Kabanata 11 : Titig

31 16 0
                                    

Kabanata 11

Titig

---

"Tapos si Gept2, sabi niya uuwi ka raw kaya nagmasid masid kami araw-araw," sabi ni Marko. Mga sira talaga!

Alam nilang babalik ako dahil iyon ang sabi ni Gept2x kaya ayon nagmasid masid sila araw-araw. Sobra  ang tawa ko sa kanila. Nagbago ang panahon pero sila, walang pinagbago.

" Alam mo Alea! Punta tayo sa bukid namin bukas, maraming Santa Maria dun, diba favorite mo iyon?" Tanong ni Marko habang kumakain ng Mani.

"Huy! Mabilaukan ka sana!" Tinapik ni Peter si Marko kaya ito nabilaukan. Tumawa naman ito.

"Peter naman!" Nakuha pa niyang sigawan si Peter. Nagpeace sign  kaagad  si Peter kay Marko bago natawa.

"Hay naku Peter! Wala ka talagang pinagbago. Ganun ka parin!" si Robert.

"Wow ha? Nahiya naman ako sayo Robert!"

"Ako yung sobrang hiya sayo!" sabi niya pabalik. Tumawa na lang ako.

"Mga sira! Kayong lahat, walang pinagbago!" Sigaw ko na natatawa sa kanila.

"Ep! Meron Alea! Ako naging Pulis na! Si Robert naging engineer na! Si Pitoy may business na! Si Klarence nagaudition na at na anticipate kong makukuha siya sa isang boyband, si Gept Gept masaya na! Si Galgo at Peter malapit na!"

At si Leandro nahanap na ang mama niya.

"Talaga ba? Edi Congrats!" Sabi ko kunwari nagseselos ako na-achieve nila.

"Sus, yung lang ang sasabihin mo Alea? Dapat ipagluto mo kami. I heard you are a better cook now, you can share to us."

"Ou nga, what about we swim in the deep deep ocean?" suggestion ni Pitoy na agad naman siyang sinita ni Galgo.

"Huy Pitoy! Ayusin mo ang english mo! Mahiya ka kay Gept2x."

"Mahihiya pa ba ako dyan? Hindi na nu!"

"But Pitoy, you need to practice English, I'm sure you're business will grow and you will gain some investors someday." Si Marko na ang hanip nang magenglish.

Sabay pumalakpak ang mga tanga at sabay rin sila umiiling iling sa sinabi ni Marko.

"Wow! Marko! That was so great!" si Peter.

Tumawa naman ako. "Mga sira!" Deklara ko.

"Basta Alea! Bukas ah?! Sa may starbeach!"

"Bukas na agad? Ang akala ko ba bibisitahin natin ang puntod ni Leandro?" Agad natahimik ang lahat nang namention ang name ni Leandro. I know hindi pa kami nagkausap usap tungkol dun and they did'nt know if I move on or not. Ngayon na namention nila, they were staring at me carefully. Sumulyap ako sandali kay Gept2x, tumango lang siya. I smiled. I don't want to ruin the moment because of Leandro. At isa pa, kakalimutan ko na siya and I will try my best to stay away from him no matter what.

"Ba't kayo nakatingin sa akin?" Nagpakurap kurap ako.

"Bakit bawal ka bang titigan Alea?" Si Klarence at tumawa.

"Ah, hindi naman! Kayo kasi! Kung iniisip niyo ako kay Leandro, ilang taon na yun. Ok na ako." sabi ko sa kanila, assuring that I've move on. Tumitig na naman si Gept2x, he knows everything. I tell him my emotion. Plano ko namang sabihin sa kanila yun. sa mga kaibigan ko pero saka na pag gusto ko na, huwag lang sa ganito, ang saya saya ko kasi na nakita ko sila ngayon and I don't want to ruin the moment because of Leandro.

Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon