Sequel of Skyven

22 0 0
                                        

First. I'd like to thank the Wattpad Monarch FB Group for making me the winner of this competition. I can't believe it. Dahil di talaga kapani-paniwala pero hayaan mo na. Ito ang Sequel ng SKYVEN.

--------------------------------


Habang tumatakbo si Bella papunta kay Kyle ay hindi nito nakita ang nakausling bato sa kanyang harapan kaya naman agad siyang nadapa, una ang mukha sa putikan. Samantalang si Kyle naman ay tila walang pakialam sa nangyari. Labis naman ang katuwaan ni Skye dahil sa nangyari. Panay lamang siya sa pagtawa hanggang sa sumakit ang kanyang tiyan.

"Best, Vermouth san ba ang CR?" agad na tanong niya sa kaibigan ng ito ay napadaan sa kanyang kinalalagyan.

Nangunot ang noo nito. "Diba tapos na ang eksena? Anong nangyari sayo?" 

"Eh kasi.. basta sabihin mo na lang sakin kung saan ang CR." sabi ko habang namimilipit sa sakit ng tiyan.

itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang damuhan. 

"Seryoso ka? Doon talaga?"

Tumango na lamang siya. I have no choice. I can't bear it anymore. Dahan dahan akong pumunta sa damuhan at luminga linga sa paligid upang tingnan kung may tao. Nang uupo na ako ay isang tinig ang aking narinig. Panay hagikhik ito.

Nanginig ang aking tuhod dahil nakakapangilabot ito. Saka ko lang napagtanto gabi na pala at madilim na ang paligid at naiwan na ako ng aking mga kasamahan. 

"Patay!"

Dali dali akong tumayo at  nag ayos ng sarili. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at agad na dinial ang number ng manager ko na si Mattheo Do.

Panay lamang ito sa pag ring. Nakakailang beses na akong pindot sa aking cellphone ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang aking tawag. Sunod kong idinial ang number ni Vermouth, ngunit di pa ako natatapos ay biglang may lumabas na kung ano sa damuhan na ikinagulat ko, dahilan upang mabitawan ko ang phone na nagsisilbing ilaw ko sa lugar na kinalalagyan ko.


Naririnig ko pa rin ang mga kaluslos. At biglang isang nagbabagang mga mata ang aking nakita. Kasabay nito ang mapuputi at matatalas na ngipin. Huminga ako ng malalim at sabay na sumigaw ng ..................................


"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"


"OK!!! CUT!!!" 

Kasabay nito ang pagliwanag ng paligid. Ito na ang sunod na proyekto na aking gagawin. Sa pinamagatang: Ang ELEMENTO sa may DAMO.

Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon