Kabanata 6: Fight

33 22 0
                                    

Kabanata 6

Fight 

---

Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya na makita mo ang dating nagpapasaya sayo. Isa na si Gept2x doon. Isa siya sa naging kaibigan ko at isa siya sa dahilan kung bakit madali kong naaadopt ang pamumuhay sa probinsya.

Inaamin ko na, hirap akong makahanap ng kaibigan noon. Hindi ko kasi alam ang mga nilalaro ng mga babaeng bata na katulad ko kaya palagi kaming natatalo sa paligsahan sa tuwing kasali ako. Ang hirap makisabay sa kanila, hirap rin ako makisabay lalong lalo na dahil wala na si papa . Patay na siya. Naiwan kami ni Mama.

Maraming pinapakilala sa akin si mama na maaari kong maging kaibigan pero ni isa sa kanila ay wala akong magustuhan o hindi nila ako nagustuhan hangga't sa dumating sila Gept2x, napamahal ako sa barkada nila at di nagtagal ay naging barkada ko na silang tunay.

They said childhood friends are true, genuine and that is true. Ang sarap tuloy balikan ang mga ala-alang iyon. Ang sarap balikan ang mga panahong iyon. Yung walang sagabal at ang tanging inaatupag lang ay ang pag-aaral. Ang sarap balikan. Nung bata ako, nasabi ko sa sarili ko na sana ay lumaki na ako nang sa ganun ay makapagtrabaho na ako katulad ni mama pero narealize ko paglaki, na hindi pala madali iyon. Ang daming aatupagin, ang daming kailangang isipin at ang daming kailangang patuluin.

Masakit. At kahit na paulit ulit kong sabihin na unti-unti na akong nakamove-on ay bumabalik pa rin ang sakit.Ang sakit.Lalong lalo na paggising mo, makikita mo siya, na kahit kaharap mo siya, feeling mo pa rin, iba siya ... ibang iba na siya.

At kahit na paulit -ulit kong sabihin na masaya ako na masaya siya, ang sakit pa din.

Ang bagal kong makalimot.

Ang bagal kong makamove-on.

Ilang tao na ang nagsabing , kailangan ko, pero hindi pa rin eh! Kahit siya, hindi ko pa rin kaya.

Ang hirap.

"Is there anything happened?" Agad kong napahiran ang luhang tumulo galing sa mga mata ko. He caught me, he was staring at me.

"You think he was Leandro, right? But he is not. I'm working under him."

He was shocked. I know. That was shocking. He doesn't know, I am working under him and he don't know that he existed.

Napatulala siya at napailing iling. Tinitigan niya si Andrew galing sa malayo. May kausap siya, probably investor or something rich, hindi niya nilihis ang kanyang mga mata sa kanya hangga't sa kumunot ang noo niya at malapit na nagtagpo ang mga mata niya.

" He is Leando," Mahina niyang tugon sa akin. Tinitigan pa niya ito bago siya napatingin sa akin. Hindi siya nagsalita nang tumitig siya akin. He was completely shock on what he discovered. Matagal nang magkaibigan si Gept2 at Leandro, kaya hindi maipagkakaila na alam na alam niya si Leandro , kaysa akin.

"But how?"Tanong niya sa akin. He was confused. Nilingon-lingon niya pakanan at pakaliwa ang kanyang ulo, really confused.

"Hindi ko rin alam , Gept. Akala ko, ako lang ang baliw. O baliw na ba talaga ako?" I said, lifting my eyes to him.

"No Alea, He is Leandro, but how? I need to talk to him,"Sabi niya na nagmamadaling lumakad papalapit kung saan si Leandro.

"Gept!" Tawag ko at sumunod sa kaniya. 

Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon