Violet POV
"Sa tingin mo ba magugustuhan niya itong mga bulaklak?" Tanong ni Nicole sa akin habang hindi maitago ang magkahalong excitement at kaba sa kanyang mukha.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti at mapasulyap sa kanyang mukha bago muling ibinalik ang mga mata sa kalsada.
"Nic, stop being so cute." Saway ko sa kanya. She just frowned. Kaya naman napatawa ako ng mahina, iyong tawa na medyo malandi. Haha.
"Eh kasi hindi naman makakapagsalita pa si Katie. Matutuwa pa nga 'yun dahil dadalawin natin siya." Paliwanag ko sa kanya.
Yes! Pupuntahan namin ngayon ang puntod ni Katie. Pagkatapos ng halos dalawang taon, sa wakas, magkasama na rin kami ni Nicole na dadalaw ngayon sa kanya.
"Eh kasi baka bigla akong multuhin no'n eh." Malungkot na wika nito. "Baka hindi pa rin niya ako napapatawad dahil sa nangyari?" Dagdag pa niya. Muli akong napatawa ng mahina.
"Kapag hindi ka pa tumigil d'yan, hindi na lang tayo tutuloy---"
"Fine!" Putol nito sa akin. "Nagwo-worry lang naman kasi ako."
"Saan ka ba kasi nagwo-worry?"
Natahimik ito at tila ba biglang nagbago na ang mood.
"Wala." Tipid na sagot niya at agad na ibinaling ang kanyang mga mata sa labas ng bintana.
Habang ako naman ay napapakagat na lamang sa aking labi para pigilan ang nagbabadya ko na muling pagtawa.
"Nagseselos ka ba? Pfft!" Tanong ko sa kanya na may pigil na pag ngiti. "Are you seriously jealous sa taong namayapa na?" Pang-aasar ko pa.
Hindi na ito muling kumibo pa o ang bigyan ako ng tingin.
"Fuck! My baby is really jealous." Napapailing na wika kong muli bago tuluyang ipinarada ang sasakyan noong makarating kami sa aming destinasyon.
Agad na tinangggal ko ang seat belt ko at maingat na iniharap ang aking sarili sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilaang balikat para maiharap din sa akin. Napayuko ito kaya naman marahan na hinawakan ko siya sa kanyang baba at dahan-dahan na inangat iyon, dahilan para salubungin niya ang mga mata ko.
Binigyan ko siya ng isang pamatay na ngiti ngunit inirapan lamang niya ako. Kaya naman hindi ko napigilan ang muling mapatawa.
Naku po! Mood swings alert. Sabi ko sa aking sarili.
"You know what?"
"Hindi." Pamimilosopo nito sa akin at putol na rin kaya this time, ako naman ang napairap sa kanya ngunit may pigil na pagtawa.
"Hindi mo kailangang magselos, kasi si Katie nagparaya na 'yun, 'di ba? And she also save your life." Panimula ko at pagbibigay ng assurance. "Hindi ka dapat nagseselos sa kahit na sino, sila ang dapat na magselos sa'yo because my eyes, my heart and my thoughts are only for you, Nic. I always belong to you." Dagdag ko pa.
Hindi naman nito napigilan ang mapanguso. Marahan na hinawakan ko ang kamay niya kung saan nakasuot ang kanyang singsing. Hinalikan ko iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya, ganoon din siya sa akin.
"Ikakasal na tayo. Ikaw ang gusto kong kasama hanggang dulo. At wala na akong balak na kumilala pa ng bago, Nicole. Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Hindi ko na nai-imagine ang future ko na wala ka. Kaya maging kampante ka nang sa'yo lang ako." Dagdag ko pa.
"Pero ayaw kong pakampante. Nakakatakot maging kampante, V." Nag-aalala pa rin na sabi niya bago muling napayuko.
"Hey," muling iniangat ko ang kanyang baba at hinawakan siya sa magkabila niyang pisngi. "Look at me," utos ko pa sa kanya. "Ako 'to, Nic. Magiging asawa mo ako. Naiintindihan ko 'yung nararamdaman mo. Kasi sa dami ba naman ng manloloko ngayon, 'di ba? Even us, nagawa nating lokohin ang mga partner natin noon. Pero hindi na 'yun mauulit. 'Di ba? I just want you to trust me on this." Pagpapatuloy ko pa.
BINABASA MO ANG
HBS 1: New Generation - The Beauty & Brain (Gxg) COMPLETED
RomanceMeet Nicole, a beautiful, kind, and intelligent woman. She has an almost-perfect life, looked up to and admired by everyone. She looks like a real Princess from a famous Disney movie, where she also has a perfect Prince. They're in love? Yes. Not u...