Chapter 09

2.6K 41 4
                                    

CHAPTER NINE


KEECIA


"Your house is huge." Kumento ni Caine nang makapasok kami sa gate ng bahay namin.


"It's not my house," I corrected him. "It's my family's house."


Our house is picturesque. Its stylish and modern design is visible through its glass walls. I think my mom got too obsessed with architectural digest house tours and magazines, doon niya nakuha ang mga ideya kaya ganto ang hitsura ng bahay namin. Maybe she took notes. I dunno, basta ang alam ko ay halos siya ang nasunod nung nirenovate ang bahay namin noon. The driveway also has a roundabout with a fountain. Sa laki nito ay maituturing ng mansyon.


Hindi pa man ako nagpapark ay natanaw ko na si ahia na naghihintay sa aming entryway. And it's not looking good. He's just standing there with arms crossed over his chest. He looks scary... like he's ready to eat someone alive. Like a man who wants to claim superiority over his territory. Palagay ko ay halos kararating niya lang din, mukhang kaka-park lang ng kaniyang Porsche sa harap ng bahay namin. Kumunot ang noo ko nang mapansing mag-isa lang siya at wala ang girlfriend niya. Huh, maybe nasa loob na?


I think my brother is wondering kung sinong nakasakay sa kotseng ito dahil hindi naman ito amin. Caine's car is tinted kaya hindi rin makita kung sino ang nasa loob. I doubt our guards has reported my arrival to them because they don't do that unless kung bisita yung dumating.


I'm so stupid. Why haven't I thought of this?


Nung inaya ko si Caine dito ay hindi ko man lang naisip na makikilala niya ang buong pamilya ko... Dammit! Every weekend ay for family time, iyan ang rule ng parents ko. Pinayagan nila kaming mag-move out sa bahay, pero kailangan naming umuwi every weekend. No negotiation iyon hangga't wala pa kaming mga sariling pamilya o kaya naman pag may emergency. Isinasama rin nila ahia at achi ang mga partners nila for dinners. Kaya talagang makikilala silang lahat ni Caine ngayon.


Maybe I should've brought him to the hospital instead. But knowing Caine, he's too stubborn. Panigurado ay mas aayawan niyang dumiretso kami roon.


Bakit naman kasi inuna kong magpadala sa pag-aalala at emosyon? Ang malala pa ay sugatan ang mukha ni Caine! Shit, I don't want my family to have a bad impression on him. I don't want them to get the wrong idea. God, this is so wrong timing! But at the same time, nag-aalala rin ako para kay Caine. Ayokong iwanan lang siya na duguan ang mukha. Hindi rin ako matatahimik na hayaan nalang na ganun ang kalagayan niya.


Maybe it's not as bad as I think. I need to calm down. Hindi naman mapanghusga ang pamilya ko. I'm sure they will understand as soon as we explain what happened.


Pero ano nga ba talaga ang nangyari sakaniya? Kahit nga ako ay hindi alam. I'm really starting to get worried.


Nang makarating kami sa harap ng bahay namin ay agad kong pinatay ang makina at binalingan si Caine. Kailangan ko siyang i-handa at baka ma-overwhelm siya sa magiging reaksyon ng pamilya ko.

Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now