Sa umagang kay ganda may nakaabang na masaya o masalimuot na pangyayari. Walang nakakaalam kung ano ang maaring mangyari sa loob ng isang araw. Maaring trahedya, kasiyahan o kalungkutan.
Sa mundo na punong puno ng kahiwagaan, may iba't ibang pangyayaring hahangaan. Sa bawat oras, minuto o segundo, ang mga kaganapan ay nakatakda na.Isang trahedya ang nangyari sa buhay ko. Sa bawat pag mulat ng aking mga mata, kaba ang aking nadarama. Ako si Zia Angelina Fuentes, ang batang nadakip ng mga sindikato at nauwi ang buhay sa malagim na pangyayari.
Isang araw, papauwi na ako sa aming tahanan, walang kaalam alam sa maaaring mangyari. Nakararamdam ng kaba, at takot habang nag lalakad sa may tabing eskenita. Nabigla na lamang ako nang may nag takip sa aking bibig at ilong, nag pumiglas ako ngunit huli na. Nalanghap ko na ang isang nakakasulasok na amoy, kaya't unti-unting nawala ang aking kamalayan.
Di ko alam kung ilang oras o minuto ako walang malay ngunit nagising na lamang ako sa isang madilim na lugar kung saan may naririnig akong nag sisigawan at nag mamakaawa. Hindi lang pala ako ang dinukot ng mga sindikatong iyon, marami pala kami.
Bawat araw na lumilipas, lalo kaming nag hihirap. Hindi ko malaman kung bakit kami pa ang kailangang maparusahan ng ganito, masyado kaming bata para maranasan ang mga ito. Ngunit nag daan ang mga taon, wala man lang akong balita sa aking mga magulang at kapatid ko. Sa palagay ko'y wala man lamang nag hanap sa akin.
Ang sakit isipin sapagkat mahal ko sila at nag hahanap pa rin ako ng paraan para hanapin sila ngunit wala man lang akong nakita, ni anino nila sa aming dating tirahan ay di ko makita. Sa palagay ko'y hindi na sila nakatira rito at kinalimutan na nila ako.
Sa bawat taon na lumilipas patuloy na nababawasan ang bilang naming mga batang dinukot ng mga masasamang sindikatong ito. Pati na rin ang isa sa mga naging kaibigan ko, kinitilan nila ng buhay. Ang sakit isipin at ang bigat sa pakiramdam dahil itinuturing ko na siyang nakakatandang kapatid pero binawi ng mga sindikatong iyon ang buhay n'ya.
At sa bawat taong iyon, tanging hinagpis at galit sa mga taong iyon ang aking tanging nadarama. Sa bawat taong lumipas ay natuto akong mag aral ng kung ano anong pang protekta sa sarili. Ngayong araw, planado na ang lahat. Tanging pag dilim na lamang ang aking iniintay. Sa loob ng anim na taong pamamalimos ng pera para sa mga walang konsensyang sindikatong iyon nakabuo ako ng planong hindi nila aakalain na magagawa at maiisip ko.
Sumosobra na ang ugaling demonyo nila kaya kaylangan na nilang maputulan ng mga sungay.
Madilim na ang lugar, halos tulog na ang lahat, tanging ako at ang mga batang kasabay kong nadukot ang natitirang gising. Ginising na namin ang mga bata na nadukot ng mga sindikatong ito. Halata sa mukha nila ang takot at kaba pero ipinaliwanag namin sa kanila na wala silang dapat ipag alala dahil magiging ligtas na sila. Makakauwi na rin sila sa sarili nilang pamilya at magiging masaya.Dahan dahan naming pinatakas ang mga bata, pisanasama ko sa kanila sina tobi, shan, jericko, at janis para gabayan ang mga bata sa pag alis. Nang makaalis na sila, nag simula na kaming kumilos, dahil sa iisang lugar lang naman sila natutulog. Ikinandado namin ang kwartong iyon. Sinira ang lahat ng kanilang kagamitan, at nang matapos na kami, binuksan na nila ang kalan kaya umalis na kami. Nang makalabas kami nag bukas si Kenjiro ng lighter at inihagis sa lugar ng sindikato kaya sumabog ito at unti-unting nag porma ng isang malaking apoy.
Nakarinig kami ng tunog ng sasakyan ng mga pulus kaya nag panggap na kami kasama ng mga batang nauna naming palabasin. Alam ko na mali ang mag sinungaling pero nararapat lang sa kanila ang bawian ng buhay dahil masyado na silang kinitilan ng buhay.
BINABASA MO ANG
Hinagpis ng Mga Naapi
Gizem / Gerilima one shot story. genere: Tragic and Thriller start & finished: Decembe 12 2022 date of publish; December 26 2022