Heaven 17 - Knockin on Heavens door

1.4K 22 5
                                    

Heaven 17 –  Knockin on Heavens door

“baby ko! Birthday ko next week punta ka ha! Papakilala kita kay Papa darating din kasi siya” Helga

“oo mawawala ba naman ako sa birthday ng baby ko!” kinurot niya pisngi ko.

Kasalukuyang nagbabasa ng libro kasi Enzo dahil malapit na ang kanilang exams.

“Kanina ka pa nag re-review anu ba yan!”

“Mag aral ka nga. Wag yung puro pa cute sa akin. Gusto ko parehas tayong mataas mga grades”

Tamad mag aral si Helga pero dahil kay Enzo sinisipag siyang mag review ng lessons nila.

“Bakit ang sipag mo mag aral?”

“May pustahan kasi kami ng pinsan ko kung sino yung magiging top 1 sa amin at the end of the school year.”

“Sinong pinsan mo?”

“Basta papakilala kita dun. Excited na nga siyang makilala ka. Oh siya aral na tayo”

“natatakot ako na ipakilala mo sa pinsan mo.”

“Bakit ka naman matatakot?? Mabait yun pati nadin si ate. Di sila monster. Relax lang” nginitian ni Enzo si Helga.

Dumating na ang araw ng birthday ni Helga.

“ganda naman ng anak ko!” bati ng papa ni Helga sa kanya

“Syempre naman Papa! Mana sayo!”

“Balita ko may boyfriend ka na. Yun ba yung ini-stalk mo dati?”

“Papa naman! Paano mo nalaman yan!”

“Kahit malayo ako madami akong alam!”

“Kaya siguro ako naging stalker kasi mana ako sayo Papa!”

“Hahahah ikaw talaga”

Miss na miss ni Helga ang kanyang Papa dahil halos isang taon itong nasa abroad.

“Papa papakilala ko sayo si Enzo ha. Papa wag mong awayin please!”

“oo ang bait ko kaya anak!”  

“Papa anjan na si Enzo!” sinalubong ni Helga si Enzo.

“Happy birthday Cielo baby.” Bati ni Enzo sa kanya.

“Salamat. Lika papakilala kita kay Papa” hinatak ni Helga si Enzo “Papa si Enzo nga po pala yung boyfriend ko”

:”Ikaw pala boyfriend ng anak ko” tiningnan ng ama ni Helga si Enzo mula ulo hanggang paa. Samantalang si Enzo ay kalmado lang at si Helga naman ay sobrang kabado.”Gwapong gwapo katulad ko! Hahah. Ikaw na bahala sa anak ko ha. Wag mo sasaktan yan. Lagot ka sa akin pag nagkataon!”

“Opo sir mahal na mahal ko po si Cielo” nag shake hands sila.

“Sige sayaw na kayo dun. Maganda ang music” taboy sa kanila ng ama ni Helga.

NP: Got to believe by David Pomeranz

“Phew! Kinabahan ako dun ah” Helga

“Ako relax lang. Gwapo ako e!’ pagyayabang ni Enzo

Heaven or Hell [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon