"Hindi ko na rin naman maitatanggi ang obvious. Oo. Gusto kita." Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. I've never seen a man who can tell you how he feels while staring you in the eyes and not blinking. Is this man what I deserve?
I smiled. "Since when?" I asked while staring at him. Nasa staring competition ata ako, sis.
"Since the first day you asked me what color our English notebook should be." He replied with a smile. I was stunned to speak. Galing talaga ng lalaking 'to makipag-usap tapos wala kang marerebat.
"Eh?"
"Totoo nga. After nyun, nagpapapansin na 'ko sa'yo, 'di ba? Pinagdadasal ko pa lagi maging kagroup kita sa mga activities para mas maging ka-close kita"
"From then on, never na 'ko nagkaroon ng ka-fling. Alam mo 'yan, since nag elementary hanggang bago mag grade 10 maraming nagkakagusto sa'kin kaya kung sino-sino lang trip kong shotain o kaya landiin," Aniya niya habang binubuksan 'yong burger.
"'di naman sa nagbubuhat ng sariling bangko HAHAHAHAHAHA" Dagdag niya sabay kagat sa burger.
"Eh bakit mo 'ko nagustuhan? Wala namang special sa--"
"Anong wala? Eh everything about you is indeed special. H'wag kang ano d'yan" Seryoso niyang sabi sabay irap sa'kin. Napa-hagikgik tuloy ako sa reaksyon niya.
"Bakit 'di mo agad sinabi sa'kin?" Pagtatakang tanong ko sabay kuha sa nuggets.
"Napaka-seryoso mong tao. Unang beses mo 'kong kinausap nyun, 'di ba? Halatang ikaw yung tipo ng tao na hindi pwedeng basta biruin unless ka-close mo."
"Syempre nagtanong-tanong muna 'ko kung may jowa ka ba o kung ano. Sabi nila, wala. Never ka pa daw nagkajowa. Dami nga daw nan'liligaw sa'yo pero sinasagot mo daw agad ng hindi HAHAHAHAHHAHA taena naaalala ko na naman" Tawang-tawa niya paliwanag.
"Huh?" Huhtdog.
"Dami daw nagco-confess sa'yo sa personal with matching flowers, chocolate at kung anong pangbubudol pa pero ni-isa wala kang tinanggap."
"E di tangina natakot ang kuya mo nyun syempre!" Napalakas niyang aniya. Natatawa na naman ako sa reaksyon niya. Sa totoo lang, ang sarap makinig sa mga kwento ni Charles lalo na't may hand gestures at iba't-ibang intonation pa 'yan. Ramdam mo talaga yung feelings niya habang nagkukwento. "Lalo na't lahat ng tinanungan kong ka-close mo kahit pa-paano, e hindi rin alam kung ano bang standard mo at bakit ni-isa sa nan'ligaw sa'yo e wala kang tinanggap o in-entertain. Partida mga sikat na pogi sa school yung karamihan sa nan'ligaw sa'yo" Dagdag niya sabay sandal sa upuan saka tumingin ng deretso sa'kin.
"Dapat magco-confess din talaga ako nung grade 10 pa kaso syempre natakot ako ma-reject agad." Paghinto pa niya na akala mo iiyak siya. "Eh kaso mamaya n'yan 'di mo na 'ko pansinin! E di mas malala yun kaysa ma-reject! HAHAHAHAHAHA" Tawang-tawa pa niyang sabi. Napatingin na naman tuloy yung ibang tao sa'min. Nalilimutan na naman niyang hinaan boses niya. Napapangiti na lang tuloy ako e.
"Kaya ayun. Trinopa kita. Ginawa ko yung buong makakaya ko para gawin lahat ng bagay na gusto mo sa isang tao, at bagay na never mong dinemand na gawin ko. Tanda ko kasi, nasabi ni Ericka nung kumakain tayo nyun sa tapsilogan.. ayaw niyo pareho sa lalaking walang common sense sa mga bagay-bagay." Dahil dito sa sinabi ni Charles, I'm trying my best to control my tears. I just smiled as I was out of words.
"Tapos e di ayun.. kahit pa-paano na keep ko sa sarili yung feelings ko sa'yo. Ayokong layuan mo 'ko dahil sa nararamdaman ko sa'yo." Dagdag niya.
I can't help but cry at this moment. My head is filled with numerous recollections. I was joyful but also fearful and sad. I was upset with myself for letting him to feel that way. I'm not sure why, though, but my father just suddenly entered my thoughts at this time. Lahat ng mga pangako niya kay mama, biglang pumasok sa utak ko lahat. I hate it to death. Pero kahit gano'n, mas nananaig ang nararamdaman ko para kay Charles. Naniniwala akong hindi niya gagawin ang ginawa ng tatay ko. I trust him a lot.
YOU ARE READING
Surprised, It Was Him!
Novela Juvenil"At first, there was an unknown guy who I thought I liked, but I then realized Charles was the one I really can not let go of. Am I really attached to him more than a friend?" - Belle Disclaimer: Any places, names, actions, moments, and other matter...