“Lance, honey matamlay ka yata. Is there something wrong?” nag aalalang tanong ni Helena sa kanyang nobyo.
“No, I’m okey babe. Don’t worry about me. It’s just the office works that bothers me.” Sagot ni Lance sa kanyang nobya ng hindi tumitingin sa mga mata ng dalaga.
Nasa opisina sila ngayon at kasalukuyang lunch break ni Helena. Iisa lamang kasi ang kanilang kumpanyang pinagtatrabahuhan kaya pinuntahan niya ang kanyang nobyo upang sabay na silang kumain. Matagal ng magkasintahan ang dalawa at nagbabalak na silang magpakasal ngayong darating na kapaskuhan. Tulad ng isang normal na relasyon marami na rin silang pinagdaanang hirap upang maging matatag ang kanilang pagsasama.
“Are you sure?” seryosong tanong ng dalaga sa binata. Hinawakan ni Helena ang mukha ng binata at malumanay na iniharap sa kanya.
“You look pale. I think you have to see a doctor”. Mahinahong sabi ng dalaga sa binata.
Bahagyang nagpakawala ng pilit na ngiti ang binata bago nagsalita. “Don’t worry I’m okey babe.”
Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang kamay na nakadampi sa kanyang mukha at hinalikan ang mga ito.
“Babe..” sabi ni Lance pagkakuwan.
“Yes?” malambing na sagot ni Helena dito.
“Always remember that I love you.”
------------------------------------------
Hindi pa rin maalis sa isipan ni Helena ang sinabi ng binata. Hindi naman sa naninibago siya sa mga sinabi nito ngunit parang may hindi tama. Ibang iba ang Lance na kilala niya. Alam niya na masayahin at mapagbiro ito at tuwing dadalaw siya dito ay hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Nakabalik na siya ngayon sa kanyang trabaho pero lutang pa rin sa kanyang isip sa kanilang naging pag uusap kanina.
“Helena”
“Helena” untag sa kanya ng kanyang kasamahan.
Naputol ang kanyang pag iisip ng marinig niya ang pagtawag ng kasamahan. Iniangat niya ang kanyang paningin at napagtantong kanina pa tumutunog ang kanyang cellphone na nakapatong lamang sa kanyang desk. Agad niya itong dinampot. Nangunot ang kanyang noo ng mapagtantong si Lance ang tumatawag.
“Hello honey?”
“Hello. Is this Helena Marcaida?” abot abot ang kanyang kaba ng ibang boses ang marinig niya sa kabilang linya.
“Yes, speaking. Who is this?”
“I’m PO3 Maniaga. Are you a relative of Lance De Guzman?”
BINABASA MO ANG
Stories Compilation
Short StoryThis are stories made by chikz_20 All Rights Reserved
