9 | Un nodo a non

72 5 2
                                    

A Knot to Not

---

CAASI went up to his room after arriving at their castle house. The Petonios and Attorney Balsano, the family lawyer, and his wife Michaela looked after the guests. It was already pink of dawn when the last of the guests left.

"We'll also take our leave. I'll be back tomorrow to read the will," paalam ni Attorney Balsano kasama ang asawa.

"Make it a month, Paul. I want Asi to rest well before anything," ani Ruth.

"Va bene," sagot nito.

"Grazie. E Michaela," bumaling si Ruth sa ginang at niyakap ito bilang pamamaalam.

"Take care of Asi, per favore," pakiusap ni Michaela at suminghot. "Povero ragazzo," malungkot na anito at naiyak muli. Naiiyak ito tuwing maaalala ang kaawa-awang binatilyo dahil iniwan nang nag-iisa ng mga magulang, ang mag-asawang Belmundo na nakasama sa mga nasawi sa bumagsak na eroplano pabalik sa Italya mula sa business trip sa Tsina.

"Sì, sì," sagot ni Ruth at muling kinalma ang ginang habang pinipigil pumatak ang sariling mga luha.

Iginiya ni Attorney Balsano ang asawa palabas at nagpaalam na bago pa muling dumanak ang mga luha. "Ciao."

And after a long, tiring and grief-stricken day natahimik muli ang tirahan ng mga Belmundo.

"Kumusta si Asi?" tanong ni Tim sa asawa, naghuhugas ito ng mga pinaglutuan sa kusina.

"Natutulog no'ng dalhan ko kanina ng meryenda. Hinayaan ko muna pero sabi ko kay Jescelle samahan at pakainin pagkagising. Teka. Celle!" tawag niya sa anak. Nakailang ulit siya ng tawag ngunit hindi ito sumasagot kaya tinawagan na sa cellphone.

"Nasa'n ka ba?"

"Nandito po sa taas. Sabi mo bantayan ko."

"Good. Wait, dadalan ko kayo ng dinner."

Pagdating sa ikatlong palapag, naratnan ni Ruth ang anak na nakaupo sa labas ng kuwarto ni Caasi. Nakasandal ito sa dingding at nagbabasa ng Whatpad.

"Anong ginagawa mo d'yan? Ano 'yang—'Nak naman. Puwede bang tigilan mo muna 'yang Whatpad na 'yan. May patay tayo, oh. Saka ba't 'di ka pumasok sa loob?"

"Ayoko nga. Susungitan na naman ako ng mayabang na 'yon."

"Huy, 'Nak, ano ba? Be considerate naman. Kamamatay lang ng Tita Tasha at Tito Adrian mo, 'di ba?"

"I know. Kaya nga dito na lang ako. Ayoko siyang awayin because he's grieving."

"Ba't mo naman aawayin? Ang bait-bait ng tao sa 'yo—"

"Dati 'yon."

"Anong dati?"

"Basta. Sabi mo naman samahan ko lang, 'di ba?"

"Eh, anong silbi mo d'yan may pader na nakapagitan sa inyo? Hay, naku. Oh, ayan," ipinasa ni Ruth sa anak ang tray ng pagkain. "Ihatid mo 'yan sa kanya. And make sure na kakain siya, 'kay?"

"Muuuh," pigil-gigil niyang sabi.

"Papasok din ako. Kukumustahin ko rin siya, 'kay na? Tumayo ka na d'yan."

Pagpasok sa loob, tumabi si Ruth sa binatilyong nakadapa sa higaan. Nakapikit ito at may nakasalpak na headset sa mga tainga. Marahan niyang inalis ang headset sa ulo nito pero bago iyon tuluyang maalis ay marahas na tinabig nito ang kamay niya.

"Didn't I tell you—Oh, zia," gulat na ani Asi, agad naglaho ang galit.

"Yes, 'Nak. Ako 'to. Hindi kung sinong impakta." Hinaplos ni Ruth ang pisngi ni Asi. "Mag-dinner ka muna bago ka ulit matulog. Hindi ka kumain kanina." Nakita niya kasing hindi nagalaw ang hinatid na meryenda.

A SUMMER LOVE FOR YOU (Summer Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon