CHAPTER 12

34 4 0
                                    

Lea's POV

Nakangiti akong bumalik sa loob ng bahay. Ilang buwan nang ganun ka-sweet sa akin si Rhod. Ihahatid niya ako tapos bago siya umalis, he'll kiss or hug me muna. Nasanay na nga ako sa mga ginagawa niya sa akin eh. Simula kasi nung naging close sila ni Mariz, lagi na namin siya nakakasama pero mas nakakasama niya si Mariz kesa sa akin. Parehas naman kasi sila kung mag-isip eh.

Kahit lagi silang magkasama, ni minsan hindi ako nag-akalang magkakadevelopan sila. Nagtataka kayo ano? Malalaman niyo rin soon. Hindi dapat ako ang nagsasabi sa inyo eh.

Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso naman ako sa sala tapos tinabihan ko si Jessy sa may sofa. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may kaibigan na pala si Mariz na lalake." Napatingin ako sa kanya sabay hablot ng popcorn sa bowl na hawak niya.

"Eh ano naman ngayon? They're just friends okay?" Kumuha ulit ako sa popcorn na hawak niya tapos bigla kong naalala yung tanong ko sa kanya kanina.

"Ba't ka nga pala biglang napunta dito?" Tumigil naman siya sa pagsubo ng popcorn tapos tumingin siya ng seryoso sa akin.

"Dito na ako mag-aaral sa second sem. At namiss ko rin si Mariz syempre. Tapos kakadating ko palang dito, yun na agad madadatnan ko. Ni hindi niya man lang sinabi sa akin na may kaibigan na pala siyang lalake. She should've informed me. Saka gwapo yun noh. Baka ma-inlove pa siya dun." She pouted kaya naman natawa ako sa sinabi niya. Tss... Napaka paranoid naman nitong babaeng 'to! Ngayon na nga lang magkaroon ulit ng lalakeng kaibigan eh.

"Hay Jessy... Pagbigyan mo na yang si Mariz. Buti nga nakikihalubilo na siya sa lalake kahit papaano. Hindi katulad noon 'di ba? Saka ano kaba! Kilala mo yang si Mariz. 'Wag kang mag-alala okay?" She just half smiled tapos kumain na ulit siya ng popcorn. Nanood na lang ulit kami hanggang sa hindi na namin namalayang nakatulog na pala kami.

Mariz's POV

"Psssst! My princess, wake up na!" It was a masculine voice that I'll never forget. It's nice to hear it again but there's a part of me that's aching.

"Hey... Gising na prinsesa ko. Mama and Christian are waiting outside." He kept on caressing my hair then I slowly opened my eyes and saw Papa at my side.

"Papa? You're back?" Instead of answering back, he just smiled then he planted a kiss on my forehead.

"I love you my princess. To the moon and back."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mariz! You're dreaming again! Wake up!" Bigla kong minulat ang mga mata ko at nakita ko naman si Lea na nasa tabi ko. Inikot ko ang paningin ko para masiguro kung panaginip nga ba talaga yun at wala nga akong nakitang bakas niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag

"Buti na lang..." Dahan-dahan akong bumangon at nag-unat tapos nilingon ko ulit si Lea

"Ba't naka-upo ka sa tabi ko?" I said still yawning.

"Sigaw ka kaya nang sigaw. Akala ko nga kinidnap ka na ni Tito. Ano bang napanaginipan mo?" Humiga ulit ako tapos pinikit ko ng mariin yung mga mata ko.

"Yung lagi kong napapanaginipan." Pagkasabi ko 'nun ay dinilat ko na ang mga mata ko at tumingin na lang sa kawalan. Lagi na lang akong nananaginip nang ganun this past few days. Minsan nga gigising na lang akong umiiyak.

"Hindi ko na kaya Lea! Ayaw ko nang balikan ang nakaraan ko!" Nagpaikot-ikot na lang ako sa kama ko. Nagugulo na ang isip ko. Akala ko balewala na lang 'to sa akin pero bakit may kirot pa rin akong nararamdaman? Argh!!! Hindi 'to pwede! Hindi!

"Babalik at babalik sayo ang nakaraan kung hindi mo pa talaga ito handang bitawan. Catch mo?" Napatigil naman ako sa paggulong tapos tumingin ako sa kanya. Matagal ko naman na yung binitawan. Ano bang sinasabi niya?

"Hello Lea? Matagal ko na kayang binitawan yung nakaraan ko." I rolled my eyes tapos niyakap ko naman yung unan na nasa tabi ko.

"Sure ka? Kung talagang binitawan mo na, e 'di sana napatawad mo na rin siya at hindi ka nagkakaganyan. Tignan mo nga yang sarili mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano namang meron sa sarili ko?"

"Ayan! Umaasta kang lalake dahil dyan sa nangyari sayo. Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakakamove-on. Hindi mo pa rin matanggap na iniwan niya kayo. 'Di ba tama ako? 'Di ba?" Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Paulit-ulit yun na nag-echo sa utak ko.

Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakakamove-on.

Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakakamove-on.

Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakakamove-on.

Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakakamove-on.

"Mariz! Hoy! Bigla kang natahimik?" Bigla naman akong napatingin sa kanya.

"Wala. Wala. Baba na nga tayo! Gutom na rin ako eh!" Tumayo naman na ako sa kama ko tapos hinila ko na siya pababa. Ayaw ko na pag-usapan yun. Nagugulo lang ang isip ko.

Habang kinakaladkad ko naman si Lea pababa, may naamoy akong hotdog at fried rice sa kusina kaya naman nagtaka ako. "Ano yun? Iniwan mo ba yung niluluto mo?" Nilingon ko si Lea at nakita ko naman siyang umiling na nakangiti.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya tapos nagkibit-balikat ako. "Eh ano?"

Ngumiti siya nang nakakaloka pero bago pa siya makapagsalita ay may nagsalita na sa may kusina.

"Mariz, Lea! Kain na!!!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Lea at nakita ko lang siyang nakangisi kaya naman iniwan ko na siya doon at binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa may kusina.

Sh*t! Bakit hindi niya man lang ako in-inform na pupunta pala siya dito? Ni hindi ko man lang alam kung kelan ba siya nakarating. Tapos kagabi pala kasama ko si Rhod. Pano niya ako hinatid dito? Sh*t talaga! Paano kung nakita niya si Rhod? Ano na lang sasabihin ko dun? Waaaaah!!!

Dahan-dahan akong sumilip sa may kusina at tama nga ako ng hinala. Nandito siya! Shemay! Anong sasabihin ko sa kanya? Pano ako haharap sa kanya? Pucha! Badtrip talaga! Hindi ako ready sa pagdating niya!

"Mariz! Lea! Baba na!!!" Napailing na lang ako at naglakad na ako papunta sa kusina.

"Ba't hindi mo ako sinabihan na pupunta ka pala dito?" Yan ang bungad ko sa kanya dahilan para naman mapalingon siya sa akin.

She crossed her arms and raised her left brow. "Ba't ganyan ang bungad mo sa akin Ms. Dy?" Napailing na lang ako sa tawag niya sa akin. Sanay na akong tinatawag niya ako ng ganun. Siya lang talaga ang hinahayaan kong tumawag sa akin ng ganun kasi.oba yung dating eh. Ugh... Basta!

Naglakad ako papunta sa mesa saka naman ako umupo. Kumuha ako ng hotdog tapos kumain na ako. Hayaan ko muna siyang nakatunganga dyan. Uubusan ko siya ng pagkain kung tatayo lang siya dyan. Tss...

"Mariz! Nakakainis ka ha! Ganyan mo na lang ba ngayon tratuhin ang girlfriend mo?"

-

Keh ako na si cliff hanger. ✌ Yan na! Bukas ulit! O kaya next week na! Kapag wala bukas yung teacher naming hipon, mag-uupdate ako. Ipagdasal niyo na lang talaga. *Cross fingers* Follow me on ig: @kimalexandra999 Follow me also on twitter: @AmKimAlexandra love lots

PS: Sorry for the typos. ✌ Pagtiisan niyo na lang.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon