Chapter 13

415 19 0
                                    

"ano nanamang minumuknok mo diyan" Sabi ni Cali habang nakahawak sa ulo niya.

"Inday, nanganak na ang ate mo wala ka pang alam" Dagdag pang sabi ni Ryle.

"Josko" Sabi ni Cali habang nakaawang ang bibig na nakatingin sa'kin.

"Nanganak na?" I asked.

"Ay oo anong gusto mo? Isang taon yung bata sa tiyan ng ate mo? Tumayo ka na diyan at iuuwi ka na namin"

Dali dali naman akong tumayo at nagbihis dahil mukha akong pulubi sa suot ko. Umalis na kami at naging tahimik ang byahe namin dahil hindi ako nagsasalita.

Naging mabilis din ang byahe namin dahil hindi naman masyadong traffic. Si Ryle ang nag-drive, nasa passenger seat ako at nasa likod naman si Cali.

~~~

When we entered the hospital ay derederetso na sila Cali nang lakad kaya sumunod na lang ako.

Pagpasok ko sa room ay nakita ko si Ate Imee na hawak ang baby at si kuya bong na nakatingin kay baby.

"Te imee, anong pangalan?" Tanong ni Ryle

"Fernando Martin" she said while smiling. "We'll call him Borgy"

"Sounds good, by the way where's kuya tommy?" I asked while staring at the baby.

"Nabili ng pagkain" She uttered. "Uuwi na'rin naman kami maya maya"

"Sila mommy?" I asked.

"Nasa bahay, hindi ko na pinapunta dito kase nga uuwi na'rin naman"

Someone entered the room and it's kuya Tommy, may dalang pagkain.

"Ay nako! Kulang na ang binili ko nandito pala si irene, malakas panaman tong kumain"pagbibiro ni kuya tommy.

"Kuya naman"

"Joke lang" Sabi niya at tumawa. "Kain na kayo" Sabi niya at nagsimula na kaming kumain.

~~~

Ngayon ay umuwi na sila Cali at Ryle sa Manila dahil may kanya kanya rin silang gawain at trabaho, nakauwi narin sila ate imee galing hospital.

Kanina ay pinagkaguluhan na nila mommy at daddy si borgy, parang ngayon lang nakakita nang baby eh, sa bagay unang apo eh.

Habang ako ay nasa kwarto may narinig akong katok kaya kaagad naman akong tumayo at binuksan ang pinto.

Nang makita kong si ate imee ito na kasama si baby ay napangiti ako at kinuha si borgy kay ate imee.

"Ang cute cute talaga" i said and stared at his face.

"Siyempre mana sa'kin" Masiwal na saad ni ate Imee.

"Naman" i said and laughed.

"Himala ata hindi mo kasama si Greggy" She said. I smiled at hindi na pinansin ang kaniyang sinabi.

"Ate pahawak muna, nasusuka ako" sabi ko at kinuha niya naman si borgy saakin, dali dali akong tumakbo papasok sa cr.

Paglabas ko ng cr ay nakatingin saakin si ate imee habang nakataas ang kilay.

"M-madami akong nakain" i said.

"Hmm" sabi niya na may tonong hindi naniniwala.

"Labas na kami ha, inaantok na rin naman na ako" Sabi niya at lumabas na.

Maya maya pa'y may kumatok nanaman.

"Bakit?" I asked dahil si ate imee nanaman.

"Wala lang" she said at pumasok sa kwarto ko.

"Ate, gusto ko ng graham" i said.

"Anong oras na, bukas na" Sabi niya at tiningnan ako ulo hanggang paa. "Kailan ka huling nagkaron?"

"Huh? Bakit?" Taka kong tanong.

"Basta" sagot niya.

"Last month" sagot ko.

"Hindi ka pa nagkakaron ngayon?" Tanong niya.

"Hindi pa, delayed lang yun" kinakabahan kong sabi.

"Anong delayed? Anong petsa na Irene" medyo pasigaw niya nang sabi.

"Kaya nga delayed eh" sagot ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Irene. Buntis ka ba?" Tanong niya.

"A-ako buntis?" Napatigil ako at napaisip. "H-hindi ah!" Sabi ko at tiningnan ang tiyan ko. "N-naparami lang kain ko" Sabi ko at tumingin saknya.

"Sus, kapag talaga hindi ka pa nagkaron bukas, buntis ka sinasabi ko sayo irene ha"

"Bukas agad?"

"Aba'y oo diba normally bungad ng month ka nagkakaron?"

"Oo nga, malay mo delayed lang, ang kulit mo naman" Sabi ko kahit sa kalooblooban ko ay kinakabahan na ako dahil baka nga buntis ako.

"Aalis na nga ako" Tinitingnan niya pa ako at dahan dahan na naglalakad palabas ng kwarto nakikipag eye to eye pa eh.

Umupo ako sa aking kama at nagbilang kung ilang araw na ako delayed, hindi pwedeng buntis ako! Malalagot ako sa pamilya ko.

~~~

Nagising ako sa sinag ng araw. Paggising ko pa lang ay gutom na gutom ako kaya't naghilamos na ako at bumaba na.

"Good morning ading" bati saakin ni kuya bong na nakaupo sa sala.

"Anong ulam? Gutom na ako"

"Tingnan mo diyan kakatapos lang namin kumain, tagal mo kase magising eh" Sabi niya kaya derederetso akong pumasok ng kusina at kumuha ng plato.

Pagkatapos kong kumain ay tinabihan ko si kuya bong sa may sala.

"Kuya, gusto ko ng mango graham" Sabi ko at nilalambing lambing pa siya dahil gusto ko talaga non.

"I'm craving for it" i said

"Edi bumili ka" Sagot niya naman.

"Ihhh, ikaw na" Saad ko

"Ikaw na, tinatamad ako" Sabi niya kaya naiinis na ako, may sasabihin pa sana ako ng dumating si Ate imee.

"Ano nanamang pinagaawayan niyo diyan"
Tanong niya.

"Eh ito kaseng si irene gusto ng ma-" hindi ko na pinatuloy ang kaniyang sasabihin at dali daling tinakpan ako kaniyang bibig.

"Ano?" Takang tanong ni ate imee.

"Wala" Sagot ko.

"Ang ingay mo" bulong kong sabi kay kuya bong habang naka nakatakip pa'rin ang kamay ko sa bibig niya.

"Hindi naman ako maingay ah" mahina niyang sabi pagkatanggal ko ng kamay ko sa bibig niya.

"Hayshh" i said and rolled my eyes. Padabog akong pumasok ng kwarto dahil hindi ko nanaman nakain ang gusto ko.

Same Old LoveWhere stories live. Discover now