ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ✍︎

13.3K 249 9
                                    

'𝗔𝗻𝗼 ba yan! ang malas ko naman ngayung araw bwesit! sa dinadami daming mahuhulog sa kanal bakit yung piso ko pa? huh!? anong naging kasalanan ko at sya pa ang nahulog? edi nag kulang na yung pera ko! naging siyam nalang!' reklamo ni xharie sa kanyang isip

para syang tangang papadyak padyak habang nag lalakad at minsan titigil at sasabunutan ang sarili kaya naman lahat ay nakatingin sakanya na parang takas mental. kasi naman sinong hindi ang pag kakamalan syang baliw sa ginagawa nyang yan ng dahil sa piso lang

napatigil sya at ngumiti ng malawak na parang may naisip nanaman na kalokohan

"hehe ehh kung manghingi nalang ako kay mama? hmpp baka di ako bigyan nun! madamot pa naman yung dragon na yun!" sumimangot ulit sya pag katapos nyang sabihin yun

Queenven herrei fernandez a.k.a rhay (r-e-y) 20
y/o. magandang dalaga pero siga kung kumilos. pasmado rin ang bibig nya at minsan nagiging cold at minsan naman mature o dikaya isip bata. mayaman sila pero dahil nga sa umandar nanaman ang pag kaisip bata nya ay ganyan hehe

"shit oonga pala kailangan ko ng umuwi bwesit lagot!" mabilis pa sya sa flash na tumakbong pauwi

pag kadating nya sa bahay nila ay dahan dahan syang nag lakad papasok. ng nakatakas sya sa mga guard at maid malawak syang ngumiti pero may isa pa syang dapat takasan

'dapat hindi ako mahuli ni mama tch lagot talaga ako nito huhu tangina!'

"saan ka nanaman galing bata ka?" gulat sya na napatingin sa kanan na nakataas kilay ang mama nya

20 y/o na sya pero kung maka asta ay 15 y/o lang

tumayo sya ng tuwid at kumamot batok habang pilit na ngumiti

"na-nakikain ahmm yun nga po nakikain a-ako sa bertdeyan hehe ang tabang pa nga po nung spaghetti ei" parang tanga nyang palusot

"hmm saan yan?"

"𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢? s-sa kabilang baranggay po" sabi nya at ngumiti ng alanganin

"nakarating ka dun!?" 𝘭𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘯𝘢

"o-opo at isa pa may misyon ako" nakangiti nyang sabi

"pero wala pa ako sayong binibigay na misyon" sabi ng mama nya

tumakbo sya papuntang kwarto dahil hindi nya na alam kung anong sasabihin. narinig pa nyang nag sisisigaw ang mama nya pero nag patuloy parin sya

patalon syang humiga sa kama at bumuntong hininga

"haysss may pasok nanaman bukas" problemadong bulong nya at pumikit

college rin kasi sya.

𝗥𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗢𝗩:

shit tangina may pasok pa pala!

dali dali akong bumangon at hinanap ang banyo pero napatigil ako ng mapansing nag iba ang kwarto ko at yung design ay iba na. putangina! anyare?

"shit nasan ako?" hinanap ko yung pinto palabas pero pag bukas ko ay bumungad sakin ang babaeng maid ata

"princess!" biglang sabi nya habang gulat na nakatingin sakin kaya hinawakan ko sya sa mag kabilang braso

"tangina nasan ako!? kinidnap nyo ko noh!? a-at sino ka hah!? nasan boss mo at kakausapin ko yang hayup nayun! ano mag salita ka!!" sunod sunod kong tanong pero nakatulala lang sya sakin

alam ko namang maganda ako pero di kami talo noh!

"calm down princess" shit she called me princess tangina

pinigilan ko muna ang mag salita at pinakalma ang sarili. walang mangyayari kung mag papanic lang ako. pag nakita ko talaga kung sinong may pakana nito ay talagang mag dasal na sya at ito na ang huling araw nya

umupo ako sa kama tiningnan na sya ng deretsyo. napalulok naman syang bigla

"okay who are you?!"

"ahmm h-hindi nyo po ako kilala? ako po ang si elena ang anak ng mayordoma ng palasyo at ako rin po ang tagapagsilbi nyo" naks di ako inform na may yaya pala ako at ano daw? palasyo? mayordoma? nakalimutan nya bang uminom ng gamot or sadyang nakatakas lang sa M.H?

"anteh ginagago mo ba ako?" inis kong tanong "or sadyang may sayad ka lang?" laglag panga syang tumingin sakin at hindi makapaniwala sa tanong ko

"h-hala mali po kayo ng iniisip" iling iling nyang sabi "pero mahal na prinsesa seryoso po? wala kayong maalala?"

"gago syempre meron! naalala ko pang nahulog yung piso ko sa kanal at pinagalitan ako ng dragon at sya nga pala natae nga pala ako nung bandang hating gabi dahil yata sa katakawan ko" grabe oonga pala noh sobrang sakit kaya ng tyan ko para akong pinarusahan dahil dun

"p-princess xharie tatawagin ko lang po yung healer" kabadong sabi nya pero bago pa man sya makaalis ay hinawakan ko yung braso nya at kunot noong tiningnan sya

"princess xharie?" takang tanong ko

"d-di nyo po maalala? queenven xharie vanzuela po ang buong pangalan nyo" sabi nya "pero baka po kayo nawalan ng alaala dahil sa pag kakahulog nyo-"

"give me a mirror" i cut her words dahil tangina baka totoo ang kutob ko. pag kabigay nya ng salamin ay biglang nanghina ang tuhod ko sa nakita

shit fucking shit! this isn't can't be...im just fucking reincarnated!

𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦...

@𝒂𝒔𝒎𝒆𝒓𝒊𝒄𝒕

The devil assassin reincarnation  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon