(3) Diyos Sa Kabila Ng Unos

153 7 1
                                    

“Maging matapang at matatag, magtiwala at ika’y maliligtas”

Sa kabilang malakas na ulan at hagupit ng hangin sama sama kaming nagdarasal ng aking pamilya. Hindi namin alam kung anu ang maaring mangyari kinabukasan. Hawak kamay kami habang taimtim na nananalangin sa Kanya. Siya na lumikha ang makapangyarihan. Maya maya ay tumahimik ang paligid. Napabuntunghininga ako.

"Salamat Oh diyos ko!.” bulalas ng asawa ko.

“Nanding, ano kaya kung mag evacuate tayo kasama ng mga kabarangay natin.?” suhestiyon ni Maria ang aking asawa.

“Lubhang mapanganib kung dito lang tayo itay.” sabi ni Julia ang labing anim na taon kong dalagang anak.

“Huwag kayong mag alala. Magtiwala lang tayo sa Kanya.”

Hindi ko maintindhan ang aking sarili pero pilit na ayaw umalis ng aking paa sa aming tatlong palapag na tahanan. Parang may kung anung bagay ang pilit na pumipigil sakin.

Nanding, mas mapapanatag ako kung pupunta tayo sa center. Magiging mapanganib sa ating lahat kung mananatili tayo dito.” Nangingiyak na sabi ni Maria.

“Huwag kang matakot alam kong hindi Niya tayo pababayaan. Matulog na kayo. Julia samahan mo ang mga kapatid mo.” utos ko sa panganay kong anak.

“Opo tay.” tugon nito pero nababahid sa mukha nito ang pag aalala.

Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa. Naramdaman ko ang kanyang panginginig. Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang mga luha. Yinakap niya ako ng mahigpit na ikinagaan ng aking alalahanin.

“May tiwala ako sayo.” Bulong niya sakin bago pumanhik sa aming kwarto.

“Oh diyos ko!. Kung anu man po ang mangyari patuloy mo sana kaming gabayan. Huwag mo po sanang pabayaan ang mga mahal ko. Alam ko po na lahat ng ito ay pagsubok lamang.”

Dala ang rosaryo ay pumasok na ako sa aming kwarto. Sumilip ako sa labas ng bintana. Nagsasayawan ang mga puno at parang ayaw itong papigil. Napakalakas ng hangin. Maya maya lamang ay narinig ko ang kalampag at kaluskos ng mga nagliliparang yero sa labas. Lumakas ang tahip ng dibdib ko ng makita ang sira sira ng mga pinagtagpi tagping bahay sa labas. Nabigla ako ng may marinig akong sunod sunod na pagkatok sa pinto. Agad akong tumalima ng mawala ang pagkabigla. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang mga basang basa kong kapitbhay.

“Pasok! Pasok kayo.” halos pasigaw kong paanyaya sa kanila napakalakas kasi ng hangin na parang ito ay sumisipol.

“Maria! Maria! Tawag ko sa aking asawa.” Mula sa pinto ng kwarto ay sumilip siya. Nakita ko itong namutla at parang nahintakutan. Agad ko naman itong nilapitan.

“Okey ka lang ba?” tanong ko dito. Tanging pagtango lamang ang sinagot nito.

Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon