CHAPTER 22

308 12 0
                                    

Chapter Twenty Two~

Every things have to change, sometimes you won't notice that something from yesterday have to change in the next day.
And they said every things happen for a reason.

Pero 'yung sakin, ano nga bang rason kung bakit ko naranasan ang mga bagay na hindi ko naman deserve? 'Yung masaktan ako ng malala, deserve ko ba? 'Yung lokohin ako, deserve ko din ba?

Hindi ko maintindihan kung bakit anong ayaw mo ay iyon naman ang napupunta sayo. Cruel ba talaga ang mundo?

"Mama, here na si Papa."

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng magsalita ang anak ko sa harapan ko. Bihis na bihis na ito dahil aalis kaming tatlo ng Papa nya. Silang dalawa lang dapat eh, pero mapilit ang anak ko at drinamahan pa ako ng iyak kaya napapayag ako.

"Suotin mo na 'tong backpack mo." Ani ko at inalalayan syang isukbit sa balikat nya ang backpack nya.

Naglalaman iyon ng extra shirts nya; para pamalit kapag pinagpawisan--- bimpo, Johnson's baby powder, at may ilang snacks nya rin para kung sakaling hindi nya magustuhan ang mga paninda dun. Ako nalang din ang nagbitbit ng baonan nya ng tubig dahil baka mabigatan na ito.

Isang maliit na shoulder bag na itim lang naman ang dala ko, may lamang wallet, cellphone ko at susi ng apartment. Wala parin kase si Shen eh, nag extend pa ng bakasyon. Aba!

Bago lumabas ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naka white snickers, khaki high waist pants at white shirt na may maliit na tatak na nike sa kaliwang dibdib. Nakapusod lang din ang may kahabaan kong buhok dahil alam ko na mainit ang panahon ngayon.

Pagkatapos ay sumunod na ako kay Jaime na hindi ko napansing kasama na pala ng Papa nya. Ni-lock ko ang apartment at sumunod sa kanila sa baba.

Naabutan ko ang mag-ama na labas ng sasakyan niya, karga niya di Jaime habang parehong naka shades. Tsk, mag-ama talaga.

"Tara na," ani ko at hindi sila pinansin.

"Tara na daw sabi ni Mama." Excited na sabi ni Caleb.

Natigilan ako, parang ang sarap pakinggan ng pagbanggit nya ng 'mama'. It's like music in my ears, how can he possibly do that?

"Come in na, Mama."

Hindi ko namalayang nakapasok na pala ang dalawa sa loob ng sasakyan kaya sumunod narin ako. Sa shotgun seat ako pumwesto habang sa driver seat naman si Caleb. Prenteng nakaupo rin si Jaime sa likod at naka seatbelt narin.

"Are you excited, kiddo?" Tanong ni Caleb ng magsimula na syang mag-maneho.

Saglit kong pinagmasdan ang itsura nya, kagaya ng pants na suot ko ay ganun din sa kanya, pati ang kulay ng snickers at damit na suot nya ay parehas ng saakin. Ang pinagkaiba nga lang ay polo sakanya habang shirt naman saakin.

Umarko ang kilay ko habang nakatingin sa unahan ng sasakyan. Nanggagaya ba sya ng isusuot? Grabe naman kase kung unexpected 'to, lahat talaga parehas kami ah. Tsaka muka kaming magfa-family day sa hitsura namin. Pati suot ng anak ko ganun din, polo rin sakanya kagaya ng sa tatay nya. Psh,

"Malapit na ang birthday ni Jaime." Pagbubukas ng topic ni Caleb.

Pagtingin ko sa likuran ay nakatulog na agad ang anak ko. Malayo-layo rin kase ang pupuntahan namin, kaya okay lang na makatulog ito.

"Oo nga," sagot ko.

"Any plans for his birthday?" Aniya.

Huminga ako ng malalim. "Actually, meron ng plano..."

"Really? What is it?"

Muli kong sinulyapan ang anak ko at tulog parin naman ito. Nakatulogan na nga ang paglalaro sa tablet nya.

His New Secretary (Good at Pretend #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon