Chapter 14, The memorable band concert.

319 10 0
                                    

Pagpasok ko pa lang ng school kita ko na agad ang mga kunot noo nitong mga kaklase ko.

"Sa lahat talaga ng oras, late kaaaa!" Aniya ni Fay sabay pagpadyak pa ng mga paa.

"Sorry naaaa!" Nakanguso kong sabi habang naglalakad papalapit sakanila.

"Pero sino nagbigay sa'yo ng karapatan maging gan'yan ka kaganda ngayon!!!???!??" Napaka-lakas na aniya ni Ericka. Nakakahiya siyaaaa! Ang dami tuloy napatitig sa'min!

"What if punta ka sa stage, kunin mo yung mic ta's i-tanong mo 'yan?" Sagot ko saka pilit na ngumiti.

"Okay." Malamig na sagot niya saka aktong maglalakad sa direksyon papuntang activity center kung saan naroon gaganapin ang last day band concert. Hinawakan ko naman ang braso niya't bumulong, "'Di ka naman mabiro akala mo 'di nag--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko na naman ang maingay na boses ni Charles. I knew, it's probably him.

He's staring at me while saying, "Wow! Sino 'yang napaka-gandang dilag na 'yan? Single ba 'yan? Ligawan ko sana agad-agad right ---" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang dali-daling tinakpan ni Ericka ang bibig niya. Napasapok na lang ako sa pagka-cringe nito. Lord, do I really have to bear with this personality of him if ever we're going to start dating????? Hayyys!

Charles grabbed my attention again as I realized what a lovely man he is. He is standing there with a dumbfounded expression on his face and is dressed in a long-sleeved black silk top with matching black trousers, with his coat hanging over his left shoulder. Even though he looks silly, he is stunningly attractive. Now that I've realized how attractive he is, it makes sense why so many people are starring at us.

I noticed him walking slowly in my direction as he took Erika's hand off his mouth as I continued to look at him. His glances at the time left me speechless. He truly embodies the ideal of visual appeal. He abruptly gave me a bear hug while placing his face close to my ears. I get shivers just hearing him whisper, "Roses are red, my face is too.. that only happens when I see you." What I heard was causing me tremble. Ang sarap magsalita ng mga masasamang words.

I can sense my classmates staring at me. I released his hold and gradually drew his ear toward me. I murmured, "Ika-crush back na sana kita kung tinikom mo lang sana 'yong bibig mo. Okay na eh, ang pogi mo na sana." Umayos ako nang pagkakatayo saka pilit na nginitian siya habang tumatango't tinapik ang kanang braso niya.

"Sana nga 'no?" Sagot niya sabay pagtango.

"Sa harapan pa talaga namin??" Pagsingit pa ni Katie.

"Since when kayo naging gan'yan ka-sweet?" Tanong ni Elle.

"Last night, 'di ba?" Sagot ni Fay.

"Huyyy mga anak!" Rinig namin ang boses ni Ma'am Ocampo.

"Nandito lang pala kayooo! Jusko! May big problem tayooo." Pag-aalalang sabi niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkastress nang sabihin iyon. Sana naman hindi sobrang laki ng problema na 'yan, hays 'di matapos-tapos!

"Why, Maaaa?" Sagot ni Elle saka lumapit sakanya.

"'Yong host tumawag kani-kanina lang, sabi niya may emergency daw sakanila at hindi siya makakapuntaaaaaa." Worried na worried niyang sabi.

"Halaaaa. Pa'no 'yaaaan!" Napalakas na bulong ni Elle.

"Alam ko na!" Napalakas na sabi ni Fay. "Si Belle na lang!" Dagdag niya sabay tingin sila sa'kin. Halos mailuwa ko na ang mata ko sa gulat. Hindi pa nagsisimula yung party, lakas na ng amats.

"HAHAHAHAHAHAHA Wala tayong time magbiruan, ante" Sagot ko pa habang tumatawa. Samantalang seryoso lang ang mga mukha nila.

"Bakit akooo!?" Inis kong tanong.

Surprised, It Was Him!Where stories live. Discover now