(2) Roses

117 7 2
                                        

"Mahirap umamin sa taong mahal mo. Lalo na kung mas pinapahalagahan mo ang PAGKAKAIBIGAN niyo kaysa sa maging KAYO"

Ako si Menchie Choi
Isang regular at typical na teenager
Matangkad
Maputi
At hindi masyadong kagandahan yung tipong tama lang. 

Pinangarap ko ring magkaroon ng isang taong magmamahal sa akin ng totoo.Yung tipong di titingnan ang pisikal na katangian ko kundi ang laman ng kalooban ko.At tatangapin kung sino man ako. Nagsimula ang kwento ko nung nasa unang taon ako ng kolehiyo. Im taking up a bachelor of Secondary Education sa isang sikat na university dito sa Manila.Okey naman sana ang taon ko dito sa school. Ngunit isang araw nagsimula ang di ko inaasahan. 

Isang rose ang aking nakita sa aking locker nagtataka may tiningnan ko din ang card na kasama nito..Isang card galing sa isang admirer. Ito ang unang beses kong makatangap ng ganito klaseng bagay. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit madami nading nagtangka saking manligaw ngunit lahat sila ay di ko pinapansin ngunit kakaiba ang isang ito dahil hindi man lang nagpapakilala.

Siguro natotorpe nga naman…

Hindi lang ito ang unang beses..marami pang sumunod hindi ko na lamang namalayan na natutuwa na ako at nag aabang sa tuwing magbubukas ako ng locker ko.

NAPANGITI na lamang ako nang pagbukas ko ng locker, may natanggap na naman akong artificial rose at isang card mula sa secret admirer ko. Matagal tagal na rin ako nakakatangap ng ganitong bagay.

At mas lumawak ang ngiti ko nang mabasa ko yung nakasulat sa first page ng card.

"Iiwan lang kita hanggang sa malanta ang rosas na yan. Happy Birthday."

Nagtaka ako kung pano nalaman noong secret admirer ko na birthday ko ngayon. Ika 18th Birthday ko nga pala ngayon. At ito rin ang ikalabing-pitong rosas at card na natanggap ko mula sa admirer ko. Nang buksan ko ang loob ng card, isang sentence lang ang nakasulat doon, pero sapat na para biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.

"Please meet me at the garden. I have something to tell you, Mench."

 

Tama ba ang basa ko?

Isang tao lang ang kilala kong tumatawag ng Mench sa akin. At yun ay si Richard, ang bestfriend ko.  Habang naglalakad ako papunta sa garden, papalakas ng papalakas at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. 

Isang nakangiting Richard ang nadatnan ko sa garden hawak ang isang pulang rosas sa kanyang mga kamay. Kahit nakangiti, alam kong ninenerbiyos siya dahil sa namumuong pawis sa noo nya at namumulang mukha.

  

"Happy Birthday, bestfriend." Sabi nya sabay abot sakin ng hawak nyang rosas.

Nilapitan ko sya at ngumiti. "Salamat. So all along, ikaw yun? Ikaw ang secret admirer ko?"

  

"Disappointed ka ba?" tanong niya ng may alanganing ngiti.

Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon