CHAPTER 16

25 4 0
                                    

Mariz's POV

Nandito na kami ngayon sa food court at hinihintay naman ni Lea yung mga order namin. Medyo complicated yung pwesto namin kaya naman tinignan ko si Lea ng Palit-Tayo-Ng-Upuan Look at nagets siya naman kaagad kaya gumitna ako kanila Francis at Rhod kaya ang magkatabi naman ngayon eh sila Lea at Jessy. Mabuti na rin 'tong ganito para mabalaan ko si Jessy sa mga sasabihin niya. Mahirap na at hindi pa kami praktisado.

Tahimik lang kami. Walang nagsasalita hanggang sa basagin na ni Lea ang katahimikang pumapalibot sa amin.

"Uh... CR lang ako." Tumayo naman siya.

"Ako rin. Sabay na tayo." Tumayo rin naman si Jessy tapos sabay na silang naglakad papunta sa may comfort room kaya naman tatlo lang kami nila Rhod at Francis na natira.

"'Te, CR din ako." Tumango lang ako at hinayaan ko na siyang umalis.

Medyo lumayo ako sa kanya dahil sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa. Hindi talaga ako komportable kapag sobrang dikit na dikit na siya sa akin eh.

"Pinsan niyo ba talaga si Jessy?"

Biglang nanlamig ang mga kamay ko nung sinabi niya yun. Pinagpawisan ako kahit airconditioned naman dito at lumakas.na lang ang tibok ng puso ko kahit hindi naman ako pagod.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakita ko namang siyang nakatingin din sa akin na naghihintay ng sagot.

"Ha? O-oo!" I know, I lied. "Oo naman. Pinsan ko siya. Sa mother side. Pero si Lea, tinuturing niya na ring pinsan si Jessy. Alam mo naman yun, friendly." I gave him my most hypocrite smile. Ugh... Hindi ko na kaya 'to. Patawarin Niyo po sana ako kung nagsisinungaling ako sa Inyo.

"So ngayon lang nagkita at nagkakilala sila Jessy at Francis, ganun?" Nakatingin pa rin siya sa akin habang ako ay pigil na pigil sa pagpunas ng pawis na pumapatak sa akin.

"O-oo." Tumingin na lang ako sa ibang direksyon at pasimple kong pinunasan yung pawis na nasa noo ko. Bigla na lamang akong nagulat nung hawakan ni Rhod yung leeg ko.

"Ba't sobrang lamig mo? Tapos ba't ka pinagpapawisan? Ok ka lang ba?" Hindi ko pa rin siya nililingon. Nahihiya kasi ako dahil nagsinungaling ako sa kanya. Mabigat para sa akin yung mga sinabi at ginawa ko pero I have no choice.

Tinanggal ko na lang yung kamay niya sa akin nang hindi pa rin lumilingon sa kanya. "Wala. Wala 'to. Pagod lang ak-ko."

Biglang lumabo ang paningin ko hanggang sa maramdaman ko na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko. Sh*t. Ano 'tong nangyayari sa akin? Ganito ba talaga kabigat yung kasalanan ko sa kanya?

"Umiiyak ka ba?" Hinawakan niya yung balikat ko pero hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Ugh... Ano ba kasing nangyayari sa akin at ba't ko 'to iniiyakan?

"Excuse me lang." Tumayo naman ako at hinayaan ko siyang nag-iisa sa table.

Naglakad ako papalayo sa may table pero bago pa man ako tuluyang makalayo, nakasalubong ko na si Lea at bigla niya namang napansin yung basa kong mata kaya naman hinarangan niya yung daan ko.

"Anong nangyayari sayo?" Kunot-noo niyang tanong sa akin tapos nagkibit-balikat siya kaya naman pinunasan ko agad yung mga mata ko bago ko siya sagutin.

"Let's talk later. Punta lang ako sa CR. Wait niyo ako ha?" Pinilit kong ngumiti kahit na hirap ako. Ayaw kong nakikita niya akong mahina dahil sa bagay na ako rin naman ang nagsimula.

Isang araw na puro kasinungalingan ang binigay ko sa kanya pero sobrang bigat na yun sa kalooban ko. Ewan ko pero ngayon lang talaga ako nagkaganito. Hindi ko dapat 'to nararamdaman eh. Hindi dapat ako maging iyakin. Ayaw kong maging lampa.sa harap ng iba lalo na sa mga lalake. Hindi dapat. Hindi.

Jessy's POV

"Jess, sorry ha? Hindi ko na lang sana sinama si Rhod para hindi ka nahihirapan. Tapos meron pa si Francis. Tsk. I'm really sorry Jess." Yan ang sinabi sa akin ni Lea pagkapasok pa lang namin sa CR.

"Ok lang. Ngayong araw lang naman na 'to eh." Ngumiti ako ng tipid sa kanya tapos nilabas ko na sa bag ko yung pulbos ko.

"Sigh... Sorry talaga ha? 'Di bali, next time kayong dalawa na lang ni Mariz ang lalabas. Hindi na namin sisirain yung time niyo, promise." Nagpout siya kaya naman napatawa na lang ako. Ang isip-bata talaga niya o.

"Oo na. Kung gusto mo kasi makasama si Rhod, dapat wala si Mariz. Yan tuloy, 'di mo siya nasolo." Patuloy ako sa pag-aayos habang siya naman eh nakatingin lang sa akin.

"Tss... Ewan ko sayo! Sige na. Una na ako ha? Sunod ka na lang." Tinapik niya yung balikat ko at tumango lang ako tapos umalis na siya sa CR.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko, yumuko na ako sa harap ng salamin. I clenched my fist tapos mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

"Hindi niya dapat malaman. Hindi. Hindi."

"Anong hindi dapat malaman?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita and I saw Francis' reflection on the mirror. I was stunned. Really. Really. Stunned.

Francis' POV

Habang naglalakad ako papunta sa CR ay nakita ko naman si Lea na lumabas sa CR ng mga girls kaya yumuko naman ako. Baka sabihin niya kasing sinusundan ko siya.

Nung makita kong malayo na siya, dumiretso na ako sa dapat kong puntahan pero bago pa man ako makapasok, may narinig akong nagsalita sa loob ng CR ng girls.

"Hindi niya dapat malaman. Hindi. Hindi."

Boses yun nung Jessy kaya naman hindi ako nagdalawang isip.na buksan yung pinto nila at nakita ko namang nakayuko siya sa harap ng salamin.

"Anong hindi dapat malaman?" She looked at the mirror with her undescribable expression.

Pumasok ako at nilapitan ko siya. "Anong yun? Anong bagay yun?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at nakikita ko sa mukha niya ang kaba. Gulat na gulat yata siya at parang ayaw niyang ipaalam sa akin yung bagay na yun.

"Ba't parang takot na takot ka?" Mas lumapit pa ako sa kanya at nakitkita ko na nanginginig na siya kaya naman medyo lumayo rin ako. Baka pag-isipan niya pa ako ng masama. Mahirap na.

"Sorry. Sige. Alis na ako." Naglakad na ako papalayo sa kanya pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung sinabi niya. Pati yata ihi ko napaurong na dahil sa kakaisip ko kaya dumiretso na ako sa table namin.

Habang papalapit ako ay napansin ko na wala si Ate Mariz sa table kaya naman tumingin-tingin ako sa paligid at nagbabakasakali na baka kinuha niya lang yung order namin pero wala siya.

Nung makarating ako sa table namin ay agad kong tinanong silang dalawa.

"Nasan si Ate?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanilang dalawa. Walang sumagot sa kanila kaya naman mas lalo akong nagtaka.

"Kuya?" Tumingin siya sa akin pero yumuko lang siya.

"Umupo ka na lang." Napalingon ako kay Lea kaya wala na akong nagawa kundi at sinunod ko siya.

Ang weird nila ngayon grabe. Hindi ko sila maintindihan.

---------------------

Cliff hanger here! Srry. Bawi ako next time. Alam kong sabaw yung chapter na 'to. Sa linggo na ulit yung update!

Ig: kimalexandra999
Twitter: AmKimAlexandra

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon