CHAPTER 14

32 5 1
                                    

Roderick's POV

Pagkatapos naming mag-usap ni Mariz sa phone, naligo na agad ako. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sila ng matagal.

After kong maligo, binilisan ko na talaga yung kilos ko dahil 9:30 na. Pagkatapos kong mag-ayos, nagdrive na agad ako papunta sa mall. Manonood daw kasi kami ng sine.

Habang nagmamaneho ako, naisipan kong tawagan si Lea at buti naman ay sinagot niya rin agad.

"Hi! Naistorbo ba kita?"

"Nope. Actually tatawagan na sana kita kaso nauna ka na."

"Ah... I'm on my way na pala. Nandyan na ako after 10 minutes."

"Okay we'll wait you. Hmmmm... Gusto mo bang kausapin muna si Mariz?"

Bahagya akong napangiti nung marinig ko yung pangalan niya kaya without any hesitation...

"Yes! Sure. Oo naman! Pero gusto ba niya?"

"Wait. Hold on."

Naghintay naman ako. Sanay naman na ako sa kanya. Kunyari ayaw akong kausapin tapos maya-maya siya pa yung dahilan kung bakit humahaba yung usapan namin. As usual, babae siya eh. Ano pa nga ba? Eh kahit naman ganun siya kumilos, alam ko pa ring may parte sa kanya na mananatiling may halong pagkababae.

After a minute, ayun sinagot rin niya.

"What?"

"Anong what ka dyan? Anong gusto mong panoorin?"

"Kahit ano. 'Wag lang romance ha? Saka oy! Bago ka magpakita sa akin, bumili ka ng doughnut! The usual order ok?"

I smiled a bit. Kelan ba 'to magsasawa sa kakakain ng dougnut? Napaka adik niya talaga.

"Opo, alam ko na po yan. Anong drinks gusto mo--" Bigla akong napatigil. Naalala ko na meron pa pala si Lea na kasama niya. "Niyo pala?"

"The usual din. Kaya bilisan mo dahil gutom na kami dito at gusto na naming manood!!!"

"Fine fine fine. See you later. I'll end this call na."

"Okay. Ingat sa pagdadrive!" I smiled again. Concern na pala siya sa akin ngayon.

"Tanga ka pa naman." Doon nabawi ang mga ngiti ko. Napasimangot na lang ako and I just shrugged tapos binabaan ko na siya.

Nagmadali na ako sa pagmamaneho at wala pa sa estimated time ko, nakarating na ako kaya naman dumiretso agad ako sa may J.CO at pagkapasok ko pa lang ay ngumiti na sa akin yung mga workers.

"Good Morning Sir Roderick!" Bati sa akin nung babae sa may counter kaya naman habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay ngumiti ako.

Kilala na kasi nila ako dito. Actually kaming tatlo nila Mariz at Lea. Palagi kasi kami dito kumakain. Halos nga kami yung costumer nila buong araw kapag wala kaming pasok. Kahit nagsasawa na kaming dalawa ni Lea, wala pa rin kaming magawa kasi nga dito lang talaga yung gusto ni Mariz.

"Ate, the same pa rin." Yan yung sinabi ko pagkasandal ko pa lang sa may counter tapos ngumiti ulit ako dun sa babae. Hindi ako nagpapacute. Hindi po talaga.

Inabot ko naman yung bayad ko sa babae tapos, "Sir, umupo muna kayo dyan habang hinihintay niyo yung order niyo."

Umupo naman ako dun sa table na malapit lang sa may counter. Habang nakaupo ako, nilalaro ko muna yung phone ko tapos bigla namang may kumausap sa akin.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon