CHAPTER 3

70 4 5
                                    

Mariz's POV

"Mariz, ready ka na?" Kumatok si Mama sa kwarto kaya naman nagtungo ako sa may pintuan at binuksan ito. Nakita ko siya na naka-shades na may suot na red scarf tapos buhat niya yung Gucci bag niya. Hay... Ang ganda niya. Bakit pa siya pinakawa-- Okay nevermind.

She waived her hand in front of my face kaya naman bumilik ako sa sarili kong katinuan. "Ready?" Tumango lang ako saka naglakad ako papunta sa kama ko para kunin yung maleta ko tapos sabay naman na kaming naglakad pababa.

Nakita ko naman si Christian pagbaba namin na naka gray v-neck tapos black jeans at rubber shoes. Itong isa rin eh... Gwapo na sana kapag tititigan mo pero kapag naka-usap mo na, magugulat ka na lang dahil boses palaka siya.

Tsk... Kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko! Baka mamaya mahilo pa ako sa biyahe eh...

Sumakay naman na kami sa van namin. Si Mama ang nagdadrive habang kaming dalawa ni Christian ay magkatabi sa may paseenger's seat. Tahimik lang kami ng bigla namang mag-over take si Mama kaya napamura kaming dalawa ni Christian sa gulat.

"Sh*t," sabay na sigaw namin ni Christian. Napatingin kami sa harap at nakita namin na may kotseng humarang sa daan kaya naman nag-init ang ulo ko kahit hindi ako yung nagdadrive.

Lalabas na sana ng van si Mama kaso pinigilan ko siya. "Ako na." Mukha namang kasing ka-edaran ko lang yung driver dahil sa gamit niyang kotse na pang-racing. Familliar nga yung kotse kaya siguro ay isa na 'to sa mga natalo ko sa racing.

Bumaba ako sa van at bumaba rin naman ang driver nito na may suot pang shades. "Pwede bang ayusin mo yung papatakbo mo?!" Inangasan naman ang pagkakasabi ko. Well... As a professional racer slash driver, alam kong isa 'to sa mga tarantadong nandaraya para lang manalo sa karera eh. Huh... Humanda siya. Hindi niya yata alam kung sinong kinakalaban niya.

Tinanggal niya ang shades niya kaya naman laking gulat ko ng makita ko siya. What the?!!! Ito yung manyakis na humalik sa akin ha!

Roderick's POV

Papunta na sana ako sa lugar kung saan ako mag-aaral kaso.napansin ko naman na may nakalimutan ako. Damn! Sa dinami-rami pwedeng makalimutan yung reservation form ko pa! Argh... Tanga naman o!

Nag-U turn na ako pero I didn't expect na may mahaharang pala akong van. Holy crap. I'm dead.

Bumaba naman sa passenger's seat ang isang pamilyar na tao kaya bumaba naman na rin akobsa kotse ko and to my surprise... Siya nga. Siya yung babaeng niligtas ko sa pagpapakamatay sa may ilog.

"Y-you?!!!" Sigaw niya. She freaked out when I took off my shades. I just can't help but to smile. I thought hindi ko na siya makikita. God is good. Pinagtagpo niya ulit kami and this time, I want to take this opportunity to say sorry for what I've made the last time that we encountered.

"Ikaw yung babae sa may ilog 'di ba?" I said in disbelief but the smile that is plastered on my face is still there.

"Walang hiya ka! May balak ka pang magpakita sa akin matapos mong gawin sa akin yun?! Hayuuuup!" Sasapakin na sana niya ako kaso naka-ilag naman ako. Wow... Amazona pala 'to.

"Chill miss. I just wanna say sorry for what happened last time. I didn't mean that scenario. That was just an accident. All I want was to save you. Sorry... Sorry." Yumuko ako para maramdaman niyang sincere ako nang bigla niyang i-angat ang mukha.

*BOOOOOGHS* Fvck shit?! What was that punch for?!!! I already ask for forgiveness tapos... Imbes na IT'S OK ang matatanggap ko, suntok pa?! Anong klaseng nilalang 'to?!

"Why did you do that?!" Hawak-hawak ko yung gilid ng labi ko na sinuntok niya. She just smirked tapos pumasok na siya sa van na sinasakyan niya habang ako ay naiwang nakatayo sa may daan hanggang sa maka-alis sila.

Seriously?! Ganun na lang yun? Pagkatapos kong magsorry, iiwan niya lang ako ditong lutang na may souvenier pang pasa? Wow! What a great gift! She's so impossible!

AT THE MANSION...

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay bumungad na sa akin ang sermon ng Mom ko. "What are you doing here? You're supposed to be back on December!"

"I forgot my reservation form Mom." Naglakad lang ako nang naglakad pero Mom suddenly pull me. Siguro napansin niyq yung pasa sa gilid ng labi ko. Hay... Here comes the O.P. (Over-Protective) Mom again...

"What happened to you? Nakipagsuntukan ka?! Oh my gosh anak! Kelan ka pa natutong makipag-away?!!!" I cut her off. Ugh... It's annoying...

"No Mom. Hindi ako nakipagsuntukan. It was just because of a.girl." Mom's jaw dropped at she's like... IT'S A MIRACLE!

"May girlfriend ka na?!!!" She crossed her arms and raised her brow. Tss... That face. I just shrugged.

"C'mon Son! I'm your Mom! Torrid ba masyado ang halikan niyo kaya ka nagka--" I cut her sentence. My goodness gracious! Bakit ba ganyan na lang ka-green mag-isip si Mom? Parang hindi ko.naman talaga siya nanay...

"Mom! Hindi ganun. Hindi," iritang sabi ko kaya naman napakamot na lang ako ng ulo. Tsk... Pano ko ba sasabihin na may nahalikan na ako at yun ang dahilan kung bakit may pasa ako ngayon? Ugh...

"Then what happened?" Naghihintay lang siya ng isasagot ko. Huminga na lang ako ng malalim saka ko kwinento sa kanya.lahat ng nangyari. Habang nagkukwento naman ako, hindi maalis sa labi niya yung ngiti. Like seriously? Masaya pa talaga siya na nasuntok ako dahil lang sa halik ha?

"You should find that girl anak. I think kaya nagkatagpo ulit kayo dahil baka siya na ang the one mo!!!" Pinalo naman niya ako tapos tumingin na lang sa kawalan na pumapalakpak at tunatawa. Tss... She's crazy...

"Ewan ko sayo Ma!" Naglakad na ulit ako papunta sa kwarto ko at iniwan ko naman siya sa may hagdan.na nagpapantasya. Tss... Kung ano-ano kasing sinasabi eh.

Mariz's POV

Pinaandar naman ni Mama agad yung van pagkapasok ko. Nakakaimbyerna lang yung lalakeng yun! Hanggang sa pagpunta ko pa ba naman sa Baguio mang-iinis pa rin siya?!!! Hay!!! Kulang pa talaga yung ginawa ko sa kanya kanina! Kung alam ko lang na makikita ko siya e di sana nakapagbaon ako ng asido!

"Anak, pamilyar yung lalakeng yun ha." Tinignan ko lang siya sa may salamin then I rolled my eyes. Tss... Malamang kapag nalaman niya na yun yung humalik sa akin eh asarin nanaman niya ako lalo na 'tong baklang katabi ko.

"Mama! Familliar kasi nga yun yung first kiss ni Ate!" Mapapamura na sana ako ng malutong pero pinigilan ko ang sarili ko. Patience Mariz... Patience... Hindi ka dapat magpadala sa pang-iinis ng kapatid mo dahil mamimihasa kang lumaban. Baka 'pag nasanay ako at teacher na ako eh makapatay pa ako ng bata at makasuhan ni child abuse at murder. Hoho... 'Wag naman sana.

"Anak, totoo ba yung sinabi ng kapatid mo?" Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa may bintana at nagkunwari na lang ako na wala akong naririnig.

"Aba Mariz! Gwapo naman yung lalake ha! Ba't mo naman yun sinapak? Hindi ba siya marunong humalik o baka nabitin ka lang kaya ganun?" Anak ng adobong kalabasa! Ganun na ba ako.kalandi sa paningin ni Mama at ultimo halik ng isang manyakis na lalake pag-iinteresan ko?!!! Waaaaah!!!

Hindi ko na talaga masikmura yung mga sinasabi nila! Iritang-irita na talaga ako kaya sinaksak ko sa tenga ko yung earphones ko at nakinig na lang ng music. Bahala silang dumada dyan. Wala akong pake kung maubusan sila ng laway.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog. Mamamasyal pa.kasi ako mamaya pagkarating namin sa Baguio.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon