Violet POV
>>> 18 months later <<<
Sa sobrang abala ko sa T Corporation, hindi ko na namalayan ang paglipas ng bawat araw. Hindi ko namalayan na gano'n lamang kabilis natapos ang mga buwan. Hindi ko namalayan na halos magdadalawang taon ko nang hindi nakikita at nakakasama si Nicole.
At swear, inaamin ko na sobrang namimiss ko na siya. Gustong-gusto ko na siya na muling mahawakan at mayakap. Sa totoo lang, pwedeng-pwede ko naman siyang sundan sa New York eh. Pero hindi ko ginagawa.
Bukod kasi sa kailangan ako ng T Corporation, eh mayroon kaming napag-usapan na hindi ko pwedeng baliin. Sabi niya, babalik siya, kaya iyon ang pinanghahawakan ko. Alam kong babalik siya, kaya hihintayin ko siya.
Hindi ko man alam kung kailan siya babalik, pero kahit na gaano pa man iyon katagal. Maghihintay pa rin ako. Maghihintay lang ako sa kanya.
Natapos na rin ang graduation nito, pero hindi na siya dumalo pa. Hindi ko man lamang siya nagawang mabatiin ng personal para sa graduation niya, pero gumawa naman ako ng video greeting para sa kanya. At sinigurado kong magugustuhan niya. Hehe.
Pagkatapos noon ay mas naging abala na siya sa branch ng kanilang kompanya sa New York. At ngayon, pinili niya na doon na muna mamalagi.
Umuwi siya rito sa Pilipinas noong nakaraang taon for Christmas, but sad to say hindi kami nagkita. Sandali lamang kasi siya at nagkataon din na sobrang busy ko pa rin no'n sa aking trabaho.
Miss na miss ko na siya. Palagi pa rin kaming nagkakausap kapag mayroong free time at nagkakataon na hindi busy ang mga araw namin. Nakakamustahan, konting kwentuhan, pero hanggang doon na lang.
Kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko nang makipagbalikan sa kanya. Sa tingin ko naman kasi eh naghihintayan na lamang kaming dalawa. Pero ayaw ko naman kasing mag-first move dahil mukhang masyado itong abala sa kanyang binubuong career sa New York.
Syempre, bilang pagsuporta sa pangarap niya eh kasama doon ang kailangan kong irespeto ang napag-usapan naming dalawa. Kaya wala akong choice sa ngayon kundi ang mag-focus na lamang din muna sa aking sariling career at pangarap. Pangarap na kasama pa rin naman siya. Kasi syempre, ginagawa ko lahat ng ito para sa future naming dalawa.
Naging abala man kami ngayon sa kanya-kanya naming buhay. May mga nakikilalang tao araw-araw at mga bagong nakakasalamuha. Nag-go-grow kami individually nang hindi magkasama at wala sa tabi ang isa't isa. Pero kahit na gano'n , never kong hinanap siya sa mata ng iba. Never kong hinanap ang presensya niya sa iba. Kasi para sa akin, nag-iisa lang siya. At kahit na ilang milya pa ang pagitan naming dalawa, kahit gaano pa karaming tao ang makilala ko, siya at siya lang ang hahanapin ng puso ko.
Hihintayin ko siya at patuloy na mamahalin ko sa paraang alam ko. Dahil alam ko na darating ang araw na magkakasama rin kaming muli at magiging amin din muli ang isa't isa.
---
Pagkatapos ko sa opisina, pasado alas sais na ng gabi noong napagpasyahan ko na lumakad-lakad muna. Kasi nakaka-miss din ang maglakad lalo na kapag ganitong lubog na ang araw.
Isa pa, kapag ganitong naglalakad ako. Parang kasama ko na rin si Nicole, kasi 'di ba? Ang hilig naming gawin 'yung ganito noon?
Isa sa mga bagay na namimiss kong ginagawa naming magkasama ay yung tatambay hanggang sa abutin na kami ng umaga. Para lang magkwentuhan, magtawanan at pag-usapan 'yung mga bagay tungkol sa aming dalawa.
Hayyy. Kailan kaya mauulit 'yung mga moment na gano'n? Tanong ko sa aking sarili.
Habang naglalakad ako patawid ng kalsada ay tila ba biglang bumagal ang paligid noong sandaling magtama ang aking paningin sa isang babaeng naglalakad pasalubong sa akin. Nanggaling ito sa kabilang kalsada kung saan ako papunta.
BINABASA MO ANG
HBS 1: New Generation - The Beauty & Brain (Gxg) COMPLETED
RomanceMeet Nicole, a beautiful, kind, and intelligent woman. She has an almost-perfect life, looked up to and admired by everyone. She looks like a real Princess from a famous Disney movie, where she also has a perfect Prince. They're in love? Yes. Not u...