Kabanata 29: Trust

29 11 0
                                    


Kabanata 29

Trust


---

"At ano na naman ba ang pinagsasabi mo kay Sofia,  Alea?" Si Marko. I should clap my two hands, at last nainis ko rin siya.


"Ano ba dapat ang pinagsasabi ko? E hindi ko nga alam na siya pala ang nililigawan mo! I just told her na ang dami mong nililigawan noon sa karatig bayan." Sabi ko na parang wala lang sa sarili.

"What the heck!"

Natawa ako. "I'm sorry okay? Kung sana pinakilala mo ang nililigawan mo sa akin para ma-select ko kung anong pinagsasabi ko!"


"At bakit naman ako naging topic niyo, sige nga!"

"Ikaw ang naging topic namin because she keeps on looking at you! Malay ko ba nililigawan mo iyon! Akala ko lang random girl na nahahanga lang sayo kaya binalaan ko na agad!"

"I can't believe you! Ayun, ayaw na akong kausapin!"

"Don't worry! Andami pa namang babae. Hindi kayo bagay!" Pabiro ko.

"And do you think, natatawa ako sa mga pinagsasabi mo?"Seryoso na siya ngayon.

"Sorry na nga eh! Kakausapin ko na lang ang babae para mapanatag ka!"


"I don't need it, binasted na ako."

Humalakhak ako ng malakas sa balitang iyon. Sinipatan kaagad niya ako. Inis na inis talaga siya sa akin.

"Do you think hindi ako makakaganti sayo?"

"Ano namang igagante mo sa akin?" Tanong ko pabalik.

"Basic," and he just smirk.

Mahaba ang araw na iyon. Pagod rin sila kaka-basketball kaya ang early ko lang nakahiga. I check my phone to see Leandro's message on me! And he even call me! Damn it!

Leandro : ano itong pinagsasabi sa akin ni Marko na you met some guy?

Napasirado kaagad ako ng mata. Ang lalaking ito! Mahilig talagang magsinungaling.

Ako: At naniniwala ka naman dun?

Mabilis siyang nagreply.

Leandro: Maybe. Wala ako dun.


Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ba't ako naiinis na hindi niya magawang magtiwala sa akin. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na lang siya ni reply-yan. Maybe, I can chat another boy para mavalidate naman at para katanggap tanggap pa ang sinabi niya.

I search Dave on messenger. Last time he add me as his friend on facebook kaya hindi pupunta sa message request ang message ko but I was so surprised na may message siya sa akin. Hindi ko lang napansin.

Dave: hey, are you okay?

He is online. Kaya kung re-replyan ko siya, may posibilidad na sasagot siya.

Nagtipa ako ng mensahe.


Ako: Yep, I am. How about you? It's been an long time Dave. Ang lakas na SSG president!

Kaagad siya nagtipa ng mensahe.

Dave: Haha, you always have that adorable Aura Alea.

Natawa ako. Adorable aura talaga? Magtitipa na sana ako ng tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Leandro wants to video call. Pero dahil naiinis ako, hindi ko iyon sinagot. Talaga lang ah?! Lagi kasi siyang nagtitiwala kay Marko.


Way To Your Soul (Way Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon