PROLOUGE

122 6 0
                                    

"Gago ka Edward! Ganun na lang ba yun? Hahayaan mo na lang kami ng mga anak mo dahil dyan sa babae mo? Punyeta ka! Sana nung una pa lang sinabi mo nang pagsasawaan mo rin ako para napaghandaan ko man lang! Para sana hindi ako masyadong nasaktan!"

Yan ang narinig ko sa loob ng kwarto nila Mama at Papa habang nakatayo ako sa harap ng pintuan nilang naghihintay na lumabas sila at nagbabakasakaling mapigilan ko kung ano man ang pwedeng mangyari.

"Pwede ba Cynthia?! Pagod na ako! Pagod na pagod na ako dyan sa bunganga mong parang machine gun na walang preno! Ayaw ko na! Sawa na ako!"

Bigla namang nagbukas ang pinto at nakita ko si Papang may dalang maleta. Napatigil silang dalawa ni Mama nang makita nila akong papaiyak na.

"Pa, 'wag ka na umalis." Pagmamakaawa ko sa kanya habang pinipigilan ko namang pumatak ang mga luhang ayaw kong
pakawalan.

Binitawan ni Papa ang kanyang maleta saka siya lumuhod sa harap ko at niyakap niya ako. "Pasensya ka na Mariz pero ayaw ko na." Tinanggal niya ang pagkakayap niya sa akin saka naman niya pinuntahan si Christian na pinapanood lang lahat ng nangyayari saka niya niyakap ito.

Matapos niyang yakapin si Christian ay kinuha na niya ang kanyang maleta at naglakad na siya papalabas sa bahay dahilan para bumuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"PAPA!!!!" Hinabol ko siya at niyakap ko siyang nakatalikod pero ang akala kong yayakapin niya rin ako pabalik ay nasira dahil itinakwil niya lang ang aking kamay at nagpatuloy na siya sa paglalakad habang ako ay nagmistulang basang sisiw na nakadapa habang patuloy na nababasa ang lupa dahil sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

"Papa!!!" Pagsusumamo ko kahit alam kong hindi na niya ako naririnig at malayo na siya.

"Anak..." Napatingin ako kay Mama na nasa likod ko at kita ko sa kanyang mga mata ang sakit na dinulot ni Papa sa kanya kaya naman niyakap ko na lang siya at ipinapangako ko na simula ngayon... Wala ng luhang dadaloy sa mga mata ko dahil sa isang lalake lalong lalo na kay Mama at sa aking kapatid.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon