12 | Nodo d'amore, per sempre

4 1 0
                                    

Love Knot, For Forever

---

Jescelle's POV

I'M only 16 and Caasi, 17. So although kasal na kami, hindi muna kami magsasama at magse—hashtag censored. Bawal muna nga ang kiss, eh, kahit church kiss o smack lang. Ipinagbawal kasi ni Papa. Doon daw kasi nag-i-start ang hashtag censored. Marurupok pa naman daw kaming mga kabataan. Pumayag naman agad ang Lolo Asi (rolling eyeballs).

Anyway, gagawin namin ang ginagawa ng mag-asawa kapag ready na kami. Kapag nakatapos na kami ng pag-aaral at kaya nang magpalaki ng bata (turo sa sarili).

Saka gusto muna naming ma-experience ang maging mag-GF at BF at gawin ang mga bagay na hindi pa namin nagagawa. We would like to enjoy our youth and challenge ourselves because we will settle down after. We will build a family at magiging sandigan din kami ng sosyedad. At kahit magkasama kami halos buong buhay namin (counted ang presence in spirit, sa puso at isip), marami pa kaming hindi alam sa isa't isa. We want to continuously fall in love with each other sa kung ano kami on our own at kung nagiging sino kami kapag magkasama.

Taympers. Nag-video chat na ang asawa ko. Yie, asawa.

Nasa Italy nga pala siya ngayon para ituloy ang pag-aaral at para pag-aralan ang pagma-manage ng negosyo nila. Ako naman nandito sa Pilipinas para ituloy ang studies ko. Sa bakasyon na ulit kami magkikita at uh, kapag may okasyon like birthday ko o nila Mama o kaya Valentine's o kapag naiiyak na ako sa sobrang pagka-miss sa kanya.

Sa screen, ngumiti sa akin si Asi at kumaway.

"Quiet time na tayo, Patatina" sabi niya gamit ang endearment na naisip niya para sa akin na ang ibig sabihin ay 'little potato.' Nalaman niya kasing isa akong patatas o avid reader ng Whatpad writer na si Philosophertasha.

We reached for our Bible to continue reading the verse from where we left at, bow our heads and say our prayers. Pagkatapos naming magdasal, inilapat niya ang dalawang daliri sa mga labi pagkatapos ay idinikit sa screen. Idinikit ko ang dalawang daliri ko roon at mabilis ko namang inilapat sa aking mga labi.

Tam-is! And that is our secret sweet kiss hihi.

"Buona notte, Patatina," good night niya sa akin. "Ti amo," pahabol niya pa at nag-heart finger sa screen. Kumislap sa ring finger niya ang knot ring namin.

Kumunot ang ilong ko. Kinikilig ako pero hindi ko pa rin alam minsan kung paano ipakikita ang kilig.

"Nighty! Labyu, Topo," mabilis kong paalam gamit ang endermeant ko sa kanyang 'topo' mula sa 'topolino' o 'little mouse.' Ang keso niya kasi haha. Pero yie. Kinikilig talaga ako. Ang guwapo at ang sweet kasi ng asawa ko.

Hays. Sana mag-eighteen na ako para magkatabi na kami sa pagtulog gaya no'ng maliliit kami at yakap namin ang isa't isa sa pagpikit.

Kinuha ko ang 24-inch grey wolf plush toy na binigay niya on the day of his departure. Pinindot ko ang nguso noon at pumailanglang ang boses niya na kumakanta ng "O Sole Mio" o "My Sunshine." Kasi raw I am his sun and he is my summer. Yie.

Niyakap ko ang wolf at pumikit with Asi being the last person on my mind. Dahil doon, a contented smile formed my lips. Masarap na naman ang tulog ko ngayong gabi.

♪ Ma n'atu sole, cchiu' bello, oi ne'
(But no other sunshine surely has such grace)

'O sole mio, sta 'nfronte a te!
(The sunshine of mine is your bright face!)

'O sole, 'o sole mio
(My sunshine, Oh, sunshine of mine)

sta 'nfronte a te!
(It is your face!)

sta 'nfronte a te!
(It is your face!)


la fine












"Love Knots" | 20190505

A SUMMER LOVE FOR YOU (Summer Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon