Kabanata 10 : Home

34 20 0
                                    

Kabanata 10

Home

---

Lagi siyang sunod ng sunod sa akin. Wala akong imik dun sa eroplano, nagpapanggap lang ako na natutulog para walang rason na kausapin siya.

Jasmine process everything in school. Gusto ni mommy na ituloy ko ang pag-oojt dahil sayang pero hindi naman yun masasayang. May susunod na taon pa naman.

Alam ko, sinasabi nilang sayang pero para sa akin, hindi naman masasayang iyon at kung lilipat naman ako ng kompanya ay hindi na maari kasi bilang ang araw. Hindi ako pumasok ng ilang buwan dahil namasukan ako bilang katulong and it got me here.

It's funny how things revolve around me. May mga bagay talaga na sadyang itinadhana sa iyo. Hindi ko akalaing sa mundong ito mahahanap ko siya, na akala ko'y patay na at ngayon ay kakalimutan ko na. Lagi ko itong itinatanong, kung paano lumimot. Kung paano kalimutan ang taong naging buhay mo na, At ang sagot ko? Ang hirap pala. Ang hirap lumimot. Ang hirap talaga.

"Mama," I hugged her like I missed her. Naghintay si mama sa akin sa airport. The moment I see her, I realize na sobrang tagal kong nawala at medyo tumanda si mama ng kaonti. For now, dahil marunong na akong magluto, ipagluluto ko siya ng marami!

"I miss you, ma." Utas ko, may tumulo na luha. Miss ko na talaga siya. Alam ko, marami na ang sakripisyo ni mama sa akin, simula nung nawala si Leandro at naisipan kong umalis sa bahay. Ayokong kumausap. Lagi akong naglulugmok sa loob ng kwarto.

"I miss you rin, anak." Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun rin si mama.

Wala akong halos maikwento kay mama dahil hindi naman importante ang lahat ng iyon. Nag-aral ako pero hindi ko rin naenjoy dahil sa pagkamatay ni Leandro na hindi ko malimot limot. Nagkaroon ako ng sakit. Namasukan ako bilang katulong. Nag ojt ako pero sandali lang at naikwento ko naman iyon paminsan minsan.

Kapag minamasdan ko si mama, nagiguilty tuloy ako. Nagiguilty ako dahil magulang ko siya at siya lang ang katuwang ko sa buhay pero hindi ko masabi sa kanya ang talagang nangyari sa akin. Kaya, nagpasya akong sabihin iyon sa kanya.

Naghanda ako ng haponan. Isang calamaris na nokos, ginataan, gulay at tinolang manok ang inihanda ko. Sabi ni mama, dito maghahaponan si Mang Berto at ang ibang kapitbahay na naging kaibigan na niya. Masaya ako dahil kahit malayo ako, may nakakausap si mama.

Lumapit si mama sa akin at inamoy ang tinolang manok na hinanda ko.

"Mhhh, marunong na talaga ang anak kong magluto," Tiningnan ko siya, ngumingiti.

"Salamat ma, hindi lang yan! Marami pa akong gustong gawin!" Pagmamayabang ko.

"Talaga nak? Lumalaki ka na talaga!" sabi niya.

"Of course naman po, mama! At gumanda pa!"

Tumawa siya.

"Oh, sige! Ikaw muna bahala dyan. Pupunta muna ako don," she was referring to her friends. Pinagmasdan ko siyang naglalakad palabas. Nakangiti ako buong oras. Ang sarap palang umuwi. Nakakamiss ang simoy ng tahanan.

Nilinis ko ang hapag and I tried my best na dalian iyon para pagdating ni mama at ang mga kaibigan niya, ready na ang lahat. Nilagyan ko ng prutas at de-ni-sign design ng kaonti ang prutas. Just as I smile dahil tapos na, bumukas ang pintuan at ibinuga ang mga kaibigan ni mama, si mama at . . . Mang Berto. Tumanda na si Mang Berto and I somehow think, kung paano nakakayanan ni Leandro na iwanan ang lahat at magpanggap kung ang tatay niya ay naghihirap ng ganito. Bakas na bakas sa kanya ang pagkapagod at nag iisa na rin siya gayong wala na si Leandro.

Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon