niya ito ngayong taon.  Tampulan man siya ng tukso at pagbubully sa eskwelahan noong nakaraan taon ay 'di niya ito alintana, kahit minsan ay nasasaktan na siya ay tinitiis niya pa rin at nananatili siya sa paaralang iyon. Dahil nandun ang babaeng lihim niyang iniibig. Matalino si James, sa katunayan ay tagagawa siya ng mga assignment at projects ng kanyang mga sigang kamag-aral dahil kung tatanggi siya ay kulang na ang suntok at sipa na aabutin niya. May kaliitan lamang siya sa tangkad na apat na talampakan kumpara sa mga lima o anim na talampakan niyang kamag-aral. Nasanay na siyang gawin ang lahat ng inuutos sa kanya ni Marko, ang lider ng mga sigang bumubully sa kanya. Ang pagbili ng pagkain ng mga ito, paggawa ng mga school works at maging pagsalo ng mga katarantaduhan ng mga ito sa school kaya bihira na lamang siya nito kung mabatukan.

Kasalukuyang naghihintay siya sa pagdating ni Louise, eksayted siyang makita ito kaya pumuwesto siya ng upo malapit sa pintuan. Hindi rin nagtagal ay nasilayan niya ang maganda at napakaamong mukha nito. Walang nagawa si James kundi ang matulala dito, kasama nito ang iba pa nilang kamag-aral, nagbibiruan ang mga ito ng mapansin ang tulo-laway na si James.

"Eww! So kadiri, tara na nga!" maarteng pahayag ni Mitch, ang kaibigan ni Louise.

"Halina kayo. D'un tayo sa malapit sa bintana," sabi ni Louise sa mga kaibigan, isinasawalang bahala ang sinabi ni Mitch. Mayuming nginitian nito si James bago tuluyang naglakad palayo.

Natauhan na lamang si James ng pumasok na ang kanilang guro. Nagpakilala muna sila isa isa, siya bilang nasa unahan ay nauna sa pagpapakilala. Balot ng kaba ang dibdib, uutal-utal na nagpakilala siya sa harap ng klase, malakas ang naging tawanan ng kanyang kamag-aral at bago pa man siya matapos ay narinig niya na ang mga masasamang komento sa kanya ng mga ito. Nayuko na lamang siya buong klase ngunit paminsan-minsan ay tumitingin siya sa gawi nina Louise.

Uwian na, palabas na rin ng klasrum sina Louise ng biglang tumigil ang isa nitong kaibigan sa kanyang harapan, si Chelsea. Inirapan siya nito at pagkatapos ay bigla na lamang siyang sinampal. Awtomatikong nalaglag ang kanyang makapal na salamin sa sahig, dahilan upang magkabasag basag ito.

"Sa susunod 'wag mo akong babastusin ng mga tingin mo. Nakakasuka ka! Argh!" galit nitong pagbibintang sa kanya. Sabay tapak sa salamin ng kaawa-awang si James.

"Chelsea!" awat naman ni Louise. "Tama na."

Umismid ito pagkatapos ay tumalikod sa tulalang si James. Nang makalabas na ang mga kaibigan ni Louise ay pinulot nito ang basag na salamin ng kaklase.

"Sorry sa inasal ni Chelsea, pasensya ka na talaga." paghingi nito ng tawad sa ginawa ng kaibigan. Nang matipon na ni  Louise ang nabasag na salamin ay ipinatong niya ito sa mesa ni James. Inilabas niya sa kanyang bag ang isang bagong salamin. Ibinigay niya ito kay James bago tuluyang nagpaalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon