Kabanata 3 : Sinigang

53 29 0
                                    

A/N: Enjoy reading. 

Kabanata 3

Sinigang

---

Nakatulog ako ng mahaba ng mga gabing iyon. Hindi na ako masyadong giniginaw dahil sa bigay niyang jacket. Gusto ko pa sanang magtagal dahil gusto ko pang makasama siya pero pinigilan niya.

He is really Leandro. Alam ko iyon but there are some parts of me that I don't want to admit it. I don't know but I feel like I need words. We need to talk about our past. Kung anong nangyari sa kanya pagkatapos nun but none of it came out from his mouth.

Kailangan naming mamalengke ngayon. Kahit hindi ko naman ito gawain ngayong araw ay pumayag na lang ako. Mahirap na , mayordoma pa naman ang nag utos sa akin. Tatlo kaming namalengke. Yung dalawang babae ay panay ang paninira sa akin. Ewan ko ba. Noon, parang tinatago pa nila ang mga usapin tungkol sa akin pero ngayon, kulang na lang isigaw.

"Mas masarap ito ihalo sa sinigang," sabi ko, kukunin ko na sana pero pinigilan ni Grace. Hinawakan niya ang kamay ko at binalik sa kinalalagyan ang kinuha.

"Wag na! Ano ba ang alam mo sa pamamalengke ha? Puro landi lang naman ang alam mo!" Sigaw niya at tingin ko naman kanina pa niya ito gustong sabihin.

Pero masarap talaga iyon ihalo sa sinigang. Hindi ako masyadong nag-aaral katulad ni Jasmine pero alam ko naman ang ganitong mga bagay. Hindi na lang ako nagsalita at tumahimik na lang. Alam ko naman ang kahahantungan kapag pinatulan ko pa. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nakipaglandian. Hindi ko naman gawain. Nandito lang ako para malaman ang katotohanan at makitang maayos na siya.

"Oh?Ba't di ka sumagot? Totoo diba? Nilalandi mo ang boss? Wag kang mag alala dahil hindi ka naman magugustuhan nun! Ilang babae na kaya ang dinala niya sa mansyon? Magaganda pa at mayayaman , di tulad sayo, hampas lupa!"

Naalarma ako doon nang inihagis niya ang dalang kalabasa at kinabit ang aking buhok sa kanyang mga daliri. She pulls me with so much force dahilan kung bakit nakakaramdam na ako ng sakit.

"Aray," Pagsumbat ko . Pinigilan na siya ng driver pero hindi siya paawat.

"Maa'm Grace, tama na po 'yan! baka may makakita sa iyo," Ani nung driver.

"Maa'm." 

"Aray," patuloy kong utas dahil sa sakit.

"Grace tama na yan,"

Ramdam ko ang pagtitinginan ng mga tao sa akin. Hindi ako lumaban. Para saan pa ang lumaban? Ayoko nang lumaban. Kung ito lang ang paraan upang mailabas nila ang hinanakit sa akin ay sige lang. Kaya kong magtiis... kahit na nasasaktan.

"Grace , sir sir!" Sigaw ng isa kaya biglang binitawan ang buhok ko pero huli na ang lahat. Pagtaas ng aking ulo ay nagtagpo ang aming mata pero nahagip ng aking ulirat ang babae na nasa kanyang gilid.

She has a perfect body. It's like an hour glass. Nakadress siya na kulay pula at sobrang fit pa ng katawan. She has a thick eyebrows, heartshaped face and a red lips. Mukha tuloy akong alila pag itatabi kaming dalawa.

"What's going on here?" Sa matigas na ingles niyang sabi. Nakita kong sumulyap si Grace sa akin, kinakabahan.

Inayos ko ang buhok ko. "Wala po sir. Inayos lang niya ang buhok ko , hindi ko kasi naisuklay kanina." Nasulyapan ko ang pagbuntong hininga ni Grace kasama naman si Via. Parang nawala ang tinik nila matapos kong sabihin iyon.

Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon