CHAPTER 7

33 3 1
                                    

Mariz's POV

"Sorry." Naparalize ako sa narinig ko. Napatigil ako sa pagkain ko at tumingin ako sa kanya. He looked at me seriously. I am feeling his sincerity... But no. No. Matapos niya akong halikan? Matapos niya akong bastusin sa daan namin sa Baguio? Huh... No way! Neknek niya!

Uminom ako ng energy drink ko tapos dinabog ko yung bote sa mesa at naglakad papalayo sa kanya. Wala akong pake kung binastos ko siya ng ganun. He deserved to be treated like that. Pasensya na lang siya dahil hindi ako katulad ng iba na madaling magpatawad. I know when and who will I forgive.

Mabilis akong nakarating sa building ni Lea. I called her up at buti na lang sinagot niya agad.

"Lea, where are you?"

"Nandito ako sa may lobby. Bakit?" I looked around and there I saw her near the elevator kaya I ended the call at naglakad ako papunta sa kanya.

Kinalabit ko naman siya dahilan para lumingon siya sa akin. "What are you doing here?" Naka kunot-noo niyang bungad sa akin. Tss... Parang kelan lang nung excited siya sa tuwing makikita niya ako sa loob ng tinitirhan namin ha. Bipolar. Tss...

"Ayaw mo ba?" Nagpout naman ako kahit labag sa loob ko. Gusto ko lang talagang makalabas muna dito sa university. I need to breathe this out. Pakiramdam ko hindi ako makahinga dito sa campus lalo na't alam kong nandito yung lalakeng yun

"Gusto naman. Pero may klase pa ako. Ikaw rin may klase pa! Don't tell me gusto mong mag-cutting?" She looked at me in disbelief. "Naku Mariz! 'Wag mo akong isali dyan sa kalokohan mong yan ha... Hindi porket sinabi ni Tito na pwede nating gawin lahat ng gusto natin dito eh aabusuhin mo na yun. C'mon Mariz! Try to be a good girl kahit ngayon lang." She pat my back at napa poker face naman ako.

"How many times do I have to tell you na ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng ganun?" Napapikit na lang ako at sinapo ko ang ulo ko. Ugh... Lea please... Ayaw kong madagdagan ang inis ko.

Dinilat ko naman ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. "Pwede bang pumayag ka na lang? Please Lea? Please? Ngayon lang 'to Lea. Pagbigyan mo naman sana ako."

She let out a big sigh. "Okay fine. Saan ba tayo pupunta?" I half-smiled at hinila ko siya papalabas sa building nila ng hindi man lang sinasagot yung tanong niya.

Lea's POV

"Doughnut lang pala ang habol mo! Meron namang cafe dun sa campus eh! Nagsayang lang tayo ng pamasahe para pumunta dito sa SM." Nag-face palm ako sa may mesa habang pinapanood ko siyang kumakain ng doughnut dito sa J.CO.

"Nakakasuffocate kasi yung hangin sa campus eh saka mas masarap dito noh!" Puno yung bunganga niya habang sinasabi niya yun. My gosh! Para talagang lalake 'tong babaeng 'to. Napailing na lang ako.

"Gusto mo?" Inalok niya sa akin yung doughnut na may strawberry coating pero hindi ko tinanggap. Alam ko namang kulang pa yung isang box para sa kanya eh. Mamaya pabayaran niya pa sa akin yan.

"Ayaw mo 'di 'wag." Kumagat siya ng malaki dun sa doughnut niya. Punong-puno na ng whip cream yung gilid ng labi niya kaya naman inabot ko sa kanya yung baon kong tissue.

"Gosh Mariz! Hindi ka na nga lang marunong mag-ayos ng sarili mo, ang dugyot mo pang kumain! Fix your self nga!" She just rolled her eyes tapos pinunasan na niya yung bibig niya. Grabe rin 'tong katigasan ng ulo ng babaeng 'to. Ang hirap paki-usapan!!!

"Hindi ka pa ba sanay? Bata pa lang tayo ganito na ako!" Kumagat ulit siya sa doughnut niya and again... May cream nanamang natira sa gilid ng labi niya.

"Malaki na tayo! Dapat lang na mag-ayos tayo noh! Lalo ka na! Pano na lang kung may makakita sayong lalake tapos ang dami mong baon sa gilid ng labi mo? Naku! I'm pretty sure na hindi magkakainteres ang mga lalakeng halikan ka 'pag ganun!" Bigla na lamang siyang nabilaukan kaya pinainom ko siya nung tubig na binili namin.

