Kabanata 5 :Yakap

36 25 0
                                    

A/N: Hello everyone! Hope you are all doing fine. Just message me if not. Charot! Haha. Nandito na ang kabanata 5. Enjoy Reading and don't forget to share you thoughts on it. Lab you ❤️

Kabanata 5

Yakap

---


Hindi ko alam kung anong nararapat na gawin ko. Hihinto ba ako at kakamustahin siya? O hayaan na lang siyang tawagin ako?


Si David iyon, mabait siya. Kaya lumingon ako at naglahad ng ngiti sa kanya.


"David! Nandito ka pala. Kamusta?" I try to act like hindi ako kinakabahan. Sana hindi ako makita ni maam dito. I'm sure magkakausap silang dalawa to the point na malalaman ni David na naging katulong ako sa kanila.


Hindi naman sa ikinahihiya ko ang trabaho ko, nag aalala lang baka magtaka siya kung bakit pumasok ako bilang katulong. E nag oojt nga ako at alam rin niya na guro ang mama ko, kaya para saan pa?


We had a small~probably long talk na ito, hindi naman kasi siya boring kasama.


"Hindi kita nakikita sa tuwing makakasalubong ko si Jasmine. Sa'n ka ba?" Tanong niya sa akin. He ordered some drinks kaya uminom nalang ako.


"Sa bahay lang. Nakakapagod lumabas eh!" Palusot ko.


"Uh. Yung rin ang sabi ni Jasmine. Hindi ka na raw lumalabas pag-uwi mo galing sa trabaho."


Namangha ako sa sinabi. Jasmine. Galit na galit siya sa akin pero nagpapasalamat ako na hindi niya sinabi kahit kanino. Namiss ko tuloy siya.


"Kamusta naman trabaho mo? Hindi ba stressing?" sa pabiro niyang sabi.


"Naku! Kung alam mo lang! Nakakapagod! At yung mga guest! Naku! Iba iba ang gusto. Di rin pwedeng magalit coz costumer is always right!"


Natawa siya sa sinabi. His eyes were shining.


"Kamusta pala lovelife mo? May boyfriend ka naba?" Malapit lumabas ang wine na ininom ko sa tanong niya. Tumingin ako sa kanya, natatawa o ano ba! I'm not sure what should I really feel as of these moment.


Nakablind date ko siya and there are times na lumalabas kaming dalawa. Kaya, parang ang awkward pag usapan ang mga ganon.


Matagal na rin na hindi ako nagkakaboyfriend. Simula nang namatay si Leandro. Hindi na ako nakamove - on at wala na akong gana sa mga love ma yan. I've never want to - that was because of him. Siya lang naman ang pinangarap ko. Ang gusto kong mahalin. Ang gusto ko.


Natawa ako. It was awkward. It was really awkward especially when I get a chance to look on his eyes na parang sinasabi nun na pag wala akong boyfriend ay pwede bang manligaw siya sa akin.

Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon