Chapter 03

3K 44 2
                                    

CHAPTER THREE


KEECIA


"Ang sarap punitin nung papel ni Ciacia, ano?"


Nilingon ko si Charleigh na ngayon ay naka-tingin sa drawing ko. Submandibular Gland naman ang ipinapagawang drawing ni doc ngayon. Ipapasa ito mamaya. Nandito kami ngayon naka-tambay sa Coffee Project sa may Vista Heights habang ginagawa iyon. Punuan kasi sa Tim Horton's at Starbucks, kaya kahit hindi namin bet ang lasa ng mga drinks, dito na lang kami dahil mas malaki ang space at walking distance lang sa CEU. Babalik pa kasi kami roon mamaya, may klase pa kami. Vacant lang ngayon at gusto naming magpalamig kaya naparito kami.


"What if yung iyo yung punitin ko?" Inirapan ko siya.


"Eh kasi naman! Sa drawing na nga lang kami babawi, balak mo pa kaming sapawan! Ang taas na nga ng grades mo lagi sa Oral Ana!" Reklamo niya.


"Kasalanan ko bang bano kayong mag-drawing?"


"Yabang, ampota!" sumingit si Yvan. "Drawing-an mo na nga lang din ako, Cia! Reto kita sa kaibigan ko!"


"No, thanks," inismiran ko siya. "Iyo na yang mga kaibigan mo."


I know what kind his guy friends are. Masyadong makukulit at mahaharot, parang si Yvan lang. Hindi naman ako judger, pero mas bet ko iyong mga suplado o mysterious type na lalaki. Basta iyong alam mong seryoso sa buhay, may pangarap at prinsipyong iniingatan.


"Speaking of... ngayon ko lang na-realize, ang tagal mo na rin palang single, ano?" Nakisali pa si Julia, kababalik lang sa table namin. Narinig niya iyon, huh? Kanina pa kasi to nagti-TikTok sa gilid. Oo, dito mismo sa Coffee Project, wala siyang paki kahit may mga tao sa paligid.


"Oo nga. Almost two years na nga ata?" Sabi ni Alliana bago humigop doon sa chocolate drink niya.


Ako na naman ang topic. As if naman ako lang ang single sa grupo namin? Eh sa aming lahat, si Julia lang naman ang may masayang lovelife, kahit wala silang label nung ka-landian niya.


"Ano ba kayo, pokpok era nga niya!" si Olivia.


"Anong pokpok era?" Charleigh snorted. "Inaalikabok era kamo!"


"Wow, kayo ba, may mga jowa?!" Singhal ko sakanila.


"Atleast kami lumalandi pa-minsan minsan. Unlike you!" Dagdag pa ni Charleigh. "Jusme, nakakapagod kaya ang maging single. Ang lonely!"


"Oo nga naman, Keecia!" Tinapik ni Alliana ang braso ko, kaya humarap ako sakaniya. "Hindi ka ba nagwowory, baka magkaroon ka na ng sapot niyan?"


"Magkaroon? Tanga, sinasapot na nga yan e!" Tumawa si Julia.


Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now