CHAPTER 10

24 3 1
                                    

Roderick's POV

"Rhod, dyan na sa may tabi." Prineno ko naman agad yung kotse ko sa harap ng isang malaking bahay. Wow. Just WOW. Ang laki ng bahay na 'to ha. Pero mukhang wala namang tao kasi nakapatay lahat ng ilaw.

"Ba't parang walang tao?" Nakatingin pa rin ako sa bahay. Ang galing lang kasi ng pagkakadesig niya. Sa labas palang talaga malalaman mo na na maganda sa loob niya.

"Dalawa lang kasi kami ni Mariz dyan eh." Bigla naman akong napalingon sa kanilang dalawa sa likod ng kotse.

"Seriously? Eh ang laki ng bahay na yan eh." I saw Camille Mariz rolled her eyes.

"Ayaw mong maniwala 'di 'wag. Ano sa tingin mo sa amin, mahirap?" Napalingon siya sa may bintana kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi masyadong narinig yung sinabi niya.

"Anong sinabi mo?" Bigla naman siniko ni Lea si Camille Mariz the Lea faked a smile.

"Hehe... Pagpasensyahan mo na 'tong si Mariz." "Baliw kasi." She mouthed kaya naman napatawa ako tapos lumingon sa amin si Camille Mariz

She gave us her death glare. "What?" Pinigilan naming tumawa ni Lea tapos umiling na lang kaming dalawa.

Hindi ko na pinatagal pa kaya lumabas na ako sa kotse saka pinagbuksan ko silang dalawa. Unang lumabas si Camille Mariz at nilagpasan niya lang ako. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa loob ng bahay nila. Napa-iling na lang talaga ako. Ayaw kong magsalita.

"Uh... Rhod, pagpasensyahan mo na talaga si Mariz ha? Ewan ko nga kung bakit siya nagkakaganun eh. Kakausapin ko na lang siya." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Bigla akong pinagpawisan kahit malamig naman dito. Hindi niya pwedeng malaman kung paano ba talaga kami nagkakilala dahil baka layuan niya lang ako.

Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. "'Wag na. Okay lang." I smiled sheepishly tapos tumango naman siya at ngumiti na lang.

"Sige Rhod. Thanks for the ride. See you around!" She kissed me on my cheeks at naglakad na siya papasok sa bahay nila habang ako ay naiwang nakatulala sa harap ng bahay nila.

Ang bilis ng kabog ng puso ko. Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Ilang minuto akong nanatili sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko yung ginawa niya. Well to be true, siya ang pangalawa kay Camille Mariz na nakahalik sa akin. Tss... Ang pangit isipin lalo na't magpinsan pa sila.

Bumalik na lang ako sa loob ng kotse ko pero hanngang sa pag-uwi ko, yun parin ang nasa isip ko.

"My goodness Rhod! Tigil-tigilan mo yang pag-iisip mo sa kanya. Mukha kang tanga." Yan ang nasabi ko sa sarili ko habang nagpapagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi ako makatulog. Ugh...

Tumayo naman ako sa kama ko at kinuha ko yung laptop ko saka ako nag-open ng FB account ko. Biglang may nag-pop out sa screen ko. Bagong friend request nanaman.

Binuksan ko 'to and to my surprise, I saw Lea's name. She just sent me a friend request kaya naman in-accept ko agad. After just a minute, nakarecieve na ako sa kanya ng message so I opened it.

Lea: Why are you still up Mister?

Me: I can't sleep. Someone's bothering my mind.

Lea: Can I know who is it?

Napatigil ako sa sinabi niya. Sasabihin ko ba talaga sa kanya na siya yung iniisip ko? Ugh... No no. Nakakahiya naman. Baka sabihin niyang masyado akong madaling ma-fall. Oh wait... No. Hindi pa pala ako na-fafall. Hindi ako ma-fafall. Hindi.

Uh... Okay mukha akong tanga dito.

Lea: Yohooo... You still there?

Me: Yes, I am.

Lea: I won't bother you na lang about that. Masyado lang sigurong pribado. Right?

Me: Hmmmm... Maybe? 'Nways, why are you also still up? It's 11! May pasok pa bukas.

Lea: I can't sleep din eh. Someone is also bothering me. Ikaw rin naman gising pa eh. I'll wait you na lang to sleep tapos matutulog ba rin ako.

Me: Matutulog na rin ako so matulog ka na, okay? Good night!

Lea: Okay, if that's what you want. Good night handsome!

I smiled when I read that. She's sweet.

Me: Good night beautiful.

Sinara ko na agad ang laptop ko pagkatapos kong i-type yun. Humiga na ulit ako at pinilit ko na lang ang sarili kong matulog.

Lea's POV

Siya. Siya ang iniisip ko. Si Rhod ang iniisip ko. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya. Sa dinami-rami ng pwede naming pagkitahan, sa bahay pa nila Tito. Connections huh?

Isang araw palang pero andami nang nangyari sa aming dalawa. I thought dead to the world siya pero when we talked at Tito's house awhile back, saka ko lang na-realize na ang cool niya pala. At ang gwapo rin. Lalo na yung dimple niya sa left cheek niya.

Okay ako na ang malandi. Ako na rin ang magaling humabol sa lalaki. Bigla ko nalang talaga naisipang i-search yung pangalan niya sa Facebook. Maraming lumabas na accounts. Infairness, sikat pala siya.

Hinanap ko yung account na may pinaka maraming followers at yun. Nahanap ko nga. Pwede pa naman i-add kaya nagulat na lang ako nung i-accept niya agad yung friend request ko.

I wonder... Who's that girl that he was thinking about? Ayaw ko namang isipin na ako rin yung iniisip niya. Pero what if nga 'di ba? Ugh... Erase erase!!!

Sandali lang kaming nag-chat at nag-out na rin siya pagkatapos niya akong bigyan ng good night message with matching pretty and wink emoji. Napangiti na lang ako at hindi ko namalayan na natulugan ko na pala yung iPad ko.

Mariz's POV

Hindi kami sabay ni Lea na pumasok ngayon. Sinadya ko talagang gumising ng umaga para makaiwas ako sa mga posibleng tanong niya sa akin. Alam kong tatanungin niya ako kung ano ang history ng pagkakakilala namin nung Rhod na yun. Lam niyo na, chismosa.

6:00 am palang nang makarating ako dito sa university. Naupo lang ako sa puwesto ko at nilaro yung rubics cube ko nang bigla namang may nagpatong ng bag sa tabi ko kaya napatingala ako at nakita ko naman yung Rhod na nakangiti sa akin.

"Good Morning." Hindi ko siya binati. Pinagpatuloy ko lang ang paglalaro ko nang bigla niyang inilapag sa harap ko ang isang Starbucks na kape kaya naman nagtaka.

Napakunot ang noo ko at tinignan ko siya ng Para-Saan-Ito Look. Mukha namang naintindihan niya kung anong ibig sabihin ng tingin ko kaya ngumiti siya saka siya nagsalita. "Wala. Gusto ko lang talagang mapatawad mo ako. Gusto kitang maging kaibigan."

Hindi ko pa rin inaalis yung ganung tingin ko sa kanya kaya napabuntong hininga siya. "Look... Gumising ako ng maaga para lang tanungin kung ano bang makaka-pagpasaya sayo--" I cut him off.

"You called Francis tapos sinabi niya na ito ang happiness ko? Itong kapeng 'to?!" Tinuro ko yung kape sa harap ko habang hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko sa kanya.

"Wait... Ito pa o..." Pinakita niya naman sa akin yung isang box ng J.CO doughnuts galing sa likod niya kaya nagningning nanaman ang mga mata ko. Gosh... Favorite ko 'to!!!

"Sorry... Okay na ba tayo?" Seryoso akong tumingin sa kanya tapos tumingin ulit ako sa box na hawak niya tapos tumingin naman ulit ako sa kanya.

"Sige na nga! Akin na yan!" Kinuha ko naman sa kanya yung.box saka ko binuksan at nilantakan ko kaagad. Shocks! Heaven!!!

"So... Bati na tayo?" Kumuha naman siya ng isang doughnut sa box pero bago pa niya makagatan, kinuha ko na sa kanya yun agad at pinalo yung isa niyang kamay.

"Bati lang tayo. Hindi ko sinabing agawan mo ako ng doughnut." I rolled my eyes tapos kinain ko naman yung inagaw niyabg doughnut sa akin. Natawa na lang ako sa isipan ko. Ang saya pala kapag may napapatawad kang tao?

-

Sorry at medyo natagalan!!! Nagkaroon kasi ng problema dito sa account ko eh. Anyways, papalitan ko na pala yung title! Any suggestions? Comment lang!

Twitter: @AmKimAlexandra
Ig: @kimalexandra999

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon