CHAPTER 31

275 13 0
                                    

31 of Chapters~

Box...

Hindi ko alam kung anong oras kami natapos ni Caleb ng gabing 'yun. Basta madaling araw na ng huminto sya at ipaghain ako ng pagkain. Nakalimot na kaming pareho sa pagkain dahil sa ginawa namin. He's so wild that night, halos hindi ko masabayan. Hindi ko alam kung anong plano nito at parang madaling madali ba. Akala mo ay may hinahabol sa papeles na kailangang ipasa sa CEO.

Ngayon ngang araw ay kaming tatlo ang naiwan dito sa bahay. Nasa trabaho si Caleb dahil kinailangan na nyang pumasok dahil kung hindi daw ay baka matambakan na sya ng papers sa table nya.

Si Shannie Lyn ay dito ko na pinatira dahil mahihirapan ito kung uuwi sa condo ni Shan tapos ay babalik saamin and vice versa. Omuo rin si Caleb dahil mahihirapan din daw sya kung pabalik balik ito. Besides, wala din namang mag aalaga sa bata kaya mas mabuti pang dito nalang ito saamin.

Ngayon araw din sana kami lalabas nila Yas, ang kaso ay walang mapag iiwanan ng mga bata. Kaya ipina-move ko nalang sa ibang araw.

"Mama, what's this?"

Napatingin ako kay Shannie Lyn habang nakaturo ito sa isang maliit na mangko.

"It's mushroom, kumakain ka nyan?"

Umiling naman ito at umayos ng upo sa mataas na tool na kinalalagyan nya. Kasalukuyan kaming nasa kusina, balak ko kaseng gumawa ng meryenda para saaming tatlo. And then, Shannie Lyn come with me. Gusto nya raw akong panuoring magluto dahil hindi nya pa ito nagagawa sa tunay nyang Ina.

I just let her, mas nakakatuwa ngang magluto kapag alam kong may kasama ako dito sa kusina eh.

"Bakit hindi ka kumakain ng mushroom? Ayaw mo ng lasa?" ani ko at nilapitan sya.

"Hindi pa po kase ako naka taste ng mushroom eh. What does mushroom taste like? And it's my first time knowing that mushroom can also be a food."

Hindi pa sya nakakatikim at nakakakita? How come? Hindi ba sya nilulutuan ng pagkaing may mushroom man lang?

"Nakita mo ba 'yung patti sa jollibee? May mushrooms yun sa ibabaw kasama ng gravy."

Kumunot ang maliit na noo nito. Bahagya ring ngumuso ang mga labi at nagtataka akong tinitigan.

"Jollibee?" Inosenteng aniya. "What's that?"

Ako naman ang napa kunot noo. Pati Jollibee ay hindi nya alam? Ano lang ba ang kinakain nya? Imposible namang hindi sya inilalabas man lang ni Caleb. He should bring her outside and eat somewhere.

"Dun kumakain ang mga bata, paborito kase nilang kainan yun. Hindi kapa ba nakakapunta dun?"

Umiling ito. "I'm always inside at Mommy's condo, she never bring me outside dahil baka daw makita kami ng paparazzi— what's paparazzi by the way?" Inosenteng saad nito at tila hindi man lang nakaramdam sa sinabi nya.

Hindi ko na ito nagawang sagutin pa dahil naging okupado na ang utak ko. Palagi syang nasa condo ni Shan? So it means Caleb will always go there to visit her daughter? But it's not my concern now, ang iniisip ko ay bakit kinukulong sya ni Shan sa condo nya? Because of paparazzi? Medias? Does that mean her pregnancy was secret? Pero...

"Mama!"

Napatingin ako sa bungad ng kusina ng pumasok si Jaime at may bitbit na supot. See through ang lalagyan nya kaya kita ko ang ilang piraso ng cornetto.

"Saan galing yan?" Tanong ko ng makalapit ito saakin.

Agad syang kumuha ng Isa ngunit binawi ko ito dahil hindi ko alam kung kanino galing.

His New Secretary (Good at Pretend #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon