CHAPTER 2

72 4 0
                                    

Roderick's POV

I can't take away the smile that is on my lips. Until now yung babae pa rin kanina ang nasa isip ko. She's damn beautiful! Her pointed nose... Flawless skin... Rosy cheeks... And her soft and reddish lips... My goodness gracious! Uulitin ko. Ang ganda niya!

Pero sayang nga lang dahil mukhang may sayad siya kaya naisipan niyang magpakamatay. Halata din sa kanya na tomboy siya eh. Tsk...

Anyways... I'm Roderick Cristobal but people call me Rhod. I'm 17 years old and to be honest, buong buhay ko lagi na lang akong hinahabol ng mga nagkakandarapa sa akin. Hindi naman sa nagmamayabang pero marami na rin kasing nagsasabing gwapo ako eh and those bunch of people following me is just a proof that I'm not lying.

Gwapo ako pero hindi ko pa nasusubukang magkaroon ng girlfriend. I'm just waiting for the right person to come. Nakakabakla ano but I'm not like the other boys na ginagamit yung mukha nila para lang mapaglaruan nila yung mga nagkakagusto sa kanila. Mataas kasi ang respeto ko sa babae. Siguro dahil Mama's boy ako?

Simula kasi pagkabata, my Mom was the one who's at my side. Our dad died because of brain tumor when I was only 10 years old kaya si Mom ang tumayo na Nanay at Tatay sa aming 3 magkakapatid.

Pangalawa ako sa amin. Yung panganay ay babae. Nasa ibang bansa siya. Dun na siya kumuha ng masteral's degree niya sa business pero soon, she'll go home dahil matatapos na yung 5 years na pag-aaral niya at siya na rin yung magmamanage ng kompanya namin. It's a wine company. Yung bunso naman ay 8 years old. She was only 1 year old ng mamatay si Dad.

Well... Siguro naman alam niyo na kung bakit 'di ba? Sa pamilya namin ay puro babae pero hindi ako bakla. Alam ko lang kasi yung pakiramdam kung paano masaktan ang mga babae especially my Ate. Nakita ko kung paano siya nasaktan nung ex niya. Ako yung nagsilbing taga-comfort niya and until now, hindi pa rin siya nakakamove-on sa lalakeng yun. She's still hoping that someday, babalikan siya nung lalake.

Pero kung iniisip niyo pa rin hanggang ngayon yung nangyari kanina, hindi ko yun ginusto. Ang gusto ko lang naman e pigilan siya sa kung anong gusto niyang mangyari pero nung makita ko na mahuhulog na siya, hindi na ako nagdalawang isip pa na hawakan yung kamay niya at ilayo siya sa dulo ng tulay at hindi ko rin naman ginusto na siya ang makauna sa akin.

Yeah... Tama kayo ng pagkakabasa. She's my first kiss. Weird right? Hindi ko pa kilala yung nakauna sa akin. Pero ok na rin. Maganda naman eh. Suplada nga lang. Pero ano pa bang in-eexpect ko e tomboy nga and besides, sino ba naman ang hindi magsusupladang babae kapag ang nakahalik sa kanya eh hindi niya kilala 'di ba? Of course she'll freak out.

I hope makita ko pa yung babaeng yun. Hindi dahil gusto kong makahirit ng isa pang halik pero gusto kong magsorry sa kanya. Ayaw ko kasing tumatak sa isip niya na manyakis ako. Pero..Magkikita pa kaya kami?

Mariz's POV

"Saan ka nagpunta?" Nakakibit-balikat si Mama na bumungad sa akin at nakataas naman yung isa niyang kilay. Tss.. Magtatanong pa eh alam na nga lang niya.

"Sabi ko sayo hindi matutuloy yang pagpapakamatay mo eh. Magkaka-apo muna ako sa talampakan bago yan mangyari anak." Ngumiti siya ng nakakaloka na para bang alam niya yung nangyari kanina sa akin... Yung ano... Yung... Argh! Hindi pwede!!!

Bigla namang tumawa yung kapatid ko kaya kumunot naman ang noo ko. Seriously? Ganyan na ba talaga kalala ang kapatid ko at ganyan na lang siya kung makatawa? Weird...

"What again Christian?" I crossed my arms then I raised my right eyebrow tapos tumawa nanaman siya at nakipag-apir na siya kay Mama. Aba aba! May depekto na rin si Mama! Mag-ina nga talaga sila.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon