CHAPTER 15

28 4 0
                                    

Jessy's POV

Tapos na kaming manood kaya nandito kami ngayon sa may Toy Kingdom. Gusto raw kasing bumili ni Lea ng mga Minion stuffs kaya sinamahan namin siya. Actually ako lang talaga dahil nasa mga kotse-kotseng laruan sila Rhod at Mariz.

Sigh... Ang close talaga nila sa isa't isa. Totoo nga yung sinasabi ni Lea na parang may sarili silang mundo kung magkasama sila. Nagtataka nga ako kung bakit hindi.nagseselos si Lea kahit na alam ganyan sila kumilos. Ang laki ng tiwala niya na hindi ma-fafall si Rhod kay Mariz eh.

Sa totoo lang, ngayon pa lang kinakabahan na ako dahil unti-unti nang napapalayo sa akin si Mariz. Hindi naman talaga kami ganun ka-sweet dati pero mas lalo yatang lumala ngayong meron na si Rhod.

"Pst. Jess! Ba't ka nakatulala sa kanilang dalawa?" Lumingon naman ako kay Lea na may hawak na malaking Minion na stuff toy.

"Wala ka ba talagang balak bakuran yang si Rhod?" Napalingon ulit ako sa kanilang dalawa na busy'ng busy sa paglalaro sa mga kotseng nakadisplay.

"Bakuran? Kanino naman? Kay Mariz?" Tumingin ako sa kanya at tumango lang ako tapos nagsmirk naman siya.

"Jess, kilala mo si Mariz. Ayaw niya sa mga lalake 'di ba? Saka yang si Rhod, alam niya ang limitasyon niya. Alam niya kung kanino at kailang siya mahuhulog sa isang tao. Ganyan lang talaga sila kapag magkasama. Walang malisya kahit inuman pa nilang dalawa yung iisang straw dahil magkaibigan sila. Catch mo?" Tinapik niya na lang yung likod ko tapos naglakad na siya papunta sa cashier.

Sinundan ko siya pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung sinabi niya. Pano kung sa isang iglap, magbago na lang lahat ng kung ano siya ngayon? Paano kung biglang bumaliktad ang mundo at marealize niya na unti-unti na pala siyang nagbabago? Kasi ako ramdam na ramdam ko na ngayon pa lang. Ibang iba na na siya sa Mariz na nakilala ko noon. Ang laki nang pinagbago niya.

Mariz's POV

Kanina ko pa napapansin na kakaiba yung kinikilos ni Jessy. Ang tahimik niya tapos mukhang wala pa siya sa sarili niya. Kaninang nasa bahay kami hindi naman siya ganyan.

"Mariz, tignan mo 'tong remote control o. Ang astig. Hahahahahahahaha!" Lumingon naman ako kay Rhod at nakita kong may hawak siyang box ng isang helicopter na remote control.

"Patingin nga." Hinablot ko sa kanya yung box tapos hinanap ko naman tag price. Nanlako na lang ang mga mata ko nung makita kong presyong ginto yung hawak ko kaya naman binigay ko agad yung laruan kay Rhod.

"Ba't parang gulat ka?" Tinignan niya naman yung tag pero tinaas niya lang yung kilay niya at para bang pinapahiwatig niya sa tingin niya dun sa laruan na bibilhin niya yun.

Kumuha ulit siya ng isa pang box na ganun. "Tara, bayaran na natin." Bigla niya naman akong hinila kaya nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?! Eh 10k ang halaga ng isa 'nun eh! Aanhin niya naman yun? At dalawa pa ha!

"Teka nga teka nga." Binawi ko ang kamay ko sa kanya kaya naman tumigil siya.

"Seryoso ka bang bibilhin mo yan?" Nagkibit-balikat ako tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo. Sa tingin mo ba nagloloko 'tong mukhang 'to?" Tinuro niya naman yung mukha niya kaya naman napakunot ako ng noo.

"Anong gagawin mo dyan?" Nginuso ko naman yung dalawang box na dala niya tapos ngumisi siya.

"Lalaruin natin ano ka ba! Kaya tara na! Ako nang magbabayad para sayo." Wala na akong nagawa nung hinila niya ako papunta dun sa may cashier. Napailing na lang ako habang binibilang niya yung mahigit 20k na pera niya sa wallet niya. Tss... Ang gastos niya talaga. Akala mo naman tinatae niya lang yung pera niya.

"Huy..." Napalingon naman ako tapos nakita ko si Lea sa likod ko na may hawak na malaking Minion stuff toy.

"Bumili rin kayo?" Nginuso niya naman si Rhod na hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin. Umirap na lang ako tapos nagkibit-balikat ulit.

"O... Ano? Tara na?" Napalingon naman kaming dalawa ni Lea kay Rhod tapos nakita ko namang hawak-hawak na niya yung 'laruan daw namin'.

"Saglit si Jessy pa pala." Pinahawak naman sa akin ni Lea yung ubod ng laki niyang stuff toy tapos hinila niya naman si Jessy na busy sa pakikipag-usap sa isang lalake sa labas ng Toy Kingdom.

Inaninag ko kung sino yung kausap niya dahil mukhang pamilyar eh. Lumapit ako ng konti kung nasaan siya at nakita ko namang si....

SI FRANCIS YUNG KAUSAP NIYA!

Nagmadali akong lumapit sa kanilang tatlo dahil kitang-kita ko.sa mukha ni Lea ang gulat. Ugh... Hindi 'to pwede. Pano na lang kung malaman niya yung tungkol kay Jessy? Baka isumbong niya ako sa angkan namin! Si Lea lang naman kasi ang nakakaalam ng tungkol sa aming dalawa eh!

"Francis!" Kumaway ako sa kanya kaya naman napalingon siya sa akin ng may malaking ngiti. Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na agad siya papalayo sa kanilang dalawa at nung medyo malayo na kami sa kanila ay pinakawalan ko na siya.

Hingal na hingal ako kaya nagpahinga muna ako ng saglit bago ako magsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya nung makabawi ako.

"Namamasyal. Eh teka nga lang Ate. Bakit mo ba ako hinila? Kinakausap ko pa yung babaeng yun eh." Kumunot ang noo niya tapos nilagay niya yung dalawang kamay niya sa bulsa niya.

"Ha? Ah eh... Wala! Hehe... Ano. Namiss lang kita. Kamusta ka na? Tagal nating hindi nagkita ha!" Tinapik ko naman yung balikat niya at ngumiti ako ng alanganin.

Tinaasan niya naman ako ng kilay bago siya magsalita. "Ate, kakakita lang natin ng isa't isa noong isang araw sa office ni Daddy, remember? Ano bang pinagsasasabi mo?"

Pinilit ko pa rin namang ngumiti kahit na halatang nagsisinungaling na ako dito. Ugh... I'm not a good liar tho.

"Hehe... Syempre nung isang araw pa yun! Matagal na rin yun noh! Haha! Ha. Ha." Hinigpitan ko pa ng hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay nung Minion na hawak ko at agad naman niyang napansin ito.

"Bumibili ka na ng mga ganyang bagay?" Tinuro niya yung hawak ko at halata naman sa boses niya na nang aasar siya kaya naman medyo nainis ako pero pinilit ko pa ring ngumiti kahit na alam kong ano mang oras sasabog na ako.

"Hindi. Kay Lea 'to. Pinabuhat lang. Ha. Ha. Ha. Pero teka nga lang... Bakit mo kausap yung babaeng yun kanina?" Nagkibit-balikat naman ako tapos tinignan niya ako ng Bakit-Mo-Tinatanong-Yan Look.

"Nabangga niya kasi ako eh. May kinakausap yata sa phone niya kaso lang bigla niya akong nabangga kaya ayun. Nagalit ako kaya sinabihan ko siya" Nanlaki naman ang mga mata ko. Gusto ko sanang tanungin kung ano yung sinabi niya kay Jessy kaso baka mahalata ako kaya mas pinili kong itikom ang bibig ko sa mga sinabi niya.

"Ikaw Ate? Anong ginagawa mo dito? Kasama niyo rin ba ni Lea si Kuya Rhod?"

"Ha? Oo. Eh! Sige na nga! Umuwi ka na! Nagsasawa na ako.sa mukha mo!" Tinulak ko na siya papalayo kaso masyado siyang malaki kaya parang yung sarili ko ang tinutulak ko.

"You're acting weird Ate. Kanina sinabi mong namimiss mo ako tapos ngayon naman nagsasawa ka na sa mukha ko? C'mon Ate. Stop pushing me away. Ano bang meron, ha?" Tinanggal niya ang mga kamay ko sa balikat niya kaya naman napatingala na lang ako sa kanya.

"Ugh... Sige na nga. Tara na. Sama ka na lang sa aming kumain. Basta 'wag kang iimik kapag may tinanong sayo si Rhod ha? Tandaan mo yan. Wala kang sasabihing kahit ano. Okay ba?" Hinawakan ko ang kuwelyo niya. I saw him gulped tapos tumango naman siya kaya pinakawalan ko na.

Sabay kaming naglakad papunta kanila Lea, Jessy at Rhod na nasa labas na ng Toy Kingdom. Nung makalapit kami ay agad ko namang hinila si Jessy.

"Pinsan namin siya Jess. Mag-ingat ka. 'Wag kang pahalata." Yan ang bulong ko sa kanya at pagkatapos 'nun ay pinakawalan ko na siya tapos binigay ko na kay Rhod yung buhat-buhat kong stuff toy at naglakad na kami papunta sa food court.

---------------------------

Okay I made it. Hahahahahahh! Mag-uupdate ulit ako ngayong week mga pare! Wait lang!
Ig: kimalexandra999
Twitter: AmKimAlexandra

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon