Chapter 5, Those little things.

233 7 0
                                    

First concert day. A lil of Realization.

Nagmamadali akong ipasok ang chocolate at ensaymada sa bag ko dahil 5:40 a.m na't bibiyahe pa 'ko. Kailangan kasi maaga kami ngayon to double check everything. Medyo na-late kasi ako ng gising dahil napasarap ang tulog ko dahil malamig!

"Bye na, ma! Nand'yan na sa ref yung breakfast mo i-oven mo na lang mamaya." Malakas na aniya ko habang sinusukbit ang bag ko.

"Sige. Ingat ka!" Rinig kong sagot ni mama saka naman ako naglakad papuntang pinto.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang bumungad sa'kin si Charles na nakasandal sa pader at busy sa pagce-cellphone. Humarap siya sa'kin ng marinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko saka lumabas at isinara ang pinto.

"Uy, grabe ah ang tagal mo" Aniya niya saka tumayo ng deretso.

"'Di ka naman nagsabi na sabay tayo e. Tyaka girl halos tapat lang ng bahay niyo yung school ba't ka napadpad dito?" Taas kilay kong tanong dahil naguguluhan ako sa kung anong trip nito.

"Parang ayaw mo naman ako makita ngayon, uuwi na lang ako" Nakasimangot niyang sagot. Natawa naman ako dahil sa facial expression niyang 'di maintindihan.

"Tatanong lang e." Sagot ko saka naglakad. Rinig ko naman ang mga yapak niyang nakasunod sa'kin.

"Pero ba't nga 'di ka nagsabi sa'kin na pupunta ka?" Tanong ko.

"Parang ngayon lang ako pumunta sainyo na 'di nagsabi ah?" Tanong niya pabalik. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"De HAHAHAHA 'di ko rin alam ba't ako dinala ng mga paa ko rito e." Nakangisi niyang sagot.

"Seryoso, anong trip mo?" Paghinto ko pa sa paglalakad. Ang weird lang kasi na as in halos tapat lang ng school yung bahay niya ta's napadpad pa siya rito sa'min na isang sakay nang jeep at tricycle rin ang layo.

"Seryoso talaga, hindi ko rin alam." Seryosong-seryoso ang mukha niya nang sabihin 'yon. Mukhang totoo naman ang sinasabi niya.

"Anong oras ka pa rito?"

"5 o'clock." Mabilis niyang sagot. Napatingin tuloy ako sakanya sa gulat dahil sobrang aga nyun! Samantala, nakatingin siya sa mga tricycle na nakaparada sa kabilang tawid.

"Tricycle, boss!" Sigaw niya.

"Arat na sis" Biglang sabi niya sabay hawak sa kaliwang palapulsuhan ko't naglakad para tumawid sa kalsada.

"Sa Simbahan lang, boss." Aniya niya saka sinenyasan akong pumasok sa loob. Papasok ako sa loob at shutangina ramdam na ramdam ko ang paglapat ng kamay niya sa bandang balikat ko. I think, sinisigurado niyang hindi ako mauuntog just in case dahil tatanga-tanga ako minsan. Sis! Bakit ka gan'yan? 'Di mo ba alam na love language ko 'yan!? Pa'no kung mahulog ako sa'yo!?? huhuhuhuhu anyway, matagal na pala niya ginagawa 'yan. Ewan! Nag-iba na para sa'kin dahil sa shutanginang kiss na 'yon!

Pumasok rin siya't nagsimula nang magmaneho si manong. As in magkadikit kami ni Charles sa loob tricycle dahil may kasikipan, dagdag pa na malaki ang katawan niya. Mahilig kasi 'to mag-gym since high school pa lang. Pa'no ba naman tapat lang ng bahay niya? Anyway, swerte ang magiging girlfriend nito yung tipo na may nan'bastos sa'yo talaga sure na sure na bugbog sarado. Honestly, lately ko lang napansin na halos same sila ng body at height ni Jaehyun from NCT maski 'yong hairstyles nila. No wonder nga talaga kung maraming maa-attract.

"5 o'clock nasa tapat ka na ng bahay namin?" Pagtanong ko pa ulit.

"Oo HAHAHAHAHAHA" Tumatawa pa niyang sagot.

"Pa'no kung may nakakita sa'yo isipin magnanakaw ka o kaya manyak kasi ba't ando'n ka" Seryosong sabi ko. Tumingin siya sa'kin saka tumawa pa ng mas malakas.

"Da't kasi chinat mo 'ko na nando'n ka abnormal ka talaga ang lamig pa naman" Dagdag ko pa saka umirap sakanya samantalang tumatawa-tawa pa rin si tanga.

"Taenang 'yan 5 o'clock nakikipag usap pa ko sa tubig no'n e." Biglang sabi ko dahilan para mas matawa siya.

Ilang sandali'y ibinaba na rin kami ni manong sa harap ng simbahan kung saan naririto ang sakayan ng jeep.

Kita naman namin 'yong jeepney signs papuntang school saka nagmadali kaming naglakad. Ramdam ko namang nasa likuran ko si Charles. Nasa dulo ang bakanteng upuan, pag-akyat pa lang namin ng jeep. Ramdam ko namang inilagay ni Charles ang kanang kamay niya sa ulonan ko para siguro hindi ako ma-untog habang patuloy kami sa paglalakad papunta sa dulo saka medyo nakatuwad dahil mababa lang ang ceiling ng sasakyan. Pagka-upo pa lang namin ni Charles kita ko naman sa tapat namin ang dalawang matandang babae na nakangiti sa'min kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Ang gentleman naman ng boyfriend mo, gan'yan rin dati yung asawa ko hahaha" Mahinang aniya nung Lola na nasa tapat ko. Natawa ako dahil ang cute ng pagkatawa niya. Ewan, naee-energize talaga ako everytime nakakakita ako ng mga Lola't Lolo na nakangiti o tumatawa.

"Medyo tanga-tanga po kasi 'tong girlfriend ko sa gan'yan e, nauuntog lagi HAHAHAHAHA" Biglang sagot ni Charles habang tumatawa. Napatingin tuloy ako sakanya habang nan'bibilog at nan'lilisik ang mga mata ko sa gulat. Nginitian niya ako ng malaki bilang sagot. Ang galing mo talaga idol.

Tumawa naman 'yong dalawang Lola saka nagsalita 'yong isa, "Alam mo bagay-bagay kayo, sana hindi na kayo maghiwalay" nakangiting kinikilig pa niyang sabi. Napa-hagikgik na lang kami ni Charles sa sinabi niya. Mula grade 10 na naging close kami nitong ni Charles, marami na nag sasabi't nagtatanong kung magjowa ba daw kami na maski mga teachers 'yon din ang duda. Gano'n ba talaga kalakas ang chemistry namin? Charing!

Anyway, natutuwa talaga ako kay Charles. Oo, minsan nakakapikon 'yong pang aasar niya lalo na't minsa'y wala ako sa mood. But now that I was seated next to Charles, I realized that no matter where we were—in a tricycle, a jeepney, a car, or a bus—he was always there for me. Lagi niyang ginagawa 'yon everytime na magkasama kami.

Maski ang pagdadala lagi ng chocolate sa bag o bulsa niya kahit hindi naman siya kumakain ng gano'n dahil alam niyang ayon ang paborito kong pangpakalma dahil lagi akong nauubusan ng pasensya. Lagi rin siyang may dalang elastic rubber band na binili pa niya sa shopee dahil alam niyang masakit daw sa buhok kung rubber band lang, alam niya kasing makakalimutin ako sa pagdadala ng pan'tali. Naalala ko pa, sabi ng mama niya noong grade 10 kami na hindi daw talaga nagdadala ng panyo o bimpo si Charles sa kahit saang impyerno man siya pumunta, pero nagtaka na lang daw siya nang bigla na lang bumili ng panyo't bimpo saka nagdadala na. Na-realize ko ngayon na baka kaya niya yun ginawa dahil alam niyang hindi ako makapakali na walang pamunas kapag pinapawisan o kumakain dahil medyo madungis ako kumain dipende sa pagkain. Nabanggit rin ng mama niya ang biglang pagdadala ng payong ni Charles sa school o maski kapag may practice o may gala kami. One time kasi pumunta kaming mall nang biglang bumugso ang malakas na ulan kaya wala kaming choice kun'di maligo. Nilagnat pa nga 'ko nun kinabukasan. Narealize ko tuloy ngayon na kaya siguro lagi siyang may dalang payong dahil alam niyang tamad ako magdala at madali akong sipunin kapag nauulanan.

I really appreciate all of caring things he did. Those little things are my love language, at hindi ko rin alam kung bakit naa-attract ako sa gano'n. You know, some men don't know simple things kahit na simple lang 'yon.

Right now, I've realized that Charles has always stood by my side, even when times were tough. When I needed help with small or big things, he was always there for me. Despite the fact that I didn't ask for his help, Charles was always ready whenever I needed him. And as of right now, I've realized that he didn't act in that way towards Ericka even though they are also close friends. Everything is now obvious. He must have liked me from the start until now.

But, the fact that he was there for me during my miserable love story, my m.us, and my crushes, I am now afraid. What if I hurt him in some way that he stopped admiring me? What if I say no and he stops doing what he used to do? But is the answer really "no"? I don't think it is a no! Maybe I did like him more as a friend, but I wasn't conscious of it since I was focusing too much on the word friends??

Do I really deserved a man who always stayed by my side and did all things without me asking him to? Do I deserve this man who always think for my own good?

Kapag ba sinubukan namin, pareho ba kaming magiging masaya?

Surprised, It Was Him!Where stories live. Discover now