FOURTEEN
KR15
Tita Bhaby calling~
Sht. Bakit napatawag si tita? Wala naman sanang nangyaring masama kay Mika ko. Pucha! Kinakabahan ako. I answered the call with a trembling hand.
"Hello, tita?"
(Kiefer, Mika told me...)
MR3
"Uy, daks, ano naman sinisinghot-singhot mo jan?" -Ara. Kunwari pa tong di nila alam, eh ang chi-chismosa nila.
"Malamang inaway na naman niyan si idol kasi tinopak." -Kim
"Hoy, kayong dalawa, umalis nga muna kayo dito. Ang iingay niyo. Mga buwisit na to. Kita niyong sumisinghot na nga yung tao dito eh."
"Huwag ka ngang magdrama diyan. Ikaw naman ata unang nagaway diyan ah." -Ara
"Buwisit ka, daks. Guilty na nga ako, mas lalo mo pa akong gini-guilty. Buwisit kasi na Kendall yan eh. Umeksena pa sa lovelife ko. Ugh! Inaway ko na naman tuloy si Kief."
"Yan yun sinasabi ko sa iyo nung isang araw, Arabelles. Nagtampo yan kay idol kasi like daw ng like sa picture ni Kendall." -Kim
"Ah yan ba? Siraulo kasi yang babaeng yan. Pagselosan ba naman daw si Kendall." -Ara
"Kung ayaw niyong masapak at ma-spike ko kayong dalawa, magsialisan nga kayo. Kainis! Kung makap-chismisan kayong dalawa diyan. Siguraduhin niyo munang wala sa harapan niyo at di kayo naririnig ng pinaguusapan niyo."
"Kuwarto rin namin to ah." -Kim
"Kainis naman kasi kayo eh. Depressed na nga yung tao dito, binubully niyo pa."
"Kaw naman kasi daks, kung inintindi mo muna yung tao di ka siguro nagdadrama diyan ngayon at naglalandian ma siguro kayo sa facetime." Kung makapang 'landian' tong bruhang Ara na to ah.
"Sorry naman. Umatake lang sprak ko."
Umupo na nang tuluyan yung dalawa sa harapan ko which is Ara's bed habang nagdadrama ako sa kama ko.
"Sinumbatan niya kasi ako sa pagiging fan ko ni DJP eh. Yun tuloy, inaway ko. Nasabihan ko pang pang-one year lang siya." My tears started to fall again. buwisit naman kasi. Di naman totoo yun. nasabi ko lang yun sa sobrang inis sa kanya. Ugh! nasaktan ko naman bebe ko at malamang pa sa alamang pinaiyak ko na naman and with that thought my tears fell down non-stop.
"Gaga ka rin pala eh. Baka nasumbatan ka kasi ininis mo. Daks, alam kong alam mong alam naming lahat na mahaba pa sa San Juanico Bridge ang pasensya nung tao pero sinagad mo ata eh. Sinabihan mo pang pang-one year lang siya. Kung ikaw ba sinabihan niya nun, ano ba mararamdaman mo na yung taong gagawin mo ang lahat para mapasaya lang ay dina-doubt yung pagmamahal mo sa kanya?" Bumalong na naman yung luha ko. Kainis! Mahaba-habang sermunan na naman to kasama mga maka-Kiefer dito. "Oh di'ba masakit? Umiiyak ka nga eh. Kasi iniisip mong sobrang sakit nung pinagsasabi mo sa kanya kanina."
"Ye, hindi sa kinakampihan namin siya - taga Ateneo pa rin yun ah," nag-side comment pa tong si Imi. Natawa tuloy ako. Ugh! tumatawa na umiiyak. Para na akong luka-loka. "Kaso lang nag-intay yung tao kahit madaling-araw na para lang makausap ka..."
"Di ko naman sinabing mag-intay siya ah."
"Siraulo ka pala eh. Alam mo namang di ka nun tatantanan hanggang di niya alam kung anong nangyayari sayo. Sana man lang nagtext ka na ayaw mo muna siyang makausap kasi blab bla bla... tapos ginanun mo pa. Aba naman kung ako yun, malamang nabugbog na kita. Joke lang. Hahaha!" -Kim
BINABASA MO ANG
No Bounds (I Choose You)
FanfictionShe's from De La Salle University and he's from Ateneo De Manila University. They belong to different and opposite worlds. She's a good girl and he's somewhat a playboy. How can their opposite ways and worlds collide? "Tell the world that we finally...