Heaven 24 Fate
Helga’s POV
Andito ako ngayon sa condo ko ngayon at pinagmamasdan yun picture ni Enzo. Ilang araw nadin ang nakalipas simula ng kausapin ako ni Heaven slash Enzo. Simula noon pakiramdam ko gumaan pakiramdam ko.
Hindi na ako nag iisip na magpakamatay ulit. Kase yun yung gusto ni Enzo. Di ko alam kung sadyang tanga lang ba talaga ako o hindi ako nag iisip.
Enzo sacrificed himself just to saved my life at heto ako puro suicide attempts. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan for saving my life years ago.
Andame kong natutunan na bagay dahil sa huling pag uusap naming iyon.
**Some people are destined to fall in love but not meant to be together.
Yan ang huling mga salitang sinabi sa akin ni Enzo. Now I knew that he loved me so much and it just took me years to realized that fact masyado kase akong selfish at self centered.
He was my first love, first boyfriend, first kiss lahat ng first except sa alam niyo na. Di namin ginawa yun kase masyado siyang gentleman. Minsan nalang ang lalaking tulad ni Enzo almost perfect na.
Mabait, gwapo, matalino, mayaman at ako lang ang mahal. So sobrang perfect niya kaya siguro siya kinuha agad sa akin :( Kase wala naman dapat na taong perfect di ba.
I’m preparing my things kasi balak ko mag bagong buhay ulit. I want to start all over again na walang makakapag paalala sa akin tungkol kay Enzo.
**Luke calling
“sure ka ba sa decision mo?”. Bungad niya sa akin.
“hello Luke. Ganda ng bati mo ah”. Sagot ko.
“Answer my question”. Firm na sagot niya.
“yes. I want to start a new life. This time seryoso na”.
“no suicide attempts?”.
“no suicide attempts”.
“saan mo naman balak pumunta?”.
“yoko sabihin sayo. Sasabihin ko din pero hindi pa sa ngayon”.
“baka mapano ka!”.
“exaggerated ka talaga kahit kelan. Kaya ko na sarili ko. Para saan pang b*tch ako”.
“HELGA”.okay the way he pronounced my name I know he’s mad
“Luke please listen to me. I need to do this for me, you and everyone. Gusto ko next time na magkikita man tayo okay na ako. Yung tipong kaya ko ng humarap sa pamilya mo. Yung kaya ko ng tumayo sa sarili ko without depending on you or someone. Ayokong sayangin ang lahat ng bagay na pinaghirapan ni Enzo para sa akin. Magiging okay din ako promise”.
“ang haba ng speech! Hahaha”.
“malay mo next time malaman mo dramatic actress na ako”. Pagbibiro ko.
“aabangan ko yan. Pero mag iingat ka. Kapag kailangan mo ko just call me. Okay?”.
“I know. Thank you Luke”.
BINABASA MO ANG
Heaven or Hell [Complete]
ФэнтезиNaniniwala ba kayo sa REINCARNATION? Paano kung yung taong minahal mong namatay after ilang taon bumalik siya pero bilang ibang tao na. Matatanggap mo padin ba siya?