Pinagpag ko yung likod niya habang umiinom siya. "Ok ka lang ba? Tsk... Ang takaw mo eh... Yan tuloy..."

"Manahimik ka na nga lang! Nabibigla ako dyan sa nga sinasabi mo eh!" She wiped the side of her lips using her hand then she gave me her death glare.

"Ano bang masama sa sinabi ko? I'm just stating the fact couz'." I slouched at the chair then I rolled my eyes.

"Just shut up, okay?" I just shrugged and I began to space out. Naalala ko yung text sa akin ni Tito kanina bago ako tawagan ni Mariz.

Tito: Lea, pumunta kayo tonight sa bahay namin. We want to have a dinner with you girls. Is it okay?

Without any hesitation, I said yes. And yes. We will come tonight sa ayaw at sa gusto ni Mariz. Alam ko na ayaw niyang nakakaharap si Tito Frank dahil Tito reminds Mariz so much of her dad. Magkamukhang-magkamukha sila pero ibahin niyo si Tito Frank dahil responsible siyang Tatay.

I cleared my throat tapos umayos ako ng upo at tumingin ako sa kanya. "Mariz, pupunta tayo kanila Tito Frank mamayang gabi ha? Gusto niya raw magdinner with us. Please Mariz?" I pouted then I made the puppy eyes.

"Stop making pa-cute Lea! Fine! I will! Basta wala si Tito Frank! Hahahahahaha!" She laughed so loud kaya naman napatingin sa kanya yung mga ibang costumer so I decided to put doughnut on her mouth to shut her up. Ugh... Napaka iskandalosa.

Roderick's POV

Matapos yung eksenang naganap kanina sa amin ni Camille Mariz, hindi ko na siya nakita. I am forcing my self to forget all the things that happened awhile back but I can't. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ang bigat-bigat tuloy ng pakiramdam ko. Ayaw ko pa naman sa lahat e yung may nagagalit sa aking babae.

I really really really want to say sorry to her. I want to tell her the story why that thing happened and I want her to know na hindi ako ganung lalake. Ayaw kong masira ang reputation ko sa ibang tao dahil lang sa nangyaring yun. I know that I'm in the right track and I will fight for it kahit na malaki pa ang galit niya sa akin.

It's already 7:15 pm pero hindi pa rin ako nakakabihis. Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba talaga ako o hindi. Half of me is saying that I should go because something unbelievable will happen pero yung kalahati, sinasabi na wala akong mapapala dun. Ugh... Bahala na. Sayang pera ko kung magluluto pa ako.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. 7:45 ok na ang lahat kaya naman pinaandar ko na yung kotse ko at nagmaneho ako ng dahan-dahan. Ayaw ko na ulit maulit yung nangyaring scenario dati. Siguro tiitigil na rin ako sa pagkakarera. Na-trauma na ako sa mga nangyari.

I arrived at their mansion around 8:05. Bumusina ako at agad namang binuksan ang malaking gate nila. Pinark ko yung kotse ko sa harap ng fountain nila at pumasok na ako sa loob.

Pagkapasok ko, may sumalubong sa aking katulong at tinuro niya sa akin yung way papunta sa dinning area and there I saw Ninong and Ninang kaya nagbless ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ng kinakapatid ko. Si Francis at nag-bro fist naman kami.

"Long time no see Kuya." Bati niya sa akin kaya naman tumango na lang ako. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. He looked like his Dad. Chinito. Tumatakbo yun sa dugo nila kaya naman pati si yung Kuya niya na si Kuya Fred ay chinito rin. Ka-age niya lang yung Ate ko kaya nga minsan inaasar ko silang dalawa na dapat sila na lang.

3 minutes na akong naka-upo dito but I noticed na wala pang nababawasan sa mga pagkain na nakaahin. Anong gagawin namin dito? Tititigan? Wow... Mabubusog ako dun ha.

"Saglit lang Rhod ha? Wala pa kasi yung dalawang dilag. Saglit na lang. Baka darating na rin yun maya-maya." Ninang said so I half-smiled at nilaro ko muna yung mantel sa harap ko.

After 5 minutes, bigla namang tumayo sila Ninong at Ninang kaya sinundan ko silang dalawa ng tingin at nakita ko naman na... Wait... Sila? Magkakilala sila? How come?!!!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon