(1) Hindi Ako Baliw

250 12 3
                                    

Isang tinig ng batang babae ang nakaagaw sa aking atensyon. Napakaganda at napakalambing ng kanyang boses. Hindi ko alam pero parang naaakit akong tingnan kung sino ang nagmamay ari ng tinig. Habang papalapit ako sa kanyang kinaroroonan ay ramdam ko ang pagtindig ng aking balahibo, hindi ko mawari pero patuloy pa rin ako sa pakikinig ng kanyang uyayi. Isang nakawang na pinto ang bumungad sa aking harapan.Sinilip ko ang nasa loob. Hindi ako nagkamali isang batang babae nga ang aking naririnig. Mahaba at kulot kulot ang kanyang buhok. Mukhang pinapatulog nito ang kanyang manika. Maingat na pumasok ako sa loob ng kwarto napansin kong napapalibutan ito ng mga salamin. Kita ko ang maamong mukha ng batang babae mula rito.

“Bata..”

“…..”

 “Bata….” muli kong pagtawag sa kanya.

“…..”

“Bata….” sa ngayon ay mas nilakasan ko na ang aking pagtawag sa kanya.

 

“Shhhh…” sabi nito sabay harap sa akin habang nakalapat ang maliit na hintuturo nito sa kanyang bibig.

“Sino kasama mo dito?” tanong ko.

“HUWAG KA SABING MAINGAY EH!” sigaw niya sa akin.

Natahimik naman ako sa sobrang pagkabigla. Ibang iba na siya sa dati. Ang kanyang maliit na tinig ay naging parang kulog sa tindi ng lakas nito. Nanlilisik at namumula na rin ang kanyang mga mata.

“Sorry…” mahinang sambit ko.

Lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako at maya maya ay muling bumalik sa pagiging maamo ang kanyang mukha. Hinaplos niya ang aking mukha at parang inaral ang aking itsura. Ngumiti siya, isang ngiting nakakapangilabot. Halos lumampas ang kanyang bibig sa kanyang tenga.

“AHHHHHHHHH!!!” sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Biglang nagkabasag basag ang mga salamin na nakapaligid sa amin. Tumalsik ang mga pira pirasong parte nito sa akin at sa batang babae. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya ng makita ang dugong dumadaloy sa aking katawan.

“Ha…ha…ha….” nakakapangilabot na tawa nito.

Tumayo siya at muling lumapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya papunta sa akin ay gayundin ang bawat pag atras ko papalayo sa kanya. Hindi ko namalayan na may isang bagay akong natapakan sa aking pag atras na naging dahilan ng aking pagkawala ng balanse at ang biglang pagkatumba.

Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon