“Mahirap mag isa. Mahirap mabuhay ng wala sila. Ngunit andito pa rin ako at umaasa na darating ang araw na masisilayan ko din ang mga ngiti sa labi nila."
Ako si Yngrid, dalawampu't isang taon gulang na. Nakatira ako sa isang kakilala dito sa probinsya ng Camarines Norte. Medyo malayo ito sa lugar kung saan talaga ako nakatira. Malayo sa city ang lugar na ito kailangan ko pang maglakad ng ilang kilometro para sa pinag aaralan kong paaralan. Nuevo Elementary School at nasa ika anim na baitang na ako. Siguro nagtataka kayo kung bakit sa edad kong ito ay nasa elementarya pa din ako. Hindi kasi kami mayaman kailangan kong magtrabaho para sa aking pamilya. Naranasan ko sa murang edad ang pang aalipusta at pambubugbog sa kamay ng aking mga pinapasukan, alam ko ang pakiramdam ng magutom, ikulong at maabuso. Hiwalay ang aking ama at ina, lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Lahat ng mga kapatid ko ay nakapangasawa na. Ni hindi sila nakatungtong sa eskwela maging ang mga magulang ko ay hindi rin nakapagtapos sa pag aaral dahil na rin sa kakapusan sa pera. Kung saan saan pa nga kami napapadpad ni Ina noong iniwan kami ni Ama ngunit sa tulong na din ng Maykapal ay nakaraos din kami, yun nga lang hiwa hiwalay.
"Yngrid, pumarito ka muna at tulungan mo kaming gumapas sa bukid. Sayang naman ng kikitain mo kung magtatrabaho ka. Maari mo na ding pandagdag sa gastusin mo sa paaralan." sigaw ni Nanay Estelita.
Simula ng mapadpad ako sa lugar na ito ang nanay na ng kaibigan ko ang nagkupkop sa akin at nag aruga walang iba kundi si Nanay Estelita, napakabait at maalaga niya at parang tunay na anak na din ang turing niya sa akin. At labis ang pasasalamat ko kay Jolliana dahil sa kabila ng agwat ng aming edad ay hindi niya ako ikinahihiya sa iba. Kasa kasama ko siya sa eskwela. Mag kasing tangkad nga lang kami. Masiyahin at makulit ang kaibigan kong iyon.
"Susunod na po Nay!" pabalik kong sigaw sa kanya. Nakita kong nauna na siya sa paglalakad papunta sa bukid. Alas singko pa lamang ng umaga ay umaalis na si Nay Estelita para na din makadami siya ng magagapas. Sa ngayon ay inaayos ko ang aming makakain para mamaya. Katatapos ko lang magkape. Inihanda ko na ang aking sarili para umalis. Sinilip ko muna ang tulog na tulog na si Jolli. Itinabi ko na din sya ng makakain para mamaya.
Isinara ko na ang pinto at nagsimula ng maglakad papuntang bukirin. Madilim pa ang paligid, naririnig ko ang tilaok ng manok sa mga bahay. Hindi rin nagtagal ay nakarating din ako sa aking pakay. Kitang kita ko na abala na ang ibang mangagapas sa pag ani ng palay. Inilapag ko na sa maliit na kubo ang aking dala.
"Nay, andito na po ako. Tulungan ko na po kayo." sabi ko sabay mano sa kanya.
"Ah sige teka kakain muna ako. Kaw muna bahala dito." sabi nito sabay pahid ng pawis nito sa noo.
"Nay, pagpasyensyahan niyo na po. Itlog at tuyo lamang ang nailuto ko dahil sa pagmamadali." sabi ko.
Tumango siya at nginitian niya na lamang ako. Nagsimula na akong manggapas. Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Nay Estelita at magkatuwang na kaming nagtrabaho. Gabi na ngunit hindi pa kami nakakauwi. Malawak kasi ang taniman ni Don Henry Mendoza kaya kailangan talagang maubos lahat ng iyon. Makakatulong din kasi ang kikitain ko para sa pag aaral ko ngayon pang magtatapos na ako at higit sa lahat kailangan ko din magpadala ng konting pera sa aking pamilya sa Cotabato.
"Yngrid, maupo ka muna at paghahatian pa natin ang ating naani. Sabi ni Don Henry mamaya ay mabibigyan niya na tayo." sabi ni Nay Estelita ng may ngiti sa mga labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/10344575-288-k177807.jpg)
BINABASA MO ANG
Stories Compilation
Short StoryThis are stories made by chikz_20 All Rights Reserved