Noong unang panahon may mag asawa na hindi mabiyayaan ng anak. Sila ay sina Celina at Uriel, sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag asawa ay hindi pa rin nagbubunga ang kanilang pagmamahalan. Ginawa na nila ang lahat upang magkaroon lamang sila ng supling tulad na lamang ng pagpapakonsulta sa iba’t ibang doktor sa kanilang lugar, pagsasayaw sa Obando at maging paglapit sa albularyo ngunit halos araw araw na lamang silang nabibigo.
“Gusto ko ng sumuko,” sabi ni Celina. “Ayoko ng umasa pa. Nagkakaedad na tayo at unti – unting tumatanda.” dugtong nito.
“Huwag tayong susuko, Celina. Naniniwala ako na may ibang balak ang Diyos para sa atin na higit pa sa ating inaasahan.” sabi ni Uriel sabay hawak sa kamay ng asawa upang patatagin ang loob nito.
Isang gabi, habang mahimbing na natutulog ang mag asawa ay naalimpungatan sila ng marinig ang mga ingay at kaluskos. Binuksan nila ang ilaw at marahang pinakinggan kung saan nanggagaling ang mga kaluskos. Halos nalibot na nila ang buong bahay ngunit hindi pa rin nila ito matagpuan. Nabigla sila ng isang katok mula sa pinto ang kanilang narinig. Agad silang nagtungo rito at tiningnan kung sino ang gumambala sa kanilang pagtulog. Ngunit laking gulat nila ng mapagtantong wala namang tao sa labas. Tanging isang may kalakihang kahon ang kanilang natagpuan mula sa kanilang paanan. Nagkatinginan ang mag asawa. Si Celina, balot ng pagtatakang binuksan ang nasabing kahon. Napahawak siya sa kanyang bibig ng mapagtanto kung ano ang laman nito.
“Isang sanggol,” bulalas ni Uriel kasabay ng malakas na pag iyak ng sanggol na nagpabalik sa diwa ni Celina. Agad niyang kinuha ito sa loob ng kahon at kinarga.
“Napakagandang sanggol,” nasabi na lamang ni Celina habang idinuduyan niya sa kanyang bisig ang isang lalaking sanggol na kanilang natagpuan.
Mula noon ay itinuring na nilang tunay na anak ang sanggol, pinangalanan nila itong Peter. Inisip na lamang nila na isang regalo ang pagkapadpad nito sa kanilang tahanan. Naging masaya at puno ng buhay ang kanilang mga araw dahil sa wakas ay nabuo na rin ang kanilang pinapangarap na pamilya. Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Lumaking maayos si Peter, hindi rin lingid sa kaalaman nito na ampon lamang siya ng mag asawa at nagpapasalamat siya sa mga ito sa pagkupkop sa kanya.
Mabait, masipag, matulungin, mapagmahal at higit sa lahat ay lumaking napakatalino ni Peter. Sa edad na sampu ay kinakitaan na siya ng kakaibang husay at talino sa lahat ng akademiko. Sa katunayan ay palagi siyang itinatanghal na kampeon sa mga tagisan ng talino sa iba’t ibang bahagi ng kanilang lugar. Siya rin ang palaging nangunguna sa buong klase.
Nakahiligan na kasi ni Peter ang pagbabasa ng libro. Sa tuwing wala siyang ginagawa o kaya kapag walang pasok sa eskwela ay pumupunta siya sa silid aklatan upang palawakin pa ang kanyang kaalaman. Ngunit sa kabila ng kanyang kakayahan ay naging mapagkumbaba siya. Tinutulungan niya ang mga tao na nahihirapan sa kanilang mga gawain. Kilala siya ng lahat dahil sa kanyang kagandahang loob at kakaibang kakayahan na masagutan ng tama ang lahat ng katanungang itinatanong sa kanya.
Ngunit isang araw, isang mahiwagang matandang lalaki ang kanyang nakasalubong sa daan. Bakas sa mukha nito ang paghihirap habang dala dala ang may kalakihang sako na hindi niya alam kung ano ang laman. Agad niya itong tinulungan at binuhat ang may kabigatan nitong tangan.
BINABASA MO ANG
Stories Compilation
Historia CortaThis are stories made by chikz_20 All Rights Reserved