Chapter 12, End of discussion.

178 5 0
                                    

Umuwi agad ako nang bahay at baka maunahan pa 'ko ni mama makauwi.. ayoko kasing makipagchismisan si mama kay Belle dahil nga sa sitwasyon niya ngayon. Grabe, feeling ko kapag napapabisita nga 'tong si Belle sa bahay e parang siya yung tunay na anak. Ako pa 'yong naa-out of place. Ang galing!
Pero dahil sa nangyari kanina, for sure nahihiya si Belle harapin ang kung sino.

At dahil tinupad ni lord ang dasal ko, pag-apak ko pa lang sa pinaka-tuktok ng hagdan ay tanaw na tanaw ko na agad ang nanay kong panay haplos sa likuran ni Belle habang seryoso siyang nakikinig sa kinukwento nito.

"Tagal mo, ya. Naunahan ka ni mama" Biglang bulong pa ng kapatid ko na nanggaling pa sa kwarto niya.

"Halata nga" Sagot ko pa.

Pumasok ako sa loob ng kwarto saka naman napatingin sa'kin si Belle habang patuloy pa rin siya sa pagkukuwento. Napatingin naman si mama sa likuran niya.

"Napaka-tagal mo naman umuwi! Mag order ka muna sa grab ng favorite food ni Belle, dalian mo" Naiirita niyang utos sa'kin.

"Ay sorry, madam ha.. ito na ho" Sagot ko pa saka lumabas ng kwarto't sumandal sa pader malapit sa pinto ng kwarto ko. Kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa saka nag-scroll ng o-orderin. Medyo nagulat ako nang may nagdoor bell.

"Uh?"

Lumabas ulit ng kwarto 'yong kapatid ko, "D'yan ka pala, 'kaw na magbukas" Aniya niya.

"Ikaw na may ginagawa ako" Sagot ko pa saka ibinaling ulit ang tuon sa phone ko. Kita naman sa peripheral view ko na inirapan ako. Hahahaha sarap talaga mangpikon ng kapatid. Dali-dali naman siyang bumaba agad dahil naka-dalawang doorbell na.

Pumasok ulit ako sa kwarto saka umupo sa tabi ni Belle habang seryoso pa rin silang nagkukwentuhan. Ngayon ko lang narealize na kinukwento pala ni Belle 'yong nangyari kanina. Hindi dahil sa napipilitan siyang i-kwento.. I think, she's comfy sharing what happened to my mom. I felt happy and somehow relieved.

"Beh, bet mo 'to?" Bulong ko sabay tapik sa braso niya. Tumingin lang siya saglit at tumango saka naman pinagpatuloy pakikipag-kwentuhan niya.

Ilang sandali lang ang nakalipas nang umakyat uli ang kapatid ko. He looks confused as well as slightly worried.

"Why?" Aniya ko na walang sound. He replied me with an uncertain smile as I noticed Belle's mom following my brother. My eyes widened.

"Ma?" Mahinang aniya ni Belle.

Humarap naman si mama sa pinto. "Uy! Mards! Nandito ka na pala!" Nakangiting aniya niya saka tumayo't naglakad palapit kay tita.

Tumingin sa'kin ng masama si Belle na parang nagtatanong kung bakit nandito mama niya, umiling na lang ako dahil hindi ko rin alam.

Tumayo ako saka sinundan sila mama, ramdam ko naman ang presensya ni Belle na nakasunod sa'kin.

"Pasensya na, Mards.. nadadamay pa kayo." Mahinang sabi ni tita.

"Jusko! Parte na kami ng pamilya niyo hahahaha gano'n din kayo sa'min. Wala 'yon." Nakangiting sagot ni mama.

Umupo lang ako sa hagdan habang nakaupo si mama't tita sa dining table. Tumingin ako sa likod ko, nakatingin din si Belle sa'kin. Wala siyang imik, wala rin siyang ekspresyong pinapakita.

"Ganito kasi Mards.. nakwento sa'kin nung bata yung side niya. Naiintindihan ko naman siya, gano'n ka rin. Pero, siguro genes acting up? Kaya pareho kayong hindi nagkakaintindihan dahil sa pinaninindigan niyong sari-sariling opinyon." Pag-iba pa ng usapan ni mama.

Natawa ako sa sinabi niya, ramdam ko naman ang mga masasamang titig ni Belle kaya't pagharap ko.. syempre tama ako! Binawi ko na lang tuloy yung ngiti ko.

"Ikaw, Mards.. hindi mo pa naranasan mawalan ng tatay in a way na third party ang dahilan. Kung tutuusin, doble yung sakit na nararanasan ni Belle eh. Nung panahong niloko ka ng asawa mo na-witness niya lahat yun. Nakita niya kung paano kayong dalawa ipinagsawalang bahala ng tatay niya't pinili kayong iwan at ipinagpalit sa iba.. ang sakit nyun. Kasi bata siya at wala siyang ibang kayang gawin para man lang maayos pa 'yong pamilyang nasira. Tapos, nakikita ka pa niya araw-araw na nalulugmok sa sakit. Nalulugmok sa kirot at lungkot. Wala rin siyang magawa para makalimutan mo man lang yung pain. In short, she can't do anything. She is helpless. That's why eager siyang makalimutan yung tatay niya. She suffered so much dun sa taong minahal at pinagkatiwalaan niya eh.." Paghinto pa ni mama. But, after hearing my mother's words, I feel even more hurt. It seems as though I was Belle and experienced all of her pain. It's really painful, that's why it's not easy to forgive. I don't think I could forgive my dad if I were in that situation.

"You know what's more painful?" Rinig kong dagdag ni mama. Wala akong narinig na sagot mula kay tita, siguro eye contact lang ang ganap do'n.

"She never talks about her sufferings. She has never once let you know that she is not okay. She didn't let you know that she was in pain. She was hurt but never let you know. Never one of them, including her friends.. She is even unable to date anyone because she's so scared that she will go through what her mother had.." Paliwanag ni mama. I am speechless. Hindi ko alam kung paano agad naisip ni mama lahat ng sinasabi niya pero ang galing niya. Sana gano'n rin ako para kahit pa-paano napapagaan ko yung nararamdaman ni Belle.

Tumingin ako sa likod ko to check Belle, she was crying. Feel ko sasabog yung puso ko. Ang sakit na nakikita ko siyang umiiyak na walang hikbi o kahit na anong ingay. Imagine, she has been doing that for more than eight years. Kung hindi pa 'ko tumingin, hindi ko pa malalaman. Tangina. Ang sakit talaga. Nakakabad-trip. Nakakagalit.

Tumayo ako saka tumabi sakanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko alam ang sasabihin. I am really sorry Belle for being worthless during the time you need someone to rely.

"During your sufferings, you forget her." Rinig kong pagpapatuloy ni mama.

Isinandal ko naman ang ulo ni Belle sa kaliwang balikat ko saka inakbayan siya habang patuloy pa rin siyang umiiyak ng tahimik. "She's there, but you forgot. She has feelings too, which you forgotten. You never once even bothered to ask about her wellbeing. Sorry to be frank, but I have to admit that ever since you and your husband split up, all you have been thinking about is yourself. Hinayaan mo ang isang ten-years-old magsuffer mag-isa, at umiyak patago na hindi ipinapaalam sa'yo kasi alam niyang umiiyak ka rin." Dagdag ni mama. Tangina konti na lang iiyak na 'ko. Pinipilit ko na lang talagang h'wag pumatak yung luha ko, kelangan malakas ako.

"Iniisip mo lang yung pain na nararamdaman mo. Nakalimutan mong may anak ka. Anak mong na-witness lahat-lahat ng pain at sufferings. Hindi ko siya masisisi kung bakit gano'n ang kawalang respeto ang naipakita niya sa tatay niya. Kasi, mards, kahit ako.. baka nga mapatay ko pa 'yong tatay ko kung ako yung nasa sitwasyon niya. Walang kahit na sinong anak ang may gustong nakikitang nahihirapan ang kanilang magulang. Sana naiintindihan mo na ngayon kung gaano ka naging walang kwentang ina sakanya since 8 years ago. Pasensya na kung real talk ako, mards." Aniya ni Mama. I couldn't stop my tears from flowing. I sobbed in silence because I didn't want Bell to know. I'm broken and hurt. She has gone through a lot.

Rinig ko naman ang iyak ng mama ni Belle. Mukhang kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya. I think, they are hugging each other.

Hay. Despite not doing much today, I felt quite worn out and empty. I hope time goes by quickly so we can get out of this terrible situation.

"Napakawalang kwentang tao ko talaga, mards.. Ano na gagawin ko? Ang sama-sama na nang loob nung anak ko sakin.." Aniya ni Tita habang patuloy na umiiyak. Nagulat ako nang biglang kumawala si Belle sa pagkakayakap sa'kin saka tumayo.

"Humingi ka ng patawad, mards.. Sumama lang talaga loob ng anak mo sa'yo, pero alam kong naiintindihan pa rin niya yung nararamdaman mo.. gusto lang din niyang maintindihan mo yung nararamdaman niya.." Sagot ni Mama. Agad namang bumaba si Belle ng hagdan at pumunta sa kusina. Tumayo ako't kitang-kita ko ang mahigpit na pagyakap niya kay Tita. Mas lalong nailabas ni Belle at ni Tita ang nararamdaman nila, 'yong emotions na matagal na nilang kinikimkim sa puso nila.

They both kept apologizing to each other. I feel more at ease seeing them of having inner and outer tranquility. After more than 8 years of suffering, it has finally come to an end.

Surprised, It Was Him!Where stories live. Discover